Twenty

1.5K 50 2
                                    

"Jury Jade, hindi pwedeng makalabas si Sandy, may Alzheimer sya hindi sya marunong umuwi..hindi sya nakakaalala!!"


Akala ko nagbibiro lang si Melanie nang bahagya nyang habulin si Sandy habang sakay ng bisekleta. Pero ikinagulat ko ang bigla nyang pagbaling sa akin at pasigaw na sabihin nya iyon sa akin.


Hindi ko matandaan kung kailan ako huling nataranta ng ganito. Kaagad kong tinakbo ang kinapaparadahan ng aking sasakyan. Sa pagmamadali ko ay hindi ko na hinintay na makasakay si Melanie. Pagkasara ko ng pintuan ay kaagad ko iyon pinatalilis ng takbo.


Naabutan ko sa daan si Cassandra pero hinayaan ko lang na nakabuntot sa kanyang likuran ang aking sasakyan. Hindi ako bumaba hinayaan ko sya kung saan man nya gustong pumunta.


Alzheimer? Paano sya nagkaroon ng ganoong karamdaman? Napakabata pa nya para magka-alzheimer! Iyan ba ang dahilan kung bakit sa loob ng tatlong taong pagkawala nya ay hindi man lang sya nagparamdam?

Habang nakatutok sa kanyang likuran ay muling bumalik sa aking alaala ang unang araw na pagdating nya. Yung araw na pagkikita naming dalawa sa may harap ng fountain. Kaya pala puno ng pagtataka ang bawat titig nya sa akin dahil hindi nya ako kilala.

Ang mga sagot nya sa mga tanong ko na puro walang katuturan, ngayon ay naunawaan ko na. Wala syang matandaan kaya hindi nya maunawaan yung mga pinagsasabi ko sa kanya. Ang dahilan kung bakit tinanong pa nya kung sino si Cassandra na binalewala ko lang sa pag-aakalang inaasar lang nya ako.

Pero ang totoo hindi pala nya sinasadya iyon. Ngayon napuno ako ng katanungan. Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Kung hindi pala nataranta si Melanie ay hindi nya maibabanggit ito sa akin. Ang ibig sabihin ba nito, alam nila ang tungkol sa karamdaman ni Cassandra pero bakit nila inilihim sa akin? Ano ang dahilan?


Kasinungalingan lang ba ang sinabi nya sa akin tungkol sa pakikipag-engaged ni Cassandra sa isang European guy, two years ago? Sila ba ang dahilan kung bakit lumayo ng ganoon katagal si Cassandra? Ano pala ang motibo nila? Itinago ba nila sa akin si Cassandra? Bakit kailangan nilang gawin iyon?


Marahan kong pinarada sa tabi ng kalsada ang aking sasakyan nang lumiko sa makipot na daan si Cassandra. Alam ko kung saan sya tutungo. Bumalik kaya sa kanyang alaala ang lugar na nakasanayan na naming tagpuan noon. Mabilis akong bumaba at nilakad na lamang ang distansya ng puno.


Nadatnan ko syang nakatingala at halatang may malalim na iniisip. Pinanood ko sya mula sa malayo nang hindi nakatiis ay tinawag ko na sya.


Napalunok ako ng mariin nang makita ang luhaan nyang mukha. Umiiyak sya...hindi kaya bumalik na ang kanyang alaala? Yung alaala na nagagalit sya sa akin dahil sa inaakala nyang niloloko ko sya?


Kaagad kong hinakbang ang layo ng distansya namin bago ko sya hinila patungo sa aking dibdib. Niyakap ko sya ng mahigpit. Isinubsob nya sa aking dibdib ang kanyang mukha at hinayaang kumawala doon ang maraming luha.


"Nangako ka...."


Nagtagis ang aking bagang sa pagtitimpi ko. Galit na galit ako...galit na galit sa mga taong gumawa ng paraan para mapalayo kaming dalawa sa isat-isa!


