"So ano? Ayos na ulit kayo?" tanong ko. Tumingin siya sa akin at tumango ng dahan-dahan. Hindi ko napigilan na 'di lumungkot.
Okay lang ako, okay lang. Agh, hindi. Shit, ang sakit. Alam mo nang masasaktan ka, tinanong mo pa.
"Ah, buti naman. Sabi ko sa'yo magiging okay din kayo eh," sambit ko at pilit na ngumiti. 'Yung ngiting hindi niya mapapansing nasasaktan ako. 'Yung ngiting ibibigay ng kaibigan niya sa kaniya kasi 'yun naman ako, kaibigan lang. Walang karapatang masaktan.
"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin. Bigla akong napalunok. 'Wag mo ipapahalata, Mavi.
Ano ba sa tingin mo ha? Wasak na ako, wala na. Durog na. Para mo na rin akong inapakan ng paulit-ulit.
"Oo. Alam ko naman na gano'n eh."
"Pero kasi gusto kita..." panimula niya pero 'di na niya sinundan pa. Naghihintay pa sana ako ng sasabihin niya pero wala na. Nanahimik na lang siya bigla at nasaktan ako lalo. Sasabihin niya 'yon para ano? Masaktan ako lalo? Shit talaga.
"Pero nandiyan pa rin siya para sa'yo at hindi mo siya maiwan. Naiintindihan ko 'yun," banggit ko at pilit na ngumiti.
Gusto mo ako? Pero 'di mo siya maiwan? Ano? Puwede ba 'yon? Hindi ko na maintindihan. Gusto ko na lang mawala bigla.
"Hindi ko kasi maintindihan eh. Nag-explain siya sa akin tapos... tapos gusto niya na magkabalikan kami," kuwento niya sa akin at tumango ako. Lalo lang ba niya akong sinasaktan? Hindi pa ba sapat lahat ng 'to?
"Oh, ayon naman pala eh, balikan mo na siya," banggit ko kahit na sobrang sakit, kahit na durog na ako. Kahit na halos maghingalo na ang puso ko.
Ang hirap pala ng pinasok ko. Wala na akong magawa para isalba ang puso ko ngayon.
"Ikaw naman ang gusto kong piliin eh kaso kasi wrong timing lang talaga ngayon. Hindi ko siya maiwan, may problema kasi siya."
Napatingin ako sa kaniya at kumunot ang noo ko. Teka, tama ba 'yung pagkakarinig ko na ako ang gusto niyang piliin? Shit ulit.
"Nasasabi mo lang 'yan, Steven. Baka nga gusto mo lang pagaanin ang loob ko. Pero I swear, okay lang talaga ako. Naiintindihan ko naman lahat eh. Naiintindihan ko," sambit ko kahit na ang dami pa ring tanong sa isipan ko.
Nasabi kong naiintindihan ko kahit hindi.
"Pero kasi ikaw na 'yung gusto ko," banggit na naman niya at halos magunaw na ang lugar kung sa'n ako nakaupo ngayon. Lalo lang niya akong pinapahirapan.
"Steven tama na. Alam mo rin naman na nagkagusto ako sa'yo no'n 'di ba? Pero alam mo na nakaraan na 'yon, na dati lang 'yon. Naappreciate ko 'yung mga nagawa mo sa akin pero nandiyan din siya para sa'yo. Okay? Tigilan mo na."
Hindi Steven, mahal pa rin kita. Mahal na mahal. Mula noon, hanggang ngayon.
"Oo nga. Baka natuwa lang ako no'ng nalaman kong nagkagusto ka rin sa akin kaya ganito ako, kaya kita pinilit na gustuhin ulit ako. Na akala ko babalik 'yung nararamdaman mo para sa akin. Nawala sa isip ko, gusto mo na nga pala si Zachary," rinig ko sa boses niya na hindi siya okay. Pero ano pa bang magagawa ko?
Mahal siya no'ng babae. Ayaw ko naman na makasakit ako ng iba. Kaya sige, ako na lang ang magpaparaya. Ayos lang na ako na lang ang masasaktan. Alam kong kaya kong tiisin ang sakit.
"Sa totoo nga lang, parang kapatid ko na rin 'yon si Zachary eh," kuwento ko. Baka sakaling gumaan ang nararamdaman niya. Hindi na siya umimik at nakita ko na ngumiti siya ng kaunti at tumango.

BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
KurzgeschichtenSimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.