12

59 5 2
                                    

"Wala na kami," malungkot na banggit sa ni Steven.

Nagulat ako. Napatitig ako sa kaniya at agad kong sinabit ang bag ko sa upuan. Umupo ako sa tabi niya, hindi ako umiimik. Ayaw kong tanungin kung ano'ng nangyari, baka hindi pa siya handa magkuwento. Hinaplos ko ang likod niya, nakita kong pinipigilan niyang umiyak.

"Okay lang umiyak," bulong ko sa. Hindi siya nagsalita pero nakita kong tumulo ang luha niya. Ang sakit na makita siyang ganito.

Bigla siyang humagulgol at yumakap sa akin. Niyakap ko siya pabalik at hinimas ang likod niya. 'Di ko alam kung bakit ganito pero naiiyak din ako 'pag may umiiyak. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko na maluha.

"Ang sakit Mavi, ang sakit. Ang sakit-sakit talaga. Mavi, ang sakit," paulit-ulit niyang sambit sa akin. Huminga ako ng malalim.

Masakit din 'to para sa akin, Steven.

Iniabot ko sa kaniya 'yung panyo ko pero tinanggihan niya 'yon. Kinuha niya 'yung bimpo niya sa bulsa at pinunasan 'yung mga mata niya. Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga mata ko. Nakita ko kung ga'no siya nasasaktan, shit ang sakit din para sa akin.

"Wala na kami," sambit niya ulit. Hinaplos ko lang 'yung likod niya at hinayaan siya. Humihikbi siya pero 'di na tulad kanina na halos pinagsakluban siya ng langit at lupa.

"Ano'ng nangyari?" naglakas loob na akong tanungin siya pero nanahimik lang siya.

"Ayos lang kung ayaw mo pa magsalita. Alam kong mahirap, alam kong masakit, alam ko 'yung pakiramdam na mawalan. Kaya kung 'di ka pa handa magkuwento, ayos lang. Pero nandito ako, kahit kailan, para makinig sa'yo," dagdag ko.

"Magsalita ka lang, please. Medyo gumagaan pakiramdam ko," banggit niya at tumingin lang siya sa sahig.

"Um, 'di ko alam kung mapapagaan ko 'yung loob mo o hindi pero 'pag mabigat na or 'di na okay 'yung sinasabi ko sa'yo, sabihin mo lang ha? Titigil naman agad ako," sambit ko at nakita ko na tumango siya at pinunasan ulit ang mukha niya.

"Gano'n naman talaga siguro eh, hindi lahat ng relasyon magiging maayos 'yung dulo. Pero isipin mo na lang na may natutunan kang bago sa naranasan mo. Na may mga bagay ka na narealize tungkol sa ibang tao, tungkol sa sarili mo. Saka-"

"Paano mo nasasabi 'yan? Pa'no kung siya na 'yung the one, tapos pinakawalan ko pa?" tanong niya.

Natahimik ako. Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Baka nga trip lang niya ako no'ng araw na sinabi niya na ako 'yung the one. Baka isa lang 'yon sa joke time niya.

Isa lang akong malaking joke sa kaniya no'ng panahong 'yon na kailangan niya kasi malungkot siya.

"Paano? Paano kung hindi? Malay mo kaya 'di nagwork out kasi 'di talaga? Pero alam mo, bata pa tayo, 'di mo pa masasabi na 'yun na talaga. Pero sa kabilang banda, malay mo kayo talaga pero 'di lang 'to 'yung panahon ninyo. Malay mo meron kayong perfect timing," sabi ko at nanahimik siya.

"Baka sa susunod na panahon, sa future, maging kayo ulit. Sabi nga nila, 'pag sa'yo, para sa'yo talaga. Hintay ka lang sa perfect timing. In His time," dagdag ko at tumango lang siya.

Hinaplos ko ang likod niya at nag-iisip pa ng puwedeng madagdag pero tulad niya, wasak na rin ako. Wala na akong maisip na sabihin. Huminga na lang ako ng malalim. Ewan ko, pero para akong natalo.

Pilit ko siyang binubuo ngayon dahil nawasak siya ng iba at heto ako, wasak dahil sa sarili ko.

***

"Merien-"

"Mavi, samahan mo naman ako," biglang sambit ni Steven habang nagliligpit kami. Napatingin kaming tatlo nina Mira at Courtney sa kaniya. Halata sa boses niya na 'di siya okay.

Sana Akin Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon