13

63 5 0
                                    

"Ang tagal na ah, I miss you."

Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, kung ano'ng sasabihin ko, ewan ko. Hindi ata gumagana ng maayos ang utak ko.

'Yung mata niya, gano'n pa rin. Sa simpleng pagtitig ko lang sa kaniya bumalik 'yung alaala sa akin na parang kahapon lang nangyari ang lahat. Bakit gan'to?

"Oo nga eh, ang tagal na," sambit ko at ngumiti ng pilit. Ilang taon na nga ba ang lumipas? Siyam? Sampu? Nawala na ako sa bilang.

"Wow, akalain mo 'yon? Mag-celebrate tayo, treat ko. 'Wag ka mag-alala," sabi niya. Hindi matanggal sa mukha niya ang ngiti niya.

Siguro, may mga bagay talagang hindi nagbabago.

"Steven, 'wag na, okay lang—"

"Hanggang ngayon ba naman ganiyan ka pa rin?" tanong niya at hindi ako makasagot. Bakit ganito? Bakit parang wala lang sa kaniya ang lahat?

Hindi ako makasagot. Ano bang dapat kong isagot?

Oo, hanggang ngayon ganito pa rin ako. Na ako pa rin 'yung Mavi na nakilala mo magmula no'ng senior high tayo. Ako pa rin 'to.

"Sige na nga, ganito na lang, isipin mo na lang na bumabawi ako sa'yo. Do'n sa iced coffee, sa milktea, sa lahat, naalala mo?" banggit niya at napatitig ako, lumunok at pilit na pinipigilan na maluha.

Umayos ka nga Mavi.

"S-sige."

Wala akong nagawa kung 'di sundan siya. Pumunta kami sa isang malapit na cafè. Inayos ko ang bag ko at umupo na. Tumingin siya sa akin at ngumiti, ngumiti rin ako ng pilit.

Bakit may sakit pa rin? May kirot pa rin.

"Iced coffee?"

"Ah hindi. Hot coffee ang gusto ko," paliwanag ko at nakita ko na parang nagulat siya pero ngumiti rin agad at nag-order.

"Hindi ako nainformed na mainit na kape na pala ang gusto mo," sabi niya no'ng nakabalik siya sa upuan. Kumuha siya ng brochure mula sa mesa at binasa 'yon.

Bakit, Steven? Nasa'n ka para malaman 'yon? Nasa'n ka ba no'ng mga nakaraang taon? Mga panahong nangako kang walang iwanan pero ikaw 'tong nang-iwan.

"Um, pareho lang naman sila eh."

"Sabagay, kape rin naman 'yon."

Naghintay pa kami ng ilang saglit. 'Di ako umiimik dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Sobrang bilis pa rin ng tibok nitong puso ko, tulad pa rin ng dati.

"Isang hot coffee po," sabi ni Steven at iniabot sa akin 'yon. Kinuha ko ang kutsarita para haluin 'yon.

"Bukod sa hot coffee mukha namang walang nagbago sa'yo," banggit niya kaya napatingin ako. Bumagal ang paghalo ko sa kape ko at napalunok.

Pero bakit siya parang iba na?

"Ah, gano'n ba?" tanong ko at tumawa ng bahagya. Tinikman ko 'yung kape at tinuon ko 'yung pansin ko ro'n.

"Ang cute mo pa rin," sabi niya at napalunok ako. Tumingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti. Kaya ko pa ba ipagpatuloy 'to?

"Uh, kumusta ka na?" bigla kong naisip.

Shit, ano'ng klaseng tanong 'yan Mavi?

"Ayos lang naman ako, may trabaho na ako medyo malapit dito. Ikaw? Pinagpatuloy mo ba 'yung law? 'Wag mo sabihin na lawyer ka na ng 'di ko alam?"

"Hindi pa pero malapit na," banggit ko at ngumiti siya sa akin sabay inom sa frappè niya.

"Wow, tinutupad mo na 'yung pangarap nati— ibig kong sabihin, 'yung pangarap mo."

Sana Akin Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon