"Okay class, magrereporting na tayo bukas," banggit ng teacher namin sa Earth and Life Science at napatitig ako sa libro ko. Kung hindi ka mawawala sa harap ko ngayon, puwede bang ako na lang ang mawala?
Reporting na naman? Grabe, ang dami talagang PeTa 'no?
"Individual po?"
"Hindi. By pair para mas madali para sainyo."
Sinimulan na ni ma'am banggitin ang mga tao na magka-pair at hinintay ko lang na sabihin niya ang pangalan ko.
"Tapos si Mavi at Steven."
Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Steven. Nakita ko na nakangiti siya at kumaway pa. Hay nako. Nabaling ang atensiyon ko sa puwesto ni Mira at nakita ko na napatingin siya sa akin. Napalunok ako.
"Pinag-usapan natin ha," bulong niya at tumango ako. Alam ko naman na nag-aalala lang sa akin si Mira.
Kakaiba kasi akong mahulog. At mukhang nahuhulog na nga ako. Hindi puwede 'to.
Bakit gano'n? Alam ko naman na magkaibigan lang kami pero ba't 'di ko matanggal 'tong kakaibang pakiramdam sa akin? Ano ba 'to? Ayaw ko ng ganito. Kailangan ko 'tong pigilan.
"I will see you tomorrow and be ready for your report. Goodbye class, you may have your lunch."
Bakit 'di ko na maintindihan 'yung takbo ng tadhana ngayon? Oo sige, kaibigan lang pero bakit 'di ko matigil 'yung mabilis na pagtibok ng puso ko 'pag nandiyan siya?
"Kukunin na namin 'yung lunch ni Mira," sabi ni Courtney at bumaba na sila papuntang guard house para kunin ang pinadalang lunch ng tatay niya.
Kumuha muna ako ng papel at bolpen at nagsulat do'n.
Steven,
Salamat sa panyo. Salamat talaga.
Pasensiya na kung ngayon ko lang nabalik.
Ako mismo naglaba nito. Haha, 'yun lang.
Salamat ulit.
—Mavi.Dinikit ko 'yun sa panyo niya at nilapag sa upuan niya. Wala pang ibang tao dahil bumaba sila para bumili ng pagkain. Nagtaka si Veronica at tinanong ako kung ano 'yun.
"Wala lang yon, Ronny. Binalik ko lang 'yung panyo na hiniram ko no'ng nag-studio tayo," paliwanag ko.
"Ah oo nga, grabe 'yung sipon mo no'n eh."
"Kaya nga eh. Uy matutulog na muna ako ha?" sabi ko sa kaniya at tumango siya.
Tinungo ko na ang ulo ko at minabuti na matulog na lang. Kakain din naman kami mamayang uwian, sayang lang pera ko kung magla-lunch pa ako. Maka-idlip na nga lang muna.
***
"That's all for today, goodbye class."
Naalimpungatan ako kaya napatayo agad ako. Sakto ang pagtayo ko sa pagsabi ng mga kaklase ko ng 'goodbye'. Napakusot ako sa mata ko.
"Tapos na mag-lesson si ma'am?" nagtatakang tanong ko kay Veronica.
"Kanina pa, sinabi na lang namin na masama ang pakiramdam mo kaya ka nakatulog. Puyat ka na naman 'no?"
Napatitig na lang ako sa kawalan at huminga ng malalim.
Natapos ang World Literature na wala akong alam. Matutulog na nga ako ng maaga mamaya, sana.
"Medyo."
"Matuto ka kasing matulog ng maaga hindi umaga," sabi niya at natawa. Natawa ako ng bahagya.
Bakit nga kasi umaga na kung matulog ako? Hindi ko rin alam.
"Mavi, usap tayo mamayang uwian tungkol sa report natin ha," narinig kong sinabi ni Steven kaya napatitig na lang ako sa kaniya. Tumango ako at ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
Short StorySimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.