Twenty-four

1.8K 61 0
                                    

Sa komplikadong mundo na ginagalawan ko sa mga nagdaang taon. Hindi ko naisip na magkaroon iyon ng katahimikan ngayon— dito sa mga bisig ng lalaking mahal ko.


I got distracted by his sudden move. Ang marahang pagdausdos ng kanyang magkabilang kamay patungo sa aking pang-upo ang nagpaigtad sa akin. One swift move ay namalayan ko nalang ang  pag-angat ng sarili habang paharap na nakapatong sa kanyang kandungan.


Nailapat ko ang sariling kamay sa kanyang matitipunong dibdib habang nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa kanya. Ang hindi inaasahang pagkakadikit ng mga katawan namin ay nagpagising sa kakaibang sensasyon na kaagad umatake sa buo kong sistema.


Oo nga at naghahalikan kami kahit na noon pa nang magkaroon kami ng relasyon pero hindi kami lumampas doon. Hindi ko alam kung hindi lang namin napagtuunan ng pansin ang isat-isa dahil sa sunod-sunod na problemang kinakaharap ko,o, nawalan kami ng pagkakataon na mapag-isa sa isang pribadong lugar katulad nito?


Oo nga at lagi kaming lumalabas pero nasa public place iyon. Kung hindi kakain sa labas o mag-adventure sa open space naman. Kapag nasa bahay naman nya kami manatili, naroroon si Jona na kasama namin. Kaya ikinagulat ko ito ngayon kasi hindi ko inaasahan na maaaring magagawa nga nya sa akin ang isang bagay na pinanabikan nyang mangyari.


Pero teka, sya lang ba ang nasasabik na mangyari ito? Kung ganoon paano ko ipaliliwanag itong sumisilab na init mula sa aking kalamnan sa simpleng pagdaiti nga lang ng aming katawan?


Lumipat ang kanyang kamay palapat sa aking pisngi. Marahan nyang pinasadahan ng daliri ang aking jawline habang nakatitig sya sa nakaawang kong mga labi.

"P-pakasalan mo muna ako..." Pautal kong sabi.

Marahan nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at mabilis na pinaglapat ang aming mga labi. Mabilisang halik lang ang iginawad nya bago nya ako muling tinitigan.


"Magpapakasal tayo sa lalong madaling panahon. Maaring bukas o sa makalawa basta ayoko ng umabot pa sa susunod na linggo o buwan." Determinado nyang sinabi.


Magpapakasal bukas, o, sa makalawa? Paano iyon? Ni hindi man lang ba ako makapaghanda sa wedding gown na gusto kong suotin?

Napapanguso ako sa naisip pero nang mapatuon ang aking tingin sa kanyang mga mata at napansin ang pagsusumamo roon ay bigla nalang naglaho ang lahat ng naisip ko. Bakit nga ba kailangan kong maging demanding kung mayroon namang mas mahalaga pa roon? Hindi ba mas importante yung maipangako kami sa isat-isa? Na sya— para sa akin. At ako—para sa kanya?


Marahan kong itinaas ang aking mga braso at walang babalang ipinulupot iyon sa kanyang leeg. Bahagya syang napakurap dahil sa aking ikinilos. Awang ang bibig pananantya ang binigay nyang titig sa akin.


Inilapit ko ang aking mukha sa kanya and this time ako ang nag-initiate ng halik. Ramdam ko ang gulat mula sa kanya pero sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman ko na lamang ang pagpigtas ng kanyang pagtitimpi mula pa kanina. Halos mapasinghap ako ng atakehin nya ako ng mapupusok na mga halik.


Bumaba ang kanyang halik sa nakalantad kong leeg. Tumingala ako para mabigyan sya ng daan sa ginagawa. Naglikot ang kanyang kamay at bago pa ako makapagprotesta ay hawak na nya ang laylayan ng suot kong pang-itaas na pyjama. Mabilis nyang itinaas iyon hanggang sa mahubad mula sa katawan ko.


Napalunok ako ng mariin nang muli kaming magkatitigan. Sa maraming taon ng pagsasama namin noon ay never akong naglantad ng katawan sa kanyang harapan. Nahahawakan nya ako sa kamay, nayayakap at nahahalikan pero hindi kasali doon ang paghuhubad sa kanyang harapan.


When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon