Halos isang linggo ang lumipas at ilang araw na ring absent si Steven. Hindi niya ako napanood sumayaw sa dance competition na sinalihan namin. Kahit na nanalo kami, 'di pa rin ako gano'n kasaya dahil pakiramdam ko 'di ako kumpleto.
Huminga ako ng malalim. Tumungo ako sa upuan ko at hinayaan na tumugtog ang cellphone ko. Narinig ko na may pumasok at tumabi sa akin.
"Ano? Musta na 'yung librong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Courtney. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya.
"Sinusulat ko na ro'n sa typewriter 'yung mga tula. Balak ko rin ilagay 'yung short story ko na ginawa ko dati."
"Ah, 'yung project natin last sem? Bakit mo ilalagay 'yon?"
"Nasabi niya kasi sa akin na gusto niyang basahin 'yon eh. Baka iipit ko na lang 'yung mismong original copy ko," paliwanag ko sa kaniya at tumango siya.
"Ano na nga pala 'yung huling tulang nagawa mo?"
"No'ng valentine's. 'Yung araw na bigla na lang siya umalis," sagot ko. Nakaramdam na naman ako ng sakit pero binalewala ko 'yon. Agad kong kinuha 'yung isang papel kung sa'n ko nilagay 'yung tula.
"Kaya ba ang tagal na magkasama? Dahil baka lungkot ang madarama? Kaya ba sobrang saya? Kasi huli na? Kaya ba gano'n na lang? Kasi wala na?" pagbabasa ko sa huling parte no'n at iniabot ko sa kaniya 'yung papel ko.
Kinuha niya sa akin 'yon at binasa na niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagbabasa siya.
"Kung alam ko lang na huli na 'yon, pinagbigyan ko na sana siya sa gusto niya," malungkot kong sambit sa kaniya.
"Pero 'di mo naman alam na gano'n eh. Wala kang kasalanan do'n. Saka nakakainis, ang sakit naman ng tula mo."
Kung alam mo lang na sa bawat araw na dumadaan mas nadudurog ako, mas nawawasak sa sakit. Kung nasasaktan ka sa pagbabasa niyan, pa'no na lang ako no'ng sinulat ko 'yan?
***
Malapit na ang finals at bumalik na rin si Steven. Walang araw na lumipas na hindi ko siya inisip. No'ng nakita ko siya, yakap agad ang bungad ko sa kaniya. Niyakap din niya ako at kinuwento sa akin ang lahat ng nangyari sa kanila no'ng umalis sila. Mukhang hindi nga ayos ang pamilya niya.
Pinapanood ko siya ngayon habang nagbabasa. Nirereview ko kasi siya dito sa bahay. Dahil ilang araw siyang wala, marami din siyang 'di alam na lessons. Kaunting tulong ko na sa kaniya 'to para makapasa siya.
"Ano? Okay ka na? Puwede na kita tanungin?" tanong ko at tumingin lang siya sa akin.
"Sige, try natin."
"Okay, ano 'yung step one sa paraphrasing?" tanong ko sa kaniya. Akma niya sanang bubuksan ang EAPP book niya pero pinigilan ko 'yon.
"Oh, walang dayaan. Bawal tumingin sa book."
"Uh, ano, repeat the passage," sagot niya sabay kamot sa ulo niya. Napangiti ako.
"Malapit ka na. Repeatedly read the passage to be paraphrased."
Inulit niya ang sinabi ko at ngumiti ako. Pinagbasa ko muna siya matapos no'n at sinabing tatanungin ko na lang ulit siya mamaya kapag nakabisado na niya.
"Okay na. Sa tingin ko kabisado ko na," banggit niya sa akin at sinara ko ulit 'yung libro niya.
"Step 5," banggit ko.
BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
Short StorySimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.