"Nangako kang ako lang, Jury Jade....." Sabi nya sa kabila ng pag-iyak. Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.

"Baby, I'm sorry......" Tanging nasabi ko.

I'm sorry dahil hindi man lang ako gumawa ng paraan para alamin ang kalagayan nya! Nakontento ako sa sinabi nilang maayos lang sya at masaya sa buhay nya!


Pinagsisihan ko ang mga panahon na nagalit ako sa kanya. Pinagsisihan ko kung bakit hindi ako nakinig kay Jona na alamin muna ang dahilan kung bakit nya ako tinakasan.

Pinagsisihan ko kung bakit, kalalake kong tao pero wala akong nagawa para sa babaeng mahal ko. Ni hindi ko sya naipaglaban! Kung mayroon man akong pagagalitan ngayon—ito ay ang sarili ko!


Dahil nagpadala ako sa galit ko! Nagpadala ako sa mga taong nasa paligid ko na walang ginawa kundi ang linlangin ang pag-iisip ko!



Hindi ko alam na sa mga panahong hindi namin pagkikita, sya pala itong labis na nasasaktan. Sya itong nangangailangan ng aruga. Pero anong ginawa ko? Wala! Wala! Nagmukmok lang ako at nagpakalugmok sa kalungkutan na sa akin naman pala nagmula!


Hindi ko alam kung paano ko nakalma ang aking sarili. Basta ilang minuto ang dumaan napansin kong kumalma na rin sya.


Maghintay ka baby, hahanapan ko ng hustisya itong nangyari sa buhay mo. Ipapangako ko sa'yo na igaganti kita sa mga taong naglaro sa inyong pamilya. Alam kong lalabas at lalabas din ang katotohanan.


*


*


*


"Randy, i need your help. I want your team to reinvestigate the case of Mr Vicenza's death." Kausap ko sa phone ang isa sa pinagkakatiwalaan kong kaibigan pagkauwi ko sa bahay.


"At gusto ko ring paimbestigahan kung ano ang naging buhay ni Cassandra nang umalis sya ng bansa, three years ago." Pagpapatuloy ko.


"Bro, tinatrabaho na ito ng kapatid mo, ah! Hindi mo alam? Akala ko pinagkasunduan ninyong dalawa ito?" Sagot ng kaibigan ko na labis kong ikinagulat.

"Si Jona?" Bulalas ko. Hindi makapaniwala.


"Yup! Hawak na nya ang lahat ng file. Actually patapos na din sana ang kasong ito sa tulong ni Rolly David. Yung kaibigan ni Mr Vicenza? Naantala nga lang dahil biglang umalis si Cassandra."


Kumunot ang noo ko. "May kinalaman dito si Cassandra?"


"Yes. Katunayan nyan sya nga ang nagpursue na imbestigahang mabuti ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang Papa. Hindi sya titigil hanggang sa hindi mabigyan ng hustisya ang nangyaring pagbaril sa kanyang ama. At si Rolly David ang lihim na tumutulong sa kanya."


Marahas akong napa-facepalm. Bakit hindi man lang nabanggit ni Cassandra sa akin ang tungkol dito? Hindi ba nya naisip kung gaano kapanganib ang ginawa nya?


"Nakuha na ni Jona ang lahat ng file. Talk to her about this matter."


"Okay, thank you." Pagtatapos ko.


Huminga ako ng malalim bago marahas na tinampal ang study table. My sassy sister knew about this! Pero bakit wala man lang syang sinasabi sa akin?

Sinilip ko ang oras sa pambisig na relo bago lumabas mula sa kwarto. Nagpacing back and forth ako sa loob ng sala habang inaantay ang pagdating ng kapatid ko.


What a clever girl. Napapailing nalang ako sa naisip. Talagang hindi ako makapaniwala na nagagawa nya ang lahat ng ito behind my back!

***

When there Was youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon