Natapos na rin ang intrams, ang mga walang kamatayang performance tasks, at higit sa lahat natapos na ang first semester. Isang semester na lang, malapit na kami sa huling taon sa senior high.
Sana matapos na rin ako.
"Mavi, ano bang magandang bagay ang ibigay sa babae? Wala kasi akong maisip na regalo eh," tanong ni Steven.
Sinabit ko sa upuan 'yung bag ko. Umagang-umaga Lily na naman? Wow, good morning ha?
Pinilit kong maging mabuting kaibigan sa kaniya at ngumiti kahit na may kirot sa puso ko.
"Hindi ko alam eh. Um, depende? Ano bang mga gusto niya?"
"Nakikita ko na mahilig siya sa mga make-up, lip tint gano'n," paliwanag niya. Tinignan ko siya, halata sa mukha niya na gusto talaga niyang bilhan ng kung ano 'yong babae 'yon.
Aray ha.
"Um, kung gano'n, lip tint na lang ang bilhin mo. Affordable naman ata 'yon."
"Tulungan mo ako?"
Shit. Napatingin ako sa kaniya at pilit na pinapaalala sa sarili ko na 'wag ipakitang 'di ako okay. Umayos ka Mavi.
"Steven, alam naman nating dalawa na hindi ako mahilig sa mga ganiyang bagay, 'di ba? Nakita mo ba ako na naglagay ng mga gano'n? Wala akong alam d'yan eh," natatawang sambit ko. Napatigil ako sa pagtawa no'ng nakita ko ang lungkot sa mukha niya.
Shit ulit.
"Pero sige, susubukan kong tulungan ka," dagdag ko. Biglang nagbago ang mukha niya at ngumiti sa akin. Ginulo niya ang buhok ko.
"The best ka talaga."
The best... The best friend, tama.
Nakinig ako sa kaniya habang todo kuwento na naman siya tungkol kay Lily. Si Lily ganito, si Lily ganiyan. No'ng isang araw may ganito, no'ng nakaraan may ganiyan. Blah, blah, blah.
Pero tinitigan ko siya. Nakita ko kung pa'no siya magkuwento tungkol kay Lily. Nakikita ko 'yung saya niya sa bawat salita. Naririnig ko 'yung excitement sa boses niya sa bawat kuwento.
Napatitig ako at inamin ko na sa sarili ko ang katotohanan.
Masaya na ako na masaya siya, kahit na ibang tao ang dahilan ng kasiyahan niya.
***
Dumating na ang araw na inaabangan ko ngayong taon, ang field trip. Natutuwa ako na halos puro museum ang pupuntahan at isang amusement park. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang pumunta sa mga 'yon kesa sa kung saan-saan.
"Good morning!" bati sa akin ni Anica. Binati ko rin siya at binaba ko na sa sahig ang bitbit kong backpack at agad na kinuha ni Kenji ang unan ko. Ito talaga.
"Sa wakas may unan na ako, salamat," sambit niya at niyakap 'yon. Pinabayaan ko na lang siya. Nasa canteen kami ngayon, inaantay ang iba at sasakay na kami maya-maya sa bus.
"Pahiram ako," narinig kong sabi ni Steven at naramdaman kong kinuha niya 'yung suot kong neck pillow. Mga 'to talaga, kinuha na ang mga gamit ko.
"Ready na ready ka ah, baka naman may power bank ka d'yan, pahiram ako," banggit ni Dane at iniabot ko sa kaniya 'yung power bank. Natawa siya at kinuha 'yon.
"Ayos ah, salamat. Balik ko mamaya," sabi niya at tumango na lang ako.
Lumipas ang ilang minuto at sumakay na kaming lahat sa bus. Katabi ko si Veronica, katapat namin sina Mira at Courtney at nasa likod naman namin sina Adi at Steven.
![](https://img.wattpad.com/cover/208181617-288-k218518.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
Historia CortaSimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.