Twenty-three

1.7K 48 3
                                    

Cassandra's POV



Katulad ng mga ordinaryong araw sa pang-araw araw na buhay. Nagising ako sa panibagong umaga na magaan ang pakiramdam at puno ng mga alaala.


Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang madilim na kahapon, ngayon ay nasisinagan ng liwanag. Napakurap ako. Hindi pamilyar sa akin ang kinamulatang silid na kinaroroonan ko. Pero nang ikutin ko ng paningin ang buong silid at suriing mabuti...ito ay pamilyar sa akin— pamilyar sa aking imahinasyon!


Marahan akong bumangon at nagmamadaling silipin ang bintana para maaninag kung nasaan nga ba ako ngayon. Pero nakuha ng aking atensyon ang sariling repleksyon sa harapan ng malaking salamin.


Napahawak ako sa aking mukha. Malinis iyon at wala man lang bakas ng kahit anong kolorete sa mukha. Bumaba ang aking paningin sa kabuuan. Napaawang ang aking bibig nang makitang nakasuot ako ng damit pantulog. Samantalang ang huling natatandaan ko ay nakasuot ako ng dark blue sweetheart long gown with stiletto, last night.


Bagamat kinakabahan ay nagawa ko paring tunguhin ang nakapinid na pintuan ng silid. Marahan ko iyon binuksan at labis na pagtataka ang bumalot sa akin nang katahimikan ng buong bahay ang nabungaran ko. Iniisip ko pa man din na baka yung dalawang lalaki kagabi ang nagbabantay dito sa labas.


Tinungo ko ang hagdan at marahang bumaba. Para akong mapapaiyak sa sobrang pagkamangha nang isa-isahin kong tapunan ng paningin ang interior design ng bahay habang humahakbang pababa.


Dumeretso ako sa labasan at nais kong panoorin mula sa labas kung paano yung desinyo ng bahay. Awang ang labi halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ngayon. Ang bahay na ito ay bunga ng aking imahinasyon. At sa iisang tao ko lamang iyon naidetalye!


To my only one Architect Jury Jade Almoda!

Tumahip ang aking dibdib sa sobrang kaba. Imposible namang—

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang bintana sa kaliwang bahagi ng bahay. Dumungaw doon ang presko at nakangiting si Jury Jade!


"Pumasok ka na at nakahanda na yung agahan." Aniya bago umalis mula sa tapat ng bintana.

Ipinilig ko ang ulo. Nananaginip lang ba ako? Pero nang subukan kong ihakbang ang mga paa pabalik sa pintuan ay doon ko natanto na hindi naman pala ako tulog.


Nang tuluyan akong makapasok ay nadatnan ko syang nakahalukipkip habang inaantay ang paglapit ko. Hindi nya ako tinantanan ng kanyang paningin kahit na nga ba ay nasa harapan na nya ako. Naasiwa ako nang mapansin ko ang paglipat ng kanyang mga mata sa aking dibdib.


Napalunok ako ng mariin nang biglang sumagi sa isip ko na baka sya yung nagbihis sa akin. Kung hindi sya— at sino naman ang mangahas na bihisan ako?


"Itong bahay...." Sinubukan kong magsalita para mawala yung pagkaasiwa na nararamdaman ko.


"Your dream-house." Patuloy nya sa aking sasabihin.

Saglit akong natigilan at muling napatitig sa kanya. Ang maaliwalas nyang mukha ay nagpadagdag sa kanyang manly figure. Hindi katulad ng mga nagdaang araw na parang laging may malaking katanungan ang nababanaag sa kanyang hitsura. Ngayon, napansin ko ang contentment at ang happiness? Maybe...


"Kailan mo ginawa?" Curious kong tanong.

Bakit napunta dito ang usapan? Hindi ito ang dapat kong itatanong sa kanya. May mas importante pa!


"Sa loob ng tatlong taong pagkawala mo. Sa opisina at dito ko ginugol ang mga oras ko."

Tumaas ang aking kilay. Halatang hindi naniniwala. Gusto nyang ipahiwatig sa akin na wala syang oras maglandi? Aba...aba...nagmamalinis, ah! Samantalang naging girlfriend nya si Melanie habang wala ako at binalak pang makipag-engaged dito kagabi!

Nagtagis ang aking bagang nang maalala iyon. Kinain ng kanyang hakbang ang pagitan namin at sa mabilis na kilos ay kaagad nyang nahuli ang aking kamay. Iiwas ko sana iyon sa kanya pero naagapan na nya akong hilain patungo sa isang pintuan.


Mabilis nyang binuksan ang pintuan at doon ko nalaman na dining area pala iyon. Sa hindi naman kahabaang mesa nakahilera ang breakfast na hinanda nya. Pinaghila nya ako ng upuan bago sya pumwesto sa blangkong upuan na katabi ko. Napanguso ako doon. Ang akala ko kasi sa kabisera sya uupo. Kainis! Bakit dyan pa sya sa malapit pumwesto?


Nakaramdam ako ng gutom nang pasadahan ko ng paningin ang pagkain na niluto nya. Saka ko naisip na wala pala akong maayos na dinner kagabi.

Pinanood nya ako nang maghain ako ng pagkain sa aking pinggan. Alam kaya nya na hindi ako nakakain ng maayos kagabi kaya heavy breakfast ang hinanda nya?

"Anong nangyari kagabi?" Basag ko sa katahimikan matapos akong sumubo ng makailang ulit.

Marahan nyang ibinaba ang hawak na kubyertos bago sumagot.

"Maraming araw pa ang naghihintay para pag-usapan natin ang tungkol dyan. Sa ngayon, kakain nalang muna tayo."


Bumagsak ang aking balikat buhat sa narinig. Talagang hindi ko maaasahan ang lalaking ito para makasagap ng balita. Tuloy, naalala kong bigla si Jona. Sana sya nalang ang kasama ko ngayon. Napalabi ako dahil sa naisip.

Dinampot ko ang baso ng juice para makainom. Saktong pagbaba ko ng baso ay sya namang paglapat ng palad ni Jury sa aking kamay.


"Dalawang beses na akong laging palpak sa plano."

Marahan ko syang nilingon at doon ko napansin ang seryoso nyang mukha. Nakatitig sya sa aking mga daliri particularly sa may ring finger ko.

"Noong una, pinaghandaan kong mabuti yung engagement party natin pero hindi ka naman sumipot."

Muli akong sinalakay ng kaba sa aking dibdib habang matamang nakikinig sa kanya.

"Kagabi naman, muling nasira ang diskarte ko kasi gumawa ka ng eksena."

Napakagat sya sa kanyang labi bago ako sinulyapan.


"Kaya naisip ko...ayoko na."

Nagbaba ako ng tingin nang hindi maintindihan kung ano ang gusto nyang ipahiwatig. Kaagad akong nakaramdam ng kurot sa aking dibdib.

Ayaw na nya? Kanino? Sa akin?


"Ayoko ng paghandaan pa ng matagal para magiging espesyal. Tutal lahat naman ng araw ay espesyal basta magkasama tayo."


Muli akong nag-angat ng mukha at lumingon sa kanya. Ngayon, mariin na syang nakatitig sa akin.


"Hindi na importante yung may engrandeng handaan. Hindi ko kasi maiwasang hwag mag-isip na kung bakit kay hirap naman maipagkaloob sa'yo ang isang bagay na maging simbolo na akin ka? Baka sa pangatlong pagkakataon hindi ko na kaya, baka mababaliw na ako ng tuluyan. Kaya... naisip ko kahit naman saang lugar, kahit anong oras ang importante maibigay ko sa'yo ito."


Napaawang ang aking bibig nang sundan ko ng paningin ang kumikislap na bagay na kaagad nyang pinadulas sa aking palasingsingan.


"Pakasalan mo ako, baby...." Malambing nyang sinabi.

Napalunok ako at napakurap habang nakatitig sa aking daliri. Ngayon ko naramdaman ang kapayapaan na kaytagal ko ng gustong makamit.


Ang kapayapaang hinahanap ko— sa kanya ko lang pala matatagpuan.

Binawi ko ang aking kamay mula sa kanyang hawak bago pinakatitigan ng mariin ang suot kong singsing.


"Beautiful, thank you!" Nakangiti kong bulalas bago ko itinapon ang aking sarili sa kanyang dibdib. Ikinulong nya ako sa kanyang matitigas na braso habang nakayapos naman ako sa kanyang baywang.


"Pakakasalan kita, kaagad." Bulong nya bago hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa akin.

***

When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon