For the last time. It's you, it's always you.
Huminga ako ng malalim. Siguro huli na 'to. Siguro 'pag tapos nito, wala na. Wala na 'yung sakit, 'yung hirap, 'yung lahat. 'Pag tinapos ko 'to, baka mapalaya ko na ang sarili ko.
Pero tama ba 'to? 'Yung desisiyon ko na umalis na? Na tumigil na?
Oo, masakit. Wala namang madali 'pag dating sa pag-ibig. Pero tama nga ba? Na iwanan na lang? Na sukuan na lang matapos ang lahat?
'Cause there's a song that goes, "you only know you love her when you let her go, and you let her go."
Napatitig ako bigla sa ginagawa ko, ramdam ko 'yung kirot sa dibdib ko, 'yung sakit sa bawat pagsulat ko, sa bawat pagdikit ng tinta ng bolpen sa papel.
So I'm letting you go.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Agad kong pinunasan 'yon. Kinalma ko muna ang sarili ko. 'Wag kang mag-alala, huli na 'to. Tama na, 'wag mo na pahirapan ang sarili mo. Itigil mo na, palayain mo na. Do'n na lang sa kung sa'n siya sasaya.
I was brave enough to let you go and conquer the pain that's ought to come my way.
Sinubukan kong ngumiti pero hindi ko pala kaya. Pa'no ako ngingiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ko? Pa'no ako ngingiti sa sakit na iniwan mo? Time heals everything, sabi nga nila. I hope so.
I did many things with you by my side. Pero nasa'n ka na nga ba ngayon? Nasa'n na 'yung dating ikaw? 'Yung dating tayo? Kahit na alam kong umpisa pa lang ay wala naman. It breaks my heart, it crushes my soul, it gives me pain. Is this really the time I let it all go?
Teka, pa'no ka nga ba bibitaw sa isang bagay na wala naman talaga? Sa isang bagay na pinanghahawakan mo, pero sa umpisa pa lang, 'di naman sa'yo. Paano?
And I kept asking myself the same question over and over again.
This has to be the end. Huminga ako ng malalim. 'Di ko pa ata kayang gumawa ng sulat na ganito kalungkot, na ganito kasakit. Pero paano ko 'to maaayos?
I'm sorry.
Tinitigan ko 'yon. Mababago ba ng isang sorry ang lahat ng masasakit na nasulat ko? Pero bakit ba kapakanan na naman niya ang iniisip ko? Paano naman ako? Kailan ko ba uunahin ang sarili ko? Kung ano ba ang nararamdaman ko? Kung ano ba ang kaligayahan ko?
I'm still here, promise. I got you.
At binato ko na 'yung bolpen sa sahig. 'Di ko na naman kayang masaktan siya? Kaya patuloy ko na lang na sasaktan ang sarili ko? Akala ko kaya ko na, mukhang hindi pa talaga.
Nababaliw na ata ako at ilang beses ko na rin kinakausap ang sarili ko. Ano ba kasi ang madudulot ng pananatili ko? Ano nga ba? Kung puro sakit na lang ang nararamdaman ko? Pero naalala ko, oo nga pala, marupok nga pala ako.
Tumayo ako at tinitigan ang ginawa kong sulat. Nagsayang na naman ako ng oras, tinta ng bolpen, papel, at pagod para lang dito tapos wala pala akong balak na ibigay sa kaniya. Sabagay, ilang taon na nga kaming hindi nagkikita, pero 'di ko pa rin siya makalimutan.
Pinulot ko 'yung papel at tiniklop 'yon, binato ko 'yon sa isang box na puno na ngayon ng mga sulat na hindi ko naibigay, mga sulat na gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero hindi ko kaya. Mga kataga na 'di ko masabi kaya't isinulat na lang.
"Makakalimutan din kita, 'di man ngayon o bukas, pero makakalimutan din kita."
Pero baka mali ako, pa'no ko makakalimutan ang taong nagparanas sa 'kin kung pa'no sumaya, lumungkot, tumawa, umiyak, lahat-lahat? Pa'no ko makakalimutan ang taong nagparanas sa 'kin ng gan'to?
![](https://img.wattpad.com/cover/208181617-288-k218518.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
Short StorySimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.