"I love you....i.....truly love you, Jury Jade."Sumilay ang ngiti sa aking labi nang maalala ang huli nyang sinabi sa akin.
Sigurado akong naaalala na nya ako. Napansin ko iyon sa klase ng kanyang paninitig sa akin. Hindi katulad noong nakaraang araw, na puno ng pagtataka ang bawat tingin na ipinupukol nya sa akin.
"Mukhang ang saya mo anak, ah! Hindi ako makapaniwala na darating ang araw na ito. Akala ko magbabago ang isip mo. Salamat at nakapagdisisyon ka ng mabuti." Si Mama bago naupo sa aking tabi. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi.
Umuwi kami ni Jona sa mansyon matapos pagplanuhang mabuti ang gagawin mamayang gabi.
"Bakit pa kasi doon sa hotel gaganapin ang party? Malawak naman itong mansyon at saka mas komportable pa dito." Pagpapatuloy nya.
"Ma, mas mabuti na iyon para hindi na kayo mapagod sa kaiisip kung paano mag-ayos dito sa bahay." Bigay ko ng paliwanag sa kanya.
"Pero anak salamat talaga, hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya sa ginawa mong disisyon. Alam kong hindi mo pagsisisihan ito. Mabait at maalaga si Melanie. Mapapanatag ako dahil hindi ka nya pababayaan." Nasa boses ang excitement.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagngiwi ni Jona at bahagyang pag-irap nang mapadaan sya sa harapan namin. Napangiti ako doon.
"Jona." Napatigil sya sa paghakbang nang bigla syang tawagin ni Mama.
"Opo, Ma." Maagap nyang sagot at inayos ang mukha.
"Kailangan mong pakisamahang mabuti ang Ate Melanie mo. Hindi ko nagugustuhan ang pagiging salbahe mo kapag kaharap sya. Ngayong malapit na syang mapabilang sa pamilya dapat ayusin mo yang ugali mo." Sermon ni Mama sa kanya.
"Not in my dream, Ma!" Taas kilay nyang sagot bago nagmartsa palayo patungo sa veranda.
"Tingnan mo yang kapatid mo..pagsabihan mo yan at nang matuto, Jury Jade!" Badtrip na sabi ni Mama bago marahas na tumayo.
Napapailing nalang ako habang sinusundan ng paningin ang kanyang pag-alis habang ngayon ay may kausap na sa phone.
Bumaling ang aking paningin kay Papa sa kabilang dako ng sala habang mariing nakatitig sa akin. Ngumisi ako bago tumayo. Napansin ko din ang marahang pagtayo nya at dumeretso ang hakbang papalapit sa akin.
"Sigurado ka ba na kagustuhan mo ito?" Worried nyang tanong. Hindi katulad ni Mama, si Papa kasi mas iniisip kung ano ang nararamdaman ko—namin ni Jona.
"Kung labag ito sa kalooban mo may oras pa naman para umatras ka." Dugtong nya sa sinabi.
Umiling ako at banayad na ngumiti. "Matagal na itong pinaghandaan ni Mama kaya wala ng dahilan para hindi matuloy. Ayokong biguin si Mama, Pa."
"Kahit alam mong hindi ka masaya?" Nasa mata ang matinding pag-aalala nya para sa akin.
"I'm fine!" Ngumiti ako para bigyan sya ng assurance.
Tumango sya at marahang tinapik ang aking balikat. "Sige, kung hindi na talaga magbabago ang disisyon mo."
Hindi na talaga Papa, hinding-hindi na!
Nang makaalis si Papa ay maagap kong sinundan si Jona sa may veranda. Nadatnan kong nakatayo sya sa may gilid ng railings. Nakatanaw sa labas.
Kaagad kong nakuha ang kanyang atensyon nang tumabi ako sa kanya.
"Siguraduhin mo munang makaalis ang mag-iina mamaya bago mo pasukin sa kanyang kwarto si Cassandra." Paalala ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...