21

39 6 0
                                    

Hindi ko alam pero parang unti-unting bumabalik sa dati si Steven. Tinatabihan na niya ako paminsan-minsan, kinakausap na niya ako na parang walang nangyari. Bumalik na lang siya bigla na parang wala lang sa kaniya na hindi niya ako pinansin ng halos isang buwan. Bakit gano'n siya? Ang galing niyang manggulo.

Dapat magagalit ako sa kaniya o kung ano man pero hindi ko man lang magawa. Sa katunayan nga, natuwa pa ako. Karupukan nga naman, Mavi.

"Malapit na 'yung dance competition niyo ah," sambit ni Mira at tumango ako sa kaniya.

"Galingan mo ha? Nando'n kami. Papanoorin at susuportahan ka namin," sabi ni Courtney at todo ngiti siya.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa at nagpasalamat pero sa totoo lang kinakabahan ako. Sino ba namang hindi? Ilang araw na lang kasi, lalaban na kami.

Ilang oras pa ang lumipas at malapit na mag-uwian. Bago pa man matapos ang last subject namin ay agad akong tinabihan ni Steven. Siya na naman? Bakit? Ginugulo na naman niya ang isip ko.

"Pst, busy ka ba?" mahinang tanong niya. Umiling ako sa kaniya at nakita ko na napangiti siya ng bahagya. Ano'ng meron?

"Malapit na kasi 'yung laban n'yo, gusto sana kitang kausapin. Kung pwede, catch up sa mga 'di na natin napagkuwentuhan, gano'n," sambit niya at kumunot ang noo ko.

Bakit gan'to siya? Gano'n na lang ba 'yon kadali? Ni hindi ba niya alam 'yung hirap at sakit na naramdaman ko no'ng panahong iniiwasan niya ako? Ta's ganito? Ano ba, Steven?

"Uh, sige lang," sambit ko at ngumiti siya sa akin. Natunaw na naman ang puso ko. Karupukan talaga, nakakainis.

Bakit gano'n? Na kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi puwede kasi may girlfriend siya, 'di pa rin mawala ang pagkagusto ko sa kaniya. Masama ba akong tao? Bakit ba hindi ko malipat ang nararamdaman ko kay Zachary? O baka naman nagawa ko na, bumalik lang ulit sa kaniya?

'Pag alis ni sir, agad akong niyaya ni Steven kaya nakita kong nagtaka sina Mira at Courtney. Ngumiti na lang ako sa kanila at sinenyas ang cellphone ko. Naintindihan nila 'yon at tumango sila.

Habang pababa kami ni Steven, kinuha ko na ang cellphone ko at chinat 'yung dalawa. Kinuwento ko sa kanila na bigla na lang naisip ni Steven na mag-usap kami. Sinabi nila na sana kontrolin ko na ang nararamdaman ko dahil ayaw daw nila akong masaktan lalo. Naiintindihan ko sila. Alam kong pinoprotektahan lang nila ako.

Ayaw ko rin sanang masaktan lalo. Karupukan, layuan mo na muna ako.

"Hindi ba hilig mo ang magbasa?" biglang tanong ni Steven. Napatigil ako sa pagce-cellphone at napatingin. Napakunot ang noo ko.

"Ah, oo. Bakit mo natanong?"

"Maghihintay ng tamang pagkakataon, kahit maubos ang araw, buwan at taon. Hindi mamimilit, 'di magtatanong. Hihintayin kita sa takdang panahon. Kung darating ka, mas masaya. Kung hindi na talaga, tatanggapin ko na," banggit niya sa akin. Biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko. Kahit na nakakakilig pakinggan 'yon, parang pamilyar sa akin. Parang alam ko 'yon.

Saan ko nga ba nabasa 'yung mga linyang 'yon?

"Naalala mo last year? No'ng grade 11 tayo? Nabanggit mo sa akin na gusto mo makakuha ng libro sa pasko. Ta's nangako ako sa'yo na bibilhin ko 'yung paborito mo?"

Tumingin ako sa kaniya. Oo, naaalala ko pa. May parteng kumirot sa akin dahil hindi niya natupad 'yung pangakong 'yon. Pero sino ba ako para umasa 'di ba? Hindi na ako umimik, 'di ko alam kung ano'ng dapat na sabihin.

"Pasensiya ka na kung ngayon ko lang tutuparin ha?" sambit niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Ano?"

Sana Akin Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon