Sa panibagong umaga ay mga alaala ng kahapon ang nagpamulat sa akin kinabukasan. Mukha ng isang lalaki na mariing nakahalik sa aking labi ang nakatatak sa aking balintataw!
Napakurap-kurap ako habang inililibot sa pamilyar na silid ang aking paningin. Kasabay ng pagbalikwas ko ng bangon ang pagsiksik ng alaala sa aking isip.Sa unang pagkakataon sa mga nagdaang taon ito ang unang beses na nagising ako na hindi nakalimutan kung ano ang nangyari kahapon.
Mga pangyayari kahapon—mula paggising ko sa umaga hanggang sa pagpikit ng aking mga mata sa gabi, lahat iyon natatandaan ko!
Magaan ang pakiramdam na umahon ako mula sa kinahihigaan bago tumuloy sa banyo para makaligo. Matapos kong maligo, magbihis at makapag-ayos sa sarili ay saka ko tinungo ang malaking bintana ng aking silid. Marahan kong hinawi ang kurtinang nakatabing doon bago tinanaw ang tanawin sa labas.
Ang sikat ng pang-umagang araw ay nakakasilaw sa mata. Pero hindi naging hadlang iyon para hindi ko pagtuunan ng pansin ang dalawang pigura na nakaupo sa mahabang bench habang masayang nagku-kwentuhan. Masaya...sapagkat nababalatay sa kanilang mukha ang maaliwalas na aura at nakaukit sa kanilang labi ang walang humpay na ngiti.
Ano kaya ang nangyari nang sabay silang umalis mula sa balcony kagabi? Napag-usapan kaya ang tungkol sa kanilang engagement katulad ng sinabi ni Jona sa akin kagabi?
Kasabay ng sakit na kumurot sa aking dibdib ang biglang pagdaan ng mga alaala sa aking balintataw. Alaala ng aking kahapon na bigla nalang naglaho sa hindi ko alam ang kadahilanan.
"Ang ganda-ganda talaga ng mamanugangin ko! Bilisan mo na ang paglaki,ha? Para mabigyan mo na kami ng apo!" Humalakhak si Tita Juana habang niyayakap ako ng mahigpit.
Dahil nakagawian na ng pamilya ko ang laging pagdalaw dito sa kanila kaya isa ito sa mga araw na pagbisita namin dito sa mansyon ng mga Almoda.
"Juana, ano ka ba! Kung anu-ano nalang ang pinaparinig mo dyan kay Cassandra. Mamaya magagawa na nya ang hindi pa dapat!" Saway ni Mama sa kaibigan na ngayon ay papalapit sa kinatatayuan namin ni Tita.
"Naku Carol,sa palagay ko nasa tamang edad naman ang anak kong si Jury. Tama lang ang walong taon na agwat ng edad nila ni Cassandra nang sa ganoon ay maaalagaan nya ng mabuti itong Unica hijah ninyo. Bakit pa natin patatagalan kung doon din naman ang patungo, hindi ba?" Nababanaag sa boses ni Tita Juana ang matinding excitement.
Malapad akong ngumiti. Ni hindi marinig ang pagtutol mula sa akin. Hindi dahil sa fond ako ng pamilya kundi dahil iyon din ang kagustuhan ko.
Dahil lumaki ako na malapit sa kanilang pamilya. Kasabay ng aking paglaki ang pag-usbong ng kakaibang nararamdaman ko para kay Jury Jade.
"Jury Jade,anak... kailangan mong alamin kung ano ang pagkain na hindi pwede kay Cassandra. May allergy sya sa crab kaya hwag mong kalilimutan iyon. Hindi naman sa lahat ng oras ay magkakasalo tayo sa pagkain lalo na kapag naikasal na kayong dalawa." Sabi ni Tita Juana isang gabi na magkasama kaming magdinner sa loob ng kanilang mansyon.
"Naku Mama, hindi na ako makapaghintay! Sa wakas magkakaroon na talaga ako ng Ate!" Si Jona na hindi na itinago ang matinding excitement sa kung anuman ang magaganap ayon sa kagustuhan ng aming mga magulang.
"And also Cassandra,Darling....hwag na hwag mong ipagkakait sa amin ang magiging apo ko, ha? Hayyy parang nakikita ko na ang cute kong apo habang naglalaro sa hardin!" Nangangarap na patuloy ni Tita Juana. Ang kanilang ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/206580783-288-k296562.jpg)
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...