Habang komportable sa kanyang yakap ay hindi ko maiwasang maglakbay ang aking gunitain sa mga pangyayaring naganap sa event kagabi.
Ano ang kinalabasan ng engagement party nila ni Melanie? Bakit kasama ko sya ngayon at sa akin nagpropose ng kasal? Anong ibig sabihin nya kanina na sinira ko daw yung diskarte nya dahil gumawa ako ng eksena? Diskarte nya para saan ba?
Tumikhim ako bago kinompose ang sarili. Siguro naman, sasagutin na nya ang mga tanong ko dahil kumalma na sya ngayon? Sana....
"Anong nangyari kagabi?" Muli kong tanong.
Naramdaman ko ang bahagya nyang paggalaw pero hindi naman nya ako pinakawalan mula sa mahigpit nyang pagyakap sa hubad kong katawan.
"Everything is fine."
Kumunot ang aking noo bago inangat ang mukha para hanapin ang kanyang mga mata. Kaso natigilan ako nang hindi ko maigalaw ang aking ulo dahil nakaharang doon ang kanyang baba.
"Hinuli ng mga pulis si Teresita Pua." Dugtong nya sa sinabi.
"Sino iyon?" Nagtataka kong tanong.
Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim bago lumapat ang kanyang labi sa tuktok ng aking ulo. Hinalikan nya ako doon.
"Yung sinasabi mong impostor kagabi. Iyon ang tunay nyang pangalan. Akala ko ba pinaimbestigahan mo ang babaeng iyon?"
Napahawak ako sa kanyang dibdib dahil sa gulat.
"I did. Kaya lang hindi pa kompleto ang nakalap kong impormasyon noon. Natunugan nya ang plano ko." Pag-amin ko sa kanya.
"At ginawa mo iyon nang hindi mo sinasabi sa akin? See, what happened? Walang nakakaalam sa nangyari sa'yo dahil inilihim mo ang lahat. Hindi mo sinabi sa akin na may alam ka na pala sa pagkatao ng babaeng iyon bago mo tinanggap at pinatira sa mansyon ninyo." May pagtatampo sa kanyang boses.
Isinubsob ko ang aking mukha sa hubad nyang dibdib habang nag-iisip ng sagot.
"Andami mo na kasing iniisip noon. Dagdag pa ako sa problema mo." Sabi ko.
Idinistansya nya ang sarili pero hinabol ko kaagad ang katawan nya kaya hindi sya nakawala. Sermunan nya ako sa ganitong posisyon namin, okay lang!
"Sorry na, hindi ko naman kasi alam na ganoon ang mangyari. Akala ko matatapos ko ang kaso na walang palya. Hindi ko naman naisip na sa lahat ng mawala—alaala ko pa!"
Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ko ang paghaplos nya sa aking buhok. Nagpapatunay na nauunawaan nya ako.
"Pinag-alala mo ako ng husto kagabi. Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado yung ginawa mo? Hindi mo naisip na kung ano ang pwedeng gawin ng babaeng iyon sa'yo pagkatapos ng pagpapahiya mo sa kanya sa harapan ng maraming tao."
Napanguso ako ng bahagya bago sumagot. "Sinong hindi magagalit kung malalaman ko nalang na mae-engaged na sa iba yung lalaking mahal ko pagkatapos nya akong halikan at pangakuan? At teka, bakit naging girlfriend mo ang kaladkaring babaeng iyon?" Pag-aakusa ko sa kanya.
Ngayon hindi na nya napigilan ang pag-angat ng aking ulo. Matalim ko syang tinitigan nang magtama ang aming mga mata.
"Its just for show. Hindi naman sya nakapasok dito."Itinuro nya ang sariling dibdib.
"At saka kagabi iba naman dapat ang mangyari hindi katulad ng nasa isip mo. Oo, makikipag-engaged ako pero hindi kay Melanie. Sa'yo ko naman dapat ibigay ang singsing talaga kung hindi lang nasira ang event. Ganoon ang plano."
BINABASA MO ANG
When there Was you
ChickLitAll she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang umaga ay nagising na lamang sya na walang maalala kahit ni katiting tungkol sa kanyang nakaraan. An...