"Good morning sa'yo," masiglang bati sa akin ni Steven. Agad akong napangiti.
"Good morning din sa'yo," bati ko sa kaniya. Sinabit ko na 'yung bag ko sa upuan ko at tumabi sa kaniya. Bagong school year, bagong seating arrangement. Katabi ko na ang lalaking 'to.
"Buong first sem ng grade 12 katabi ko ang best friend ko. Ayos din," banggit niya at napangiti na lang ako.
Grade 12 na kami? Ang bilis ng panahon.
Ilang buwan na rin ang lumipas, gano'n pa rin. Ang broken hearted na si Steven, masaya na ulit kasi nagkabalikan na sila ni Lily. Ang alam ko, nagkaayos sila no'ng summer. Ilang gabi ring nagdrama sa akin si Steven no'n pero maayos na sila ngayon. Away, bati, paulit-ulit na lang. Sanay na ako sa kanila. Pero in the end, sila pa rin naman.
Pinilit ko ang sarili ko na tumingin sa iba, siguro nagkacrush ako pero iba pa rin eh. 'Di talaga eh, kahit na may mapansin ako na ibang lalaki, sa huli siya pa rin naman. Niloloko ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong 'di ko na siya gusto.
"Isipin mo 'no, last school year na natin 'to," banggit ko sa kaniya at napatango siya.
"Kaya gagawin natin ang lahat para maging masaya 'tong taon na 'to," sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Natuwa ako, nakakamiss din pala ang paggulo niya sa buhok ko.
Masaya na ako na naging kaibigan niya ako pero may parte pa rin sa akin na nalulungkot kasi kaibigan lang ako. Pero 'di ko na lang inintindi 'yon, magiging masaya na lang ako para sa kaniya.
"Oo naman, ito na 'yung mga huli natin eh."
"Pero kahit na magcollege na tayo tapos magkatrabaho, best friend pa rin tayo ha? Walang magbabago," sabi niya at napangiti ako sa narinig ko.
Sana nga walang magbago.
"Pinky?" tanong ko sa kaniya at nilabas ang pinky finger ko. Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya.
"Ano'ng pinky?" nagtatakang tanong niya sa akin. Natawa ako ng bahagya.
"Hindi mo alam? Promise 'yon pero 'di tulad ng ibang promise. Ang pinky kasi may deeper meaning. Sirain mo na lahat, 'wag lang 'yung pinky promise," paliwanag ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin at natawa.
"Eh? Naniniwala ka sa mga gano'n?"
"Oo, bakit? Naniniwala pa rin ako sa pinky promise at naniniwala ako na 'di dapat basta ginagamit 'yon. I still believe in pinky promises."
"Sige na nga, pinky promise," sabi niya sa akin at nilabas din ang pinky niya at ginawa namin 'yung pinky promise mula pinky, index finger, at thumb.
"Ikot," sabi ko sa kaniya.
"Ano?"
"Kamay. Iikot mo 'yung kamay mo, dali," paliwanag ko sa kaniya at sabay naming inikot 'yun at nakagawa kami ng puso. Ngumiti ako sa kaniya.
"Ayan, nagpinky ka na. Wala ng bawian 'yon, nandito na ako lagi para sa'yo, 'di kita iiwanan. Kahit na ayaw mo na sa akin, nandito pa rin ako para sa'yo," sabi ko sa kaniya at ginulo ang buhok niya. Ngayon ko lang ata nagulo ang buhok niya.
"Sige, maniniwala ako sa'yo."
At sa pagkakataong 'yon, naniwala akong naniwala siya sa akin.
***
"Mag-ingat ka ha?" banggit ni Steven sa cellphone niya dahil kausap niya si Lily. Lunch na kasi, ito lang ang pagkakataon nilang makapag-usap.
Lily na naman, tuwing lunch na lang.
Pinipilit ko ang sarili kong 'wag tumingin sa kanila kasi nasasaktan lang ako. Huminga ako ng malalim at tumitig sa Precalculus kong notebook, pinilit kong ituon ang pansin ko sa assignment. Umayos ka Mavi, nasa Precal ang atensiyon mo.

BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
Cerita PendekSimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.