Nasa bungad palang ako ng pintuan ng sinehan habang nakasunod kay Jona ay naramdaman ko na lamang ang bahagyang pagkahilo nang bumalot sa aking paningin ang madilim na silid. Huminto ako sa paghakbang para kumuha ng lakas.
Pero ang matigas na braso na marahang pumalibot sa aking baywang at ang matitipunong dibdib na dumantay aa aking likuran ang nagpanumbalik sa irregular kong paghinga. Nawala ang aking hilo at bumalik sa normal ang aking pakiramdam maliban na lamang sa naghaharumintado kong puso na parang nililindol sa sobrang tahip nito sa aking dibdib.
"Kung hindi mo kaya babalik nalang tayo sa labas. Hihintayin natin doon si Jona."
Ang banayad na boses na iyon ay parang musika sa aking pandinig. Ang tinig nya na puno ng concerned ay nagpainit sa aking sistema. Pinuno nito ang kakulangan sa buhay ko—kung mayroon man.
Nilingon ko sya at tiningala. Pumuno sa aking ilong ang kanyang natural masculine scent. So manly. Huminga ako ng malalim bago sinubukang magsalita.
"I'm fine! Papasok na tayo at baka nakahanap na ng upuan si Jona."
Isang marahang tango ang pinakawalan nya bago kami nagpatuloy sa paghakbang habang nakaalalay parin sya sa akin. Kumaway si Jona nang mamataan nya kami kaya dumeretso na kami sa bakanteng upuan na inilaan nito para sa amin.
Saka lang nya ako pinakawalan nang maayos na akong nakaupo sa aking pwesto. Nasa bandang kanan ko nakaupo si Jona at si Jury naman ang nasa bandang kaliwa. Bale napalagitnaan ako ng dalawa.
Nagsimula ng magplay ang palabas kaya napansin kong concentrate na nakatanaw sa harapan si Jona. Dumaan sa aking katawan ang lamig na nanggaling sa aircon kaya wala sa sariling pinagdaop ko ang aking palad.
Bahagyang kumilos si Jury at naramdaman ko ang pagdausdos ng kanyang kamay papunta sa magkadaop kong palad. Sa isang iglap ay napaghiwalay na nya ang aking mga kamay at ang pumalit ay ang malaki at malapad nyang palad. He intertwined our fingers kaya wala sa sariling napatitig ako doon.
Napalunok ako ng mariin at pilit binabawi ang aking kamay pero hindi man lang nya niluwagan ang pagkakadaop ng aming palad. Kinabahan akong bigla lalo na ng sumilip sa amin si Jona. Hindi man lang natinag ang kanyang kapatid kahit na nga ba naaaninag ang magkadaop naming palad dahil nakapatong iyon sa kaliwang hita ko.
Tumikhim si Jona at ngumisi. Akala ko mang-aasar sya pero yung popcorn na dala nya kanina ang pinagkaabalahan nya. Inilapit nya iyon sa harapan ko pagkatapos nyang sumubo ng iilang piraso.
Naiilang akong ngumiti bago kumuha ng popcorn.Nilingon ko si Jury at tanungin sana kung gusto nya. Pero nakuha na naman ng aking atensyon ang magkadaop naming palad.Mahihirapan syang sumubo gamit ang kaliwang kamay lalo pa at hawak ni Jona ang lalagyanan ng popcorn. Malayo iyon sa kanya.
Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago walang imik ko syang sinubuan. Akala ko iiwas nya ang mukha nya pero nakahinga naman ako ng maluwag nang tanggapin nya ang isinubo kong popcorn sa kanyang bibig. Mariin nya akong tinitigan habang nginunguya yung popcorn kaya naman ay napaiwas ako ng tingin.
Humagikhik si Jona mula sa aking tabi kaya agad ko syang nilingon. Inilapit nya ang kanyang bibig sa aking tainga bago bumulong.
"Kailan kaya ako magka-boyfriend? Kinikilig ako sa inyong dalawa ni Kuya!"
Marahan ko syang siniko. Gusto ko lang namang ipaintindi sa kanya na hindi kami magkasintahan ng Kuya nya. Baka kasi nakalimutan nya?
Sa muling subok kong pagsubo ng popcorn sa bibig ni Jury ay napaigtad sa akin. Hindi ko kasi inaasahan na dumampi ang aking daliri sa kanyang malambot na labi. Para akong kinilabutan lalo na nang mapatitig ako sa nakaawang nyang labi.

BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...