18

44 5 1
                                    

Hindi na ako pinapatulog ng mga iniisip ko, 'yung mga katanungan na wala namang kasagutan. Ano ba 'to? Ganito na lang ba palagi?

Naisipan ko na lang na tumayo at magbasa na muna ng mga kung ano-ano dahil wala pang balak matulog ang katawang lupa ko. Isang chapter lang, siguro.

Huminga ako ng malalim at nilipat na sa kabilang pahina ang binabasa ko. Ilang sandali pa ang lumipas at tinigil ko na rin 'yon, humiga sa kama ko at pinilit ang sarili ko na matulog na dahil baka pumasok na naman akong walang tulog.

Tumitig na lang ako sa kisame, bakit ba ayaw ako lubayan ng mga problema? Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay. Pero bakit ganito? Bakit kailangan umabot sa gan'to?

Bakit niya ginulo kung kailan nakapagdesisiyon na ako? Bakit ako kung kailan naisipan ko na tumingin sa iba?

***

Nakikinig lang ako sa teacher namin sa Creative Writing dahil una, sobrang hina ng boses niya at kapag 'di ka nanahimik at nakinig 'di mo siya maiintindihan at pangalawa, natutuwa ako sa subject na 'to. Nasusulat ko kasi ang kahit na ano'ng gusto ko.

"You can now start doing your monologue," banggit ni sir at tumitig na ako sa papel ng notebook ko.

Ano nga bang magandang topic para sa monologue? Ano ba ang nararamdaman ko ngayon? Ano ba ang puwede kong masulat ng maayos at alam ko? Ano ba 'yung sa tingin ko hindi masabi ng iba kaya kailangan kong iparinig 'yon? Ano ba ang gugustuhin nilang marinig?

The Latter Part

Nagsimula na akong magsulat at nilalagay ko lang kung ano'ng maisip ko. Ito lang kasi ang alam kong topic na masusulat ko ng maayos. Mahirap pero dapat iparinig sa iba.

"Ano'ng topic mo?" tanong ni Steven kaya sinara ko agad 'yung notebook ko.

"Wala, wala pa."

"Pero ang dami mo na nasulat eh. Patingin nga," sabi niya at binuksan ang notebook ko. Binasa niya ang mga nasulat ko at nakita kong nagbago ang itsura niya.

Alam kong 'di niya magugustuhan 'yon.

"Ba't 'yan na naman? Para ka namang ewan eh," rinig ko ang inis sa boses niya at kinurot niya ang braso ko.

"Aray ko, bakit ba?"

"Seryoso? Akala ko ba hindi na? Akala ko ba tumigil ka na, akala ko—"

"Monologue lang 'yan. 'Di 'yan big deal," hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Papagalitan na naman niya ako sa isang bagay na 'di ko na ginagawa. Isang bagay na pinagsisisihan ko na.

"Hindi big deal? Sige, basahin mo nga 'yang ginawa mo."

Hey, you, can you hear it?
I am breaking in every bit.
Please listen to me it's hard to admit.
That I'm slowly dying, I want to quit.
I'm thinking that I don't fit.
Will you still listen? Please sit.
Every word feels like my throat's been slit
Suicide, a sin, I will commit

"Ano? 'Yan ba 'yung gusto mong ipakita sa audience mo? Sabi ni sir, 'yung topic na sa tingin mo papakinggan ng ibang tao, 'yung topic na—"

"Bakit? Mali ba 'to? Ito 'yung hindi pinapakinggan kaya nga ito ang ginagawa ko. Para malaman nila. Para maging aware sila sa paligid nila, sa nararamdaman ng ibang tao, sa kung ano'ng nangyayari, sa lahat."

"Pero 'di mo na gagawin 'yon 'di ba?"

"Matagal ko nang tinigil. Alam mo naman 'yon, 'di ba? Bakit ko gagawin ang isang bagay na pagsisisihan ko rin naman sa huli? Ayaw ko na, alam mo 'yan."

Sana Akin Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon