5

86 6 9
                                    

Naglakad na kami papasok sa studio at umupo ro'n sa upuan na sinabi no'ng lalaki na nag-accommodate. 'Pag-upo ko, tinabihan agad ako ni Steven. Hindi ko akalain na tatabi talaga siya sa akin. Napangiti ako. 'Di pa man nagsisimula 'tong Showtime, masaya na agad ako.

"Hoy nagkamali ka ata ng inupuan ah? Tabihan mo nga ako dito, isa kang libag," sambit ni Alex at kinalabit si Steven. Napabuntong hininga naman siya.

"Bad trip," bulong niya pero tumayo rin siya at lumipat ng puwesto. Do'n siya umupo sa may likuran ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na 'di madisappoint. Ilang beses pa ba akong madidisappoint sa araw na 'to?

Mavi, upuan lang 'yon. Tumigil ka na, malapit na magsimula ang live show, focus.

***

Maayos ang takbo ng buhay ko kanina pero dahil siguro sa labas pasok namin sa iba't-ibang studio rooms, sinipon ako. Ang lamig kasi sa mga lugar na 'yon tapos lalabas kami sa mainit na kapaligiran. Akala ko rin magandang ideya ang magsuot ng denim jacket pero sa tingin ko, natuyuan pa ako ng pawis dahil dito.

Ayaw ko pa naman ng sinisipon ako.

Huminga ako ng malalim at pilit na binabaling sa iba ang atensiyon ko. Inaalis ko sa isip ko na may sipon ako pero hindi 'to tumigil, nakakainis. Nagsisimula na rin sumama ang pakiramdam ko, agh, hindi puwede 'to.

Seryoso? Bakit ngayon pa ako sinipon kung kailan nasa studio kami?

Tahimik akong nanood sa Trabahula na segment dito pero wala pa rin, hindi ko magawang magfocus ng maayos dahil sumasakit na rin ang ulo ko sa sipon na 'to. Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang panyo ko pero wala. Tinignan ko rin ang bag ko, wala rin. Ano ba naman?

Sa dinami-rami ba naman ng puwedeng maiwan, panyo pa talaga? Bakit ganito ngayong araw? Nahawa na ako sa mga bad trip ni Steven.

"Veronica, may extra ka bang panyo?" naglakas loob na akong magtanong dahil hindi ko na talaga kaya 'tong sipon ko. Hirap ng may allergic rhinitis.

"Ha? Wala eh."

Humarap ako kela Mira at Courtney at umaasang meron silang panyo pero umiling lang silang dalawa sa akin. Napabuntong hininga ako. Agh, pa'no ba 'to?

"Ito oh," may kumalabit sa akin sa likod at nakita ko na iniabot sa akin ni Steven ang panyo niya. Tinitigan ko muna 'yon, nakakahiya.

"Sa'yo 'yan eh."

"Hindi ko naman ginagamit. Sige na, lumalala na 'yang sipon mo oh. Tignan mo nga, naluluha ka na rin. Kunin mo na," sabi niya kaya tinanggap ko na 'yon. Pinunasan ko ang ilong ko at uminom ng tubig. Sana mawala na 'to.

Nakakahiya na kunin 'yung panyo pero ayaw ko namang suminghot na lang ng suminghot dito.

No'ng nagpatalastas na, nanghingi ako ng candy na menthol para kahit papaano ay 'di na gano'n lumala 'yung sipon ko. Alam kong bawal ang pagkain dito, 'di ko na lang pinahalata. Medyo lumuwag ang paghinga ko dahil do'n.

Habang inaayos na nila ang stage para sa susunod na segment, may kumalabit na naman sa akin. Tumingin ako sa likod at nakita ko ang isang nag-aalalang Steven.

"Ano? Okay ka na ba?"

Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. Maya-maya pa ay na-aching ako at narinig ko na natawa siya. Ginulo niya ang buhok ko at sinabi sa akin na enjoyin ko lang daw dahil malapit na raw matapos ang live show.

Tama, enjoy lang, kahit na may sipon ka.

Tahimik kaming nanood sa mga contestants sa Tawag ng Tanghalan at may kanta talaga na 'di ko matanggal sa isip ko.

Sana Akin Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon