Ano bang pumasok sa isip mo Mavi ba't ka lumabas? Pa'no kung niloloko ka lang ni Steven, pa'no kung wala talaga siya ro'n?
Hindi mawala ang mga iniisip ko habang naglalakad ako papunta sa may gate ng subdivision. Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at inayos 'yon ng bahagya, kahit na pakiramdam ko magulo pa rin 'yon. Nag-vibrate na naman 'yung phone ko at hinugot ko 'yon sa bulsa ko.
Secret: Gray na kotse
Nakayellow ako
Bukas naman bintana koHuminga ako ng malalim, nandito nga siya. Binilisan ko ang paglalakad ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o natutuwa pero 'di ko maipaliwanag 'to. Ano ba?
No'ng nando'n na ako, tumingin ako sa paligid at nakakita ako ng gray na kotse na bukas ang bintana. Lumapit ako ro'n at kumatok.
"Ano'ng kailangan mo?" tanong sa akin ng isang lalaking 'di ko kilala. Pareho kaming nagulat sa isa't-isa. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, shit maling kotse.
"Ay, pasensya na po, akala ko po sa kaklase ko," sabi ko habang pinipilit na ngumiti at nagmadaling lumakad paalis.
Shit, nakakahiya ako.
Tumingin pa ako sa paligid at may nakita akong isa pang gray na kotse. Ito na ba 'yon? Ayaw ko na magkamali. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Steven. Sinabi niya sa akin ang plate number niya at 'yun na nga 'yon. Dumiretso ako do'n at kumatok.
Binuksan niya ang pinto at nakita ko siya na tawa ng tawa. Umupo ako sa tabi niya at sinara ang pinto.
"Tawa ka diyan?" tanong ko sa kaniya.
"Ibang kotse kasi pinuntahan nung isa diyan," sambit niya at grabe ang hiya na naramdaman ko. Nakita niya pala 'yon, bwiset.
"Hala, 'di ko naman 'yon sinasadya eh. Malay ko ba na dalawang gray na kotse pala 'yung nandito. Saka nakita mo na pala ako, 'di ka man lang nag-text."
Tumawa ulit siya at sinabing, "Pasensiya ka na po. Natuwa lang ako. Nga pala, buti pinayagan ka."
"Wala akong choice, papunta ka na eh. Alangan naman sabihin kong 'di puwede."
"Sabagay, buti na lang pala gano'n ang ginawa ko."
Nag-drive na siya palabas sa subdivision at nakatingin lang ako sa bintana. Dumadampi sa kamay ko ang lamig galing sa aircon ng sasakyan niya. Nakita kong nilakasan niya 'yung radyo niya at tumutugtog 'yon ng pamilyar na kanta.
"I don't want to run away but I can't take it, I don't understand. If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am," sumabay ako sa kanta.
"Okay pala ang boses mo ah," banggit ni Steven kaya napatahimik ako.
"Hindi ah," dipensa ko. Bigla akong nahiya. Bakit ko pa kasi naisipan na sabayan 'yung kanta?
"Sige, sabi mo eh."
"Sa'n nga pala tayo?" tanong ko at humarap sa kaniya. Nakita ko na nakadilaw siya na shirt tapos shorts.
"Makikita mo," sambit niya kaya nanahimik na lang ako at nilagay ko sa ulo ko ang hood ng suot ko.
Ilang sandali pa, nasa drive thru kami ng isang fast food restaurant kaya napatingin ako sa kaniya. Bakit kami nandito?
"Nag-dinner ka na ba?" tanong niya sa akin, umiling ako at nakita ko ang mukha niya no'ng nailawan 'yon ng nasa paligid namin. Ngumiti siya at tumingin do'n sa malaking menu sa harapan namin.
"Ano'ng gusto mo?" muli niyang tanong sa akin. Naghanap agad ako ng mura, nakakahiya kasi. Ililibre na naman niya ako?
"Ano, burger na lang."
BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
Short StorySimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.