Pagkalito at pagkapahiya ang sumanib sa aking katauhan. Gusto kong magalit sa aking sarili kung bakit ang bilis ko lang mahulog sa bitag ng lalaking ito.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ngayon lang ba ito? O, dati ko ng nararamdaman pero nakalimutan ko lang?
Sino ang lalaking ito sa buhay ko? Kung mayroon kaming nakaraan bakit iba naman ang girlfriend nya ngayon? Hindi lang kung sinong babae— kundi anak ng kinikilala kong Tita!
Teka...may girlfriend na nga pala sya pero bakit nya ako hinalikan? Biglang namuo ang galit sa aking puso sa isiping iyon. Hindi ko matantya kung galit para saan itong nararamdaman ko.
Galit ba sa pag-aakala kong pinagtaksilan nya si Melanie? O, galit dahil hindi ako ang girlfriend nya?
Hindi ko alam kung makatarungan itong kakaibang nararamdaman ko sa kanya pero bago pa ako sakupin ng traydor kong puso ay umigkas na ang aking palad palapat sa kanyang mukha. Akala ko maibsan ang galit na nararamdaman ko pero mas lalo akong nanggalaiti nang makita ko na hindi man lang sya natinag sa malakas na pagkakasampal ko.
"May girlfriend ka!" Matigas kong bigkas. Hindi ko alam kung paalala ko ba iyon sa aking sarili? O, ibinato ko talaga sa kanya para magising sya sa katotohanan!
"Oo, may girlfriend nga ako! So, ano ngayon?"
Nanggigil ako buhat sa sagot nya. Ni hindi sya nagpaligoy-ligoy sa pag-amin! Ano ba ang gusto nyang palabasin kung ganoon?
"Masaya ka dahil may girlfriend ako?"
Masaya? Natameme ako doon. Bakit kabaliktaran iyon sa nararamdaman ko?
"Dahil ganyan ka naman talaga diba? Mapanglaro...walang pakialam sa nararamdaman ng iba?"
Napalunok ako ng mariin. Parang sasabog yung utak ko sa kaiisip kung ano ba talaga ang ibig nyang sabihin. Napapailing ako.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo.." mahina kong sagot.
Pareho kaming napalingon sa may pintuan nang biglang pumasok si Jona. Ipinagpasalamat ko ang presensya nito.
"Oh. Brother, ang aga mo naman nakauwi? Akala ko magtatagal ka doon na kasama si Ate Melanie? Hmmm... mas importante ba ang samahan kami dito?" Nakangisi syang lumapit sa amin. Pero biglang napanguso nang mapansin ang katahimikan namin ni Jury.
"Opsss! Whats going on here? Naka-istorbo yata ako. Sige magpatuloy na kayo sa pag-uusap at maghanda nalang muna ako ng meryenda!" Pinaglipat- lipat nya ang paningin sa amin.
"Stay here. Ako na ang maghanda ng meryenda."
Bumaling kay Jury ang aking atensyon nang bigla itong magsalita. Saglit nya akong tinitigan bago sya humakbang palabas ng veranda.
Nakataas ang kilay ni Jona habang sinusundan ng paningin ang malapad na likod ng kanyang kapatid.
"Anong nangyari dun? Nag-away kayo?" Baling nya sa akin.
Napakurap-kurap ako bago umiwas ng paningin. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina nang hindi man lang kumikibo.
"Nag-away kayo?" Pangungulit ni Jona sa akin. Pumameywang sya sa aking harapan.
"Sinampal ko sya." Pag-amin ko sa kanya nang hindi nya ako tantanan sa pagtatanong.
Kitang-kita ko ang pagkabilog ng kanyang mata dahil sa hindi inaasahang pangungumpisal ko.

BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...