15

45 6 10
                                    

"So, Zachary ano'ng balak natin sa report na 'to?" tanong sa akin ni Mira. Napabuntong hininga na lang ako.

Dumating na ang araw na kinakatakutan ko, ang malaman ng buong room 'yung tungkol kay Zachary Pacheco. Wala na akong magawa kung 'di sumabay na lang sa mga trip nila. Baka dahil dito, makalimutan ko na rin 'yung nararamdaman ko kay Steven. Baka dahil dito, mag-iba ang lahat. Baka mabaling na sa iba ang atensiyon ko.

Bakit 'di ko subukan? Wala naman atang mawawala sa akin.

"Ako na ang bahala sa visual aid," sambit ko at tinanong pa niya ang iba naming mga kagrupo. Nakatingin lang ako sa kanila habang ginagawa nila 'yon.

Pero tama ba 'tong gagawin ko?

Bigla akong napatingin kay Steven, masaya siyang nakikipag-usap sa mga kagrupo niya at napaisip ako. Siguro okay na rin na sinabi kong gusto ko si Zachary, siguro ito na rin 'yung paraan para makalimutan ko si Steven. Siguro. Ewan ko, bahala na.

"Okay class, last five minutes sa brainstorming," banggit ni sir kaya nakipag-usap na ako sa mga kagrupo ko at sa kung ano'ng gagawin ng bawat isa. Nakinig ako ng mabuti at nagbigay din ng mga suggestions.

Matapos ang limang minuto, tumigil na ang lahat at bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming upuan.

"Be ready for your presentation tomorrow. That's all for today, goodbye class."

"Goodbye and thank you, sir."

Inayos ko na ang gamit ko at bumaba na sila Mira at Courtney para kumuha ng lunch nila. Halos lahat bumaba at naiwan kami ni Steven dito. Hinanda ko na ang sarili kong masaktan dahil alam kong kakausapin na naman niya si Lily. Ready ka na ba, Mavi?

"Hindi ka ba kakain?" tanong niya sa akin.

"Kailan ba ako kumain ng lunch?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin.

Sabagay, paano mo nga naman mapapansin 'yon kung puro Lily na lang ang focus mo 'pag lunch?

"Bakit hindi ka na kumakain ng lunch? 'Di ka naman ganiyan dati no'ng grade 11 tayo ah," tanong niya sa akin at kinuha ko ang cellphone ko para iwasang mapatingin sa kaniya.

"Bakit naman hindi? Puwede naman akong 'di kumain."

"Nag-aalala lang ako sa'yo, Mavi."

"Bakit? 'Wag na. Ayos lang naman ako eh," dipensa ko habang pinipindot ang kung ano-ano sa cellphone ko. Ayaw ko lang talaga siyang tignan.

"Bakit ka—"

"Wala ka bang kakausapin na Lily ngayon?" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Ayaw kong pag-usapan kung bakit 'di na ako kumakain ng lunch. Wala siyang dapat ipag-alala ro'n.

"Ah, busy kasi siya eh."

"Okay."

"Ay Mavi, tignan mo 'tong wallet ko oh. Ang daming letters," banggit niya habang nilalabas ang wallet niya at pinakita sa akin ang iba't-ibang mga letter sa iba't-ibang papel.

"Love letters ba 'yan para sa'yo?" natatawang tanong ko at tumango siya. Kumirot ng kaunti ang puso ko.

"Well, malakas kasi ang best friend mo eh," banggit niya at natawa rin.

Tama nga si Mira, gano'n nga siya sa lahat. Kaya 'di ko masisisi ang ibang babaeng nagkagusto sa kaniya. Sino ba kasi ang hindi mahuhulog sa isang Steven Buenaventura?

"Ang lakas mo nga, dami ah," sabi ko habang tinitignan ang mga 'yon.

"Puwede ko bang basahin?" tanong ko. Nakita ko na ngumiti siya sa akin. Kinuha niya 'yung nga papel at iniabot sa akin.

Sana Akin Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon