Isang linggo pa lang magmula no'ng bumalik kami galing sa christmas break, parang ang dami nang nagbago. Hindi na kami tulad ng dati ni Steven. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Basta bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin.
Dapat masaya na ako, 'di ba? Ewan ko ba, ang gulo pa rin ng isip ko hanggang ngayon. 'Di ko na alam kung ano ba talaga ang gusto ko.
Napaisip din ako, dalawang buwan na lang, tapos na ang school year na 'to. Dalawang buwan na lang, gagraduate na kami. Magkakahiwalay, mapupunta sa iba't-ibang school, magkakaro'n na ng ibang buhay. Baka makalimutan ko na rin siya.
Naramdaman kong may pumasok sa pinto at nakita ko si Steven, nagkatitigan kami. Ngumiti ako sa kaniya pero nakita kong umiwas siya at umupo sa upuan sa pinakadulo, malayo sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang sakit. Tumingin ako sa mga kamay ko at pilit na nilalabanan ang mga luha ko.
Ang sakit palang mabalewala.
Kinagat ko ang labi ko at pilit na nilalabanan ang mga luha ko pero sadyang makulit sila, tumulo pa rin sila kahit na ayaw ko. Suminghot ako at hiniling na sana 'di 'yon narinig ni Steven pero mukhang mali ako. Narinig ko na tumayo siya. Kumabog ng mabilis ang puso ko at tumayo rin ako. Agad akong naglakad palabas ng room at dumiretso sa cr.
No'ng nando'n na ako, naghilamos ako ng mukha. Tumingin ako sa salamin at napansin ko na medyo namumula na 'yung mga mata ko. Hay nako, kaya ayaw kong umiiyak. Nagmumukha akong ewan.
Inayos ko na ang sarili ko, ang takbo ng utak ko at muling naghilamos. Tinuyo ko ang kamay ko at tumitig sa sarili ko.
"Okay ka lang, okay ka lang," pilit kong pinapagaan ang nararamdaman ko.
Pero bakit kasi gano'n? Nagbago lang ang taon, nagbago na rin siya. May nagawa ba akong mali? Pero baka ito rin ang tama. Ewan ko, bahala na.
Lumipas ang buong araw na halos pasulyap-sulyap ako sa kaniya pero ni isang beses, 'di ko man lang siya nakita na tumingin sa akin.
Nangako ako sa sarili ko na tama na, titigilan ko na ang nararamdaman ko sa kaniya. Siya naman na 'tong lumalayo, ano pa bang magagawa ko?
Tigilan mo na Mavi. Maging masaya ka na lang na nagkaro'n siya ng lakas ng loob na iwasan ka. Para sa ikabubuti niya.
***
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa room. Tulad ng araw-araw na ginagawa ko, sinabit ko na sa upuan ang bag ko at umupo. Inayos ko ang suot kong jacket dahil malamig, sinuot ko rin 'yung hood ko at kinuha ang cellphone ko. Pinindot ko 'yung shuffle sa playlist ko, nilagay ko 'yun sa katabing upuan ko at tinungo ang ulo ko.
"God knows I tried to feel happy for you, know that I am. Even if I can't understand. I'll take the pain, give me the truth, me and my heart we'll make it through. If happy is her, I'm happy for you," tugtog ng cellphone ko.
Ang lamig na nga, ganiyan pa 'yung tumugtog. Ang ganda talaga ng timing 'no?
Pinakinggan ko lang 'yun tumugtog no'ng may bigla akong maramdaman na may yumakap sa akin. Nanigas bigla ako sa kinauupuan ko. Ano na naman 'to? Bakit na naman?
"Alam kong tulog ka pero sorry. Sorry sa lahat ha?" bulong niya sa akin. Pinilit ko ang sarili kong 'wag umimik at 'wag gumalaw.
Dapat tulog ka, 'di ba?
Inalis niya ang mga yakap niya at naramdaman ko na tumabi siya sa akin. Kumakabog ng mabilis ang puso ko. Ilang linggo na ba ang lumipas magmula no'ng huli niya akong tinabihan? O kinausap man lang? Bakit siya bumabalik kung kailan nasasanay na akong wala siya? Ginugulo na naman niya ako. Ano ba 'to?
BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
Short StorySimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.