Matagal na panahon na ang lumipas bago ako tuluyang nakabangon. Tinulungan ako ng mga kaibigan ko, hindi nila iniwanan ang tabi ko at pinaramdam nila sa aking may silbi ako. Hindi ko na ulit hahayaang mawala ko ang sarili ko dahil lang sa pagmamahal ng sobra sa ibang tao.
I let go of the person but I can't let go of the feelings.
Pero kahit na tinanggap ko na noon pa, may parte pa rin sa aking kumakapit. Kaya hindi ko siya kaya isuko kasi umaasa pa rin ako kahit sa pinakamaliit na tyansang babalik siya.
"Huy, ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong sa akin ni Steven at napatingin ako sa kaniya. Napalunok ako.
"Hindi naman masyado."
"Tignan mo oh, sumasabay 'yung fountain sa tugtog," banggit niya habang nakatingin sa dancing fountain. Napangiti ako.
"Kaya nga siya tinawag na dancing fountain eh. Hindi ba obvious?" sambit ko.
"Magkakaibigan pa rin ba kayong tatlo?" biglang tanong ni Steven. Alam kong tinutukoy niya sina Mira at Courtney. Napangiti ako at tumango. Hindi naman kasi masisira ang totoong pagkakaibigan basta-basta.
"Oo naman 'no. Solid pa rin kami, tulad pa rin ng dati. Alam mo ba, si Courtney, successful na business woman na. May sarili na siyang company. Si Mira naman, sabay kaming malapit na maging lawyer pero may sideline siya, Mira Clair's Sweet Bites. Ang sarap ng mga binebake niya, promise. Try mo bumili minsan, 'di ka magsisisi," kuwento ko.
"Sige, susubukan ko 'yon. Nga pala, may balita ka ba sa iba nating classmates no'ng senior high? Mula kasi no'ng graduation natin, madalang na akong makipag-usap sa iba eh."
"Ah, gano'n ba? Basta alam ko si Third, nurse na siya pero balak niya ata mag med school, 'di ko lang sigurado. Si Adi at Kenji, ayon nasa laot na, mga seaman na. Akalain mo 'yon? Wala na akong contact sa iba pero nakikita ko naman sa posts nila sa Facebook na successful na rin sila. Naabot na rin nila ang mga pangarap nila."
"Ang bilis talaga ng panahon 'no?"
"Oo nga eh, sinabi mo pa."
"Eh si Zachary?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Napaisip ako, kumusta na rin kaya si Zachary?
"Hindi ko alam eh. Wala na akong balita sa kaniya magmula no'ng grumaduate tayo ng senior high. Nawalan ako ng contact simula no'ng college. Bakit mo nga pala natanong?"
"Ah, wala lang. Napaisip lang ako. Akala ko kasi naging kayo eh," banggit niya. Natawa ako sa sinabi niya at umiling ng dahan-dahan.
"Hindi naging kami 'no, ano bang pumasok d'yan sa isip mo ha? Eh kayo ba ni Lily?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko agad naisip 'yong sinabi ko at huli na no'ng narealize ko. Ako talaga ang naghahanap ng ikasasakit ko eh. Imbes na sana nanahimik na lang ako.
"Si Lily?" tanong niya sa akin at tumango ako. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang boses ko ngayon, baka bigla akong maiyak. Bakit ko pa kasi naisipan na itanong 'yon?
"Matagal na kaming wala no'n," sabi niya.
Hindi ko na siya sinagot dahil hindi ko naman alam kung ano'ng sasabihin ko sa kaniya. Matagal na silang wala? Ano na naman kayang nangyari sa kanila? Hindi ko inaasahan na tuluyan na silang maghihiwalay. Akala ko on and off lang sila pero mukhang natuldukan na nga 'yon.
"Nga pala Mavi, pasensiya ka na ha?" sambit niya