Nineteen

1.3K 43 0
                                    

Dalawang taon ang lumipas matapos kong malaman ang tungkol sa pagkaka-engaged nya sa fucking European guy na iyon.


Kung tutuusin tatlong taon...tatlong taon na simula nang hindi ko sya makita. Tatlong taon na hindi nagparamdam. Tuluyan na nya akong kinalimutan. Oo nga naman, engaged na pala sya diba? Engaged na sya kaya kailangan ko na ding magpatuloy sa buhay. Tutal sanay naman akong wala sya. Pero bakit ang mga alaala nya ay sariwang-sariwa parin sa aking utak?


"One of this days baka uuwi na si Cassandra." Si Tita Bernadette habang kaharap ko sa mahabang mesa.


Uuwi? Babalik na sya? After three fucking years? Sa anong dahilan kung bakit nya naisipang bumalik? Sawa na sya sa buhay doon sa Europe? O, bumalik sya dahil narinig nya ang balita na pumayag na ako sa kagustuhan ni Mama tungkol sa pag-aayos para sa engagement namin ni Melanie.


Kung alam ko lang na ganito ang paraan ng maaga nyang pag-uwi eh di sana pumayag na ako noon pa! Para nakauwi na sya kaagad. Para hindi na umabot sa ganito katagal. Narealize nya kaya na mali yung ginawa nyang pang-iwan sa akin noon? Bumalik sya dahil hindi nya matatanggap na mapasakamay ako ng babaeng kinamumuhian nya?


Oh baby... bumalik ka lang at pahihirapan kita! Gusto kong iparanas sa'yo ang sakit na dinanas ko sa loob ng tatlong taon na pagkawala mo. Gusto kong sabihin mo sa akin na pinagsisihan mo ang lahat!


And finally she's back! She's back in a different name... imagine that? Pati pangalan nya pinalitan nya. Kung ang lahat ay susunod sa gusto nya, pwes, ibahin nya ako.


Pero bakit sa muling pagtama ng aming mga mata ang inaasahan kong Cassandra na magmakaawa sa aking harapan para humingi ng tawad dahil sa maling ginawa nya. Ang Cassandra na nasasaktan dahil pinagpalit ko sa kinamumuhian nyang pinsan. Bakit, mas ako pa ang nasasaktan ngayon? Dahil...nagkunwari syang hindi nya ako kilala. Nagkunwari syang balewala lang ang lahat. Anuman ang disisyon sa buhay ko ay wala syang pakialam? Bakit ako parin ang apektado?


Nang muli kong masilayan ang mga mata nya na hinahangaan ko na noon pa. Mga matang nakatitig sa akin na puno ng pagkamangha. Pakiramdam ko ay natupok lahat ang inipon kong sama ng loob sa loob ng tatlong taong lumipas. Inalipin na naman ako ng matinding pagmamahal ko sa kanya. Nadagdagan pa nang titigan ko ang kanyang daliri na wala man lang bakas ng singsing doon. Nabuhayan ako ng pag-asa.



"Hi!" Unang salita na pinakawalan nya para sa akin sa loob ng nagdaang mga taon.


Sinasadya ba nya ito para hindi na mahalungkat ang ginawa nyang pagtalikod at biglaang pag-alis three years ago?


"Bakit ka bumalik?"


Please baby,magmakaawa ka na balikan kita at talikuran si Melanie. Sabihin mong bumalik ka dahil gusto mong ayusin ang lahat ng tungkol sa ating dalawa. Kalilimutan ko ang lahat, magpaliwanag ka lang! Please sabihin mo na magsimula tayong muli! Dahil ako...damn it, gusto kong bawiin ka! Gusto kitang ikulong muli sa buhay ko! Ikaw lang, ikaw lang talaga baby...


"Ha? Hindi ba dapat?"

Para akong nanghihina sa nakuhang sagot nya. Kailangan ko pa bang ipaalala sa kanya ang ginawa nya para lang matauhan sya? Sobrang sakit na ito! Paano nya nagawang kalimutan ang lahat? Ni hindi man lang ba sya nakonsensya? Saan na ang pagmamahal na inilaan nya sa akin noon. Bakit, ganito nya ako tratuhin ngayon? Dahil ba alam nyang mahal na mahal ko sya? Kaya babalewalain nalang nya ang lahat?


Hindi ko na napigilan ang pagtitimpi at ginawaran ko sya ng halik sa kanyang labi. Sakaling bumalik sya sa tamang hwisyo. Sakaling sa pamamagitan ng mga halik ko ay makukuha ko ang mga sagot na gusto ko. Then yes! Tumugon sya sa mga halik ko. Ramdam ko kung gaano sya kasabik sa mga halik na ginagawad ko sa kanya. Maniniwala na ba ako? Alam kong mayroon parin syang nararamdaman sa akin.

Nagdiriwang ang aking puso nang bahagya kong inilayo ang aking mukha. Kitang-kita ko ang disappointment na bumakas sa kanyang mukha nang iniwan ko ang nakaawang nyang labi. Ngayon, hanap-hanapin mo ito...sinisiguro ko sa'yo baby.

Pero sa kabila ng lahat ay nakakagulat ang ginawa nyang pagsampal sa akin. Galit sya, pero hindi ko matanto kung para saan ang galit na iyon.


"May girlfriend ka!" Sigaw nya sa mukha ko.

Oh! Ito na yun...ito na ang inaantay ko. Nagseselos ba sya? So, please baby, sabihin mong ikaw nalang... ikaw nalang ulit ang gawin kong girlfriend! Kasi kapag nagmakaawa ka ngayon....hinding-hindi na talaga kita pakakawalan!

Pero bakit kabaliktaran yata ang nangyari? Ako yung nasaktan eh! Pero bakit ako ang nagmamakaawa sa kanya na sana balikan nya? Bakit ako ang buntot ng buntot sa kanya para lang mabigyan nya ng pansin? Bakit ako pa ang natatakot na baka tuluyan nya akong ipagtulakan kay Melanie?


Sya dapat ang nasasaktan ngayon! Sya dapat ang gumagawa ng paraan para mapalayo ako kay Melanie! Pero bakit ako na mismo ang lumalapit sa kanya at kusang dumidistansya kay Melanie? Bakit labis kong iniisip ang kanyang nararamdaman? Bakit ayoko syang masaktan? Bakit ayokong sirain ang pagtitiwala nya sa akin? Bakit gusto kong ipakita sa kanya na ni minsan ay hindi ako nahumaling sa iba?


Sya...na walang pakialam sa lahat? Na parang hindi apektado sa kung anuman ang nararamdaman ko?


"Bakit mo sya hinalikan? Akala ko ba may girlfriend ka?" Si Jona at hindi na matigil-tigil ang pangungulit.


"Because i miss her so damn much!"

Napatingala nalang ako nang biglang mapatili ang kapatid ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o, ano.


"Kuya, i love you!"

Napapailing nalang ako pero hindi naman nakaalpas ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. Pinagpasalamat ko na naging babae ang kapatid ko. Kasi kung naging lalaki sya baka magkaagaw pa kami kay Cassandra. Tsk!


***

When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon