16

45 5 7
                                    

"At ngayon, Ms. President ng school organization for service," banggit ni Third sa microphone. Siya kasi ang commentator ngayong huling intrams namin.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa bola. Hinintay ko ang sipol ng pito bago ako mag-serve. No'ng narinig ko na 'yon, ginawa ko na ang underhand serve dahil hindi naman talaga ako marunong mag-volleyball. Pinanood ko ang paglipad ng bola at agad na umasa na sana mapunta 'yon sa kabilang dulo ng net.  

"Nice service! Ayos puwesto babalik 'yan!" Narinig kong sigaw ni ni Margaux at bumalik na ako sa puwesto ko. Gagampanan ko na ang napaka-lupit kong role, ang maging poste. 

Nagpatuloy lang ang laro namin at nanalo kami matapos ang dalawang set. Hindi ako athletic kaya kahit na hindi naman gano'n karami ang nagawa ko sa team ko, napagod pa rin ako. Pumunta ako sa may bleachers at tinignan ang score namin. 

"Nice one," banggit ni Steven. Siya ang nag-score no'ng laro namin. Ngumiti ako sa kaniya. 

"Salamat." 

Bigla niyang binato sa akin 'yung bimpo niya at sinalo ko 'yon sabay punas sa pawis ko. Tumayo siya para kunin ang tubigan niya at iniabot 'yon sa akin, kinuha ko at uminom.

"Marunong ka naman pala mag-volleyball eh," halos pabulong na sabi niya. Natawa ako at binalik ang bimpo niya.

"Galing ko bang maging poste?"

"Uy hindi ah," banggit niya at pinunasan ang noo ko. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Ano ba? Pinupunasan lang naman niya ang pawis mo.

"Mavi, puwede bang pahawak muna ako nito? Maglalaro na kasi 'yung team namin eh," biglang sulpot ni Zachary at iniabot sa akin ang relo niya. Nagulat ako kaya napatitig ako ng saglit.

"Uh, okay sige. Good luck sa game ninyo."

"Salamat presi. Tara na Steven, maglalaro na tayo," pag-aaya niya kay Steven kaya tumayo na siya at sumunod kay Zachary.

"Galingan niyo!" sigaw ko sa kanila at tumigin sa akin si Steven na nakangiti.

Pinanood ko lang silang maglaro. Bakit gano'n? Kahit na hindi naman sila naglalaro ng volleyball, ang galing pa rin nila. Siguro dahil sporty talaga sila? Grabe, ang lakas nila pumalo ng bola. Minsan 'yung ibang service nila nagiging outside sa lakas. Kung ako sasalo no'n, baka matanggal na 'yung kamay ko.

"Nakita namin 'yon," biglang banggit ni Courtney at umupo sila ni Mira sa tabi ko. 

"Ha? Alin? Ano'ng nakita niyo?" nagtatakang tanong ko.

"Asus, 'wag na mag-deny. 'Yung kay Pacheco kanina? Ikaw ha."

"Ah, 'yun ba? Pinahawak lang naman niya sa akin 'yung relo niya eh," paliwanag ko at pinakita ko ang hawak kong relo.

"Eh ba't naman niya 'yon ginawa? Ang dami naman niyang ibang kaibigan dito. Bakit sa'yo pa? Mukhang may nanalo na talaga," banggit ni Mira at siniko-siko pa ako. 

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa akin. Natutuwa ako 'pag nandiyan si Zachary pero iba pa rin 'yung nararamdaman ko kay Steven. Ewan ko ba, parang may parte sa akin na ayaw bitawan ang nararamdaman ko para kay Steven. 

"Boto na ako kay Zachary. Mukhang masaya ka sa kaniya eh. Kung kanino ka sasaya, do'n kami," banggit ni Courtney. Napatingin na lang ako kay Zachary at siya na pala ang magseserve ngayon. 

"Pacheco for service. Go Mavi!" sigaw ni Third sa mic kaya napatingin ako sa kaniya sa kabilang dulo ng bleachers.

Shit. Third, lagot ka sa akin mamaya.

Sana Akin Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon