At sa tinagal-tagal ng panahon, akala ko masasagot ko na rin ang mga katanungan na meron ako pero parang hindi. Hindi ko nasagot ang kahit na ano sa mga 'yon, sa katunayan nga, mas dumami lang pero 'di na tulad ng dati. May mga bagay din talaga na 'di na kailangan ng kasagutan.
Mukhang wala talagang permanente sa mundo kung 'di ang pagbabago. Wala na 'yung dati, 'di na tulad ng dati, iba na. Kung hindi mo kayang sumabay sa pagbabago, maiiwan ka.
Natuto ako sa mga bagay, natuto ako kung paano tumanggap.
Tanggapin ang mga pagkakamali ko, tanggapin ang pagkakamali ng iba. Tanggapin na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko at hindi lahat ng inaasahan ko ay dadating o mangyayari. Pero kapag nilaan talaga para sa'yo, kahit gaano pa man katagal, dadating pa rin.
Natutunan ko rin na maghintay. Kahit na hindi sigurado, kahit na walang patutunguhan. Na kahit na wala akong pinanghawakan, masasabi ko na naging masaya ako.
At okay lang, dahil sumaya naman ako kahit na papa'no.
Gano'n naman siguro 'yon, titingin ka sa mga nagawa mo, mga desisyon na pinili mo. Minsan magsisisi ka, pero ako hindi, kahit na may mga mali akong desisyon, wala akong pinagsisihan. Kahit nga maulit 'yung mga 'yon alam ko sa sarili ko na 'yun pa rin ang pipiliin ko, hindi ko na babaguhin pa. Kasi nga, may isang parte sa buhay ko na sumaya ako. Dahil sa pagpili ng desisyon na 'yon, naging masaya ako.
Kaya tinitigan ko ang huling sulat na ginawa ko sa kaniya noon.
Dahil sa mga nangyaring 'yon, masasabi ko na wala nga akong pinagsisihan, at kung mangyari man ulit ang mga 'yon, gano'n pa rin ang gagawin ko.
Naging masaya ako sa piling mo. Sana maging masaya ka sa piling ng kahit na sino, kahit na hindi ako. Pero bago ko tapusin 'to, gusto ko lang sabihin ang mga katagang kay tagal ko nang gustong sabihin sa'yo.
Mahal kita. Mahal na mahal kita, Steven Buenaventura. Sana, sana akin ka.
Pero mukhang huli na ang lahat. Pero baka hindi rin. Hindi natin alam, hindi natin malalaman. Let's just hope for the best for the both of us.
Nandito lang ako para sa'yo kahit na wala ka na para sa akin. 'Wag kang mag alala, magiging okay din ako.
Signing off,
Maddison Vindrisyne.Ngumiti ako habang nilulukot ang papel na 'yon. Masaya na ako sa kung ano'ng meron ako ngayon dahil ang mga katagang "sana akin ka" ay naging "sa'yo na ako".
Pero napaisip pa rin ako, sana nga tumagal kami. Sana siya pa rin hanggang dulo.
***
Para Sana Sa'yo — ang ikalawang yugto ng librong ito. "Ang mga katagang hindi masabi kaya't isinulat na lang."

BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
Short StorySimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.