4

101 7 9
                                        

Bilisan mo na, alas kuwatro na, Mavi.

Nagmamadali na ako mag-toothbrush ngayon. 5 A.M. sharp kasi ang usapan, natatakot ako ma-late. Kuwento kasi nila na may estudyante raw last year na na-late kaya sumunod na lang 'yon sa studio. 'Di hassle sa kaniya 'yon kasi may kotse sila, pero ako? Hindi ko kayang lakarin ang studio mula rito kaya kailangan kong agahan.

Kaya ko naman, baka 'di lang ako umabot sa oras ng show.

Nag-sapatos na agad ako habang kagat-kagat ang isang tinapay na nilagyan ko ng palaman.

"Ma, aalis na po ako," sambit ko. Inayos ko na ang sarili ko at humarap sa salamin.

May nakalimutan pa ba ako?

"Oh, ang jacket mo," sabi ni mama sabay abot sa akin no'n. Ngumiti ako at nagpasalamat. Inubos ko na ang tinapay at kinuha ang jacket.

Palabas na ako ng bahay no'ng bigla na naman akong tinawag ng nanay ko.

"Maddison. Ito oh," sabay abot niya sa akin ng singkuwenta.

"Ma, may pera na po ako—"

"Bumili ka ng pandesal. Magdala ka, masyado pang maaga baka 'di pa nag-uumagahan ang mga kaklase mo, sige na," dagdag niya. Wala na akong nagawa kung 'di kunin 'yon at hinalikan siya sa pisnge.

"Opo ma, sige po. Ingat po kayo ha," sabi ko at umalis na.

Pumunta muna ako sa bakery para bumili ng pandesal. Matapos no'n, sumakay na ako ng tricycle at hinintay na makarating sa school. No'ng nakarating na ako, bumaba na ako at nagpasalamat sa tricycle driver.

May tao na kaya?

Tinignan ko ang oras, 4:37 na. Nakasarado ang gate pero may ilaw sa guard house. Binuksan ko 'yon at pumasok na.

"Goodmorning."

"Ay pu—"

Nagulat ako, akala ko walang tao. Napabuntong hininga ako at pinatong sa may lamesa 'yung bitbit kong pandesal.

"Sorry nagulat ata kita."

"Wala 'yon. Ang aga mo ah."

"Kanina pa nga ako nandito eh," sabi niya at napakamot ng ulo. Pinagmasdan ko siya, ayos na ayos siya. Mukhang pinaghandaan niya talaga 'yung araw na 'to.

"Kumain ka na ba? Ito oh, may dala akong pan," sabi ko at iniabot sa kaniya 'yung supot ng pandesal.

"Pan?" tanong niya at tinignan ang laman ng supot. "Ah, salamat," dagdag pa niya at kumuha ng isang pandesal.

"Pinaikli ko lang 'yung pandesal kaya naging pan," paliwanag ko. Ngumiti lang siya sa akin at kinain na niya 'yon.

Mabuti na lang bumili ako. Buti na lang naisip 'yon ng nanay ko.

"Tingin ka d'yan?" sambit niya at ngumiti na lang ako sa kaniya. Iniabot ko pa sa kaniya 'yung supot at ngumiti lalo. Nakakatuwa siya tignan 'pag kumakain.

"Kuha ka pa oh."

Kumuha pa siya ng isa at tinignan ako ng masama. Natawa na lang ako. Parang ang saya lang ng mga ganitong simpleng bagay.

Nakita ko si manang, ang taga-bantay dito sa school, at binigyan ko rin siya ng pandesal. Masyado pa kasing maaga, baka hindi pa siya nag-uumagahan.

"Bait naman this girl," sabi ni Steven at natawa na lang ako. Ewan ko, ang gaan lang ng pakikitungo ko sa lalaking 'to.

Naramdaman ko na nagvibrate 'yung cellphone ko at nakita ko 'yung message sa akin ng mama ko. Tinatanong niya kung may kasama na raw ba ako at napatingin naman ako kay Steven.

Sana Akin Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon