Inisa-isa ko ang mga picture na nakikita ko. Merong mag-isa lang siya, minsan kasama si Stephen, si Stephanie, ang mama at papa niya, baby pictures, halos lahat ata. Hindi ko na mapigil ang ngiti ko.
Bakit niya nilagay 'to rito? Nag-effort pa talaga siya.
Select all, copy, and paste. Kinopya ko 'yung mga 'yon sa laptop ko at natawa ng bahagya. Hindi naman siguro siya magagalit sa ginawa ko, 'di ba? 'Di ko sasabihin at wala akong balak ipaalam sa kaniya.
Matapos no'n, pinatay ko ang laptop ko at tumitig sa kisame. Hinayaan ko ang sarili na mag-isip. Binuksan ko ang cellphone ko at nakita kong alas dos na. Pumikit ako pero 'di pa rin ako dinadalaw ng antok.
Umaga na naman, sirang-sira na talaga ang sleeping schedule mo, Mavi.
Dumilat ako at tumingin ulit sa cellphone ko, 2:14. In-unlock ko 'yun at tumingin pero 'di na online ang mga kaibigan ko. Kung sa'n-sa'n ako napunta; Messenger, Twitter, Instagram, You Tube. Wala akong magawa kaya tinigil ko na lang din 'yon. Tinabi ko na ulit 'yung cellphone at kinumbinsi ang sarili na matulog na.
Sige na, Mavi. Matulog ka na. Magbilang ka na lang ulit ng mga tupa. One, two, three, four...
***
Matapos ang ilang subject, Earth and Life Science na, pumasok si ma'am dala ang projector at laptop. Inayos na namin ni Steven 'yung irereport namin. Huminga ako ng malalim, ngumiti at humarap sa mga kaklase namin.
"Good morning everyone, I am Mavi and this is my partner," bati ko sa kanila at tinuro ko si Steven at hinintay ko siya na mag salita.
"Steven."
"And we are here to discuss the origin of our Sun," panimula ko. Muli akong ngumiti sa kanila at pinindot ni Steven 'yung enter para lumipat sa kabilang slide.
"Our solar nebula or the galactic clouds where our Sun was formed collided with a supernova. This collision caused the resulting nebula to spin, which pulled and concentrated the gas and dust clouds to its center," basa ni Steven.
Nakita ko na napatango si ma'am at nagsulat sa notebook niya. Natuwa ako.
Mukhang good shot 'to ah. Sana.
May pinakita kaming mga litrato kung pa'no nangyayari 'yung gano'ng bagay. Nagbasa pa ng bahagya si Steven at nag paliwanag ako ng kaunti sa mga bagay-bagay.
Kailangan namin maging confident sa mga sinasabi namin para okay 'yung makuha naming grade. Performance din 'to.
"This scientific explanation about the origin of our Sun and its planets is known as the nebular hypothesis."
"It was originally proposed in 1755 by Immanuel Kant, a German philosopher," dagdag ni Steven at pinindot ang slide na nagpakita ng itsura ni Kant.
Ang weird talaga ng mga buhok nila dati, oh well.
"It was presented in 1796 in more detail by Pierre Simon Laplace, a French physicist and astonomer, which became the Laplace nebular model."
Pinagpatuloy namin ang pagrereport habang tahimik ang lahat. Kaunting basa, paliwanag, pagpapakita pa ng mga litrato at ilang minuto ang lumipas ay natapos na rin. Ngumiti sa akin si Steven at tinaas ang kamay nya, nag-apir kami at nagpasalamat kami sa mga nakinig.
Ano ka ngayon PeTa?
"Nice presentation Mavi and Steven. So class, as you know this is the origin of our Sun," sabi ni ma'am at tumayo. Pumunta siya sa may table at nagplay ng video.
BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
Short StorySimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.