Ang daming tao sa paligid. Ganito pala dito kapag valentine's day, ang daming kung ano-ano. Mula sa balloons, flowers, stuffed toys, chocolates, lahat na ata nandito. Kahit sa'n mo ilagay ang tingin mo, gano'n ang makikita mo.
Baka magkadiabetes ako nito sa pagtingin pa lang sa mga 'to.
"Ang dami naman," sambit ko habang iginagala ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na puwede palang maging ganito ang lugar na 'to.
"Ngayon ka lang ba nakapunta dito ng valentine's day?" tanong sa akin ni Steven. Humarap ako sa kaniya at tumango.
"Ang suwerte ko pala na ako ang unang date mo sa valentine's day," banggit niya ulit. Natawa ako at hinampas ang braso niya. Napaka-feelingero nitong lalaking 'to. As if sasama ako sa kaniya kung wala siyang problema.
"Hoy excuse me, sinamahan lang kita bilang best friend mo 'no. 'Yun lang 'yon, period," pangangatwiran ko. Nakita ko na ngumiti siya at natuwa ako ro'n. Okay 'to, dapat makalimutan niya kahit saglit ang problema niya.
"Kahit na ano pang isipin mo, basta para sa akin date natin 'to," sambit niya. Gusto ko siyang hampasin, naalog ata ang utak nito eh.
Nakalimutan mo na bang may girlfriend ka, Steven?
"Mavi, magpakasaya na muna tayo ngayon, please? Kahit 'yun na lang tuparin mo. Kahit na 'di ka na maging akin ngayon basta gusto ko masaya tayo."
Tinitigan ko lang siya. Kumakabog ng sobrang bilis 'yung puso ko ngayon. Alam kong mali 'to, 'yung nagpapakasaya ako kasama siya. Alam ko naman eh. Pero 'di ko siya matiis. Ano ba 'to?
"Kahit sa isang beses lang, piliin mo naman kung sa'n ka talaga sasaya. Kahit 'di na sa akin, basta maging masaya ka sa mga bagay na puwede nating gawin ngayon," paliwanag niya. Huminga ako ng malalim at napalunok.
Sa'yo ako sumasaya pero alam kong mali 'to. Hindi 'to puwede, ayaw ko. Kahit na mahal kita, mahal ka rin niya.
"Bahala na. Basta best friend pa rin tayo. Steven, enjoy mo na lang 'tong araw na 'to. Once a year lang naman ang valentine's eh," banggit ko. Nakita ko na ngumiti siya sa akin at wala na akong nagawa kung 'di ngumiti pabalik.
"Oo nga, tama ka, minsan lang naman 'to. Salamat at sinamahan mo ako. Malay mo, last na natin 'tong pagkikita," sambit niya at kumirot ang puso ko sa narinig ko.
Ano raw ang sabi niya? Last na?
"Sus, ano ba 'yan Steven? Ngayon ka pa talaga nagdrama ha? Tigilan mo nga, 'di bagay sa'yo eh," sambit ko at tumawa ng malakas. Minsan lang magdrama si Steven kaya wala akong magawa kung 'di matawa sa kaniya. Hindi ako sanay na gano'n siya.
Pero hindi niya ako sinagot. Tumigil ako sa pagtawa at napatingin sa kaniya. Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya sa akin kaya parang sinaksak na naman ang puso ko.
Ano bang ibig niyang sabihin sa last na? Nakakainis, ba't bigla akong nasaktan?
"May naiisip ka bang gawin?" biglang tanong niya. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.
"Sa totoo lang, balak ko talaga pumunta rito para bilhan ng roses ang mama ko. Tapos niyaya mo ako lumabas kaya naisip ko na ba't 'di ko na lang isabay?"
"Ah, 'yun naman pala. Tara, hanap na tayo ng roses para kay tita," pag-aaya niya sa akin.
Naglakad kami at naghanap na ng mabibili. Kung ano-ano ang tinuturo ni Steven, ang kulit niya. Natatawa ako sa kaniya kapag nagtuturo siya ng mga stuffed toys at aasarin ang mga itsura no'n.
Kung makaasar naman 'to, kamukha mo nga lang 'yung isang dragon na stuffed toy do'n.
Ilang sandali pa ng pag-iikot, nakabili na rin ako at ilalagay ko na sana 'yun sa bag ko no'ng bigla na lang akong pinigilan ni Steven.
BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
Short StorySimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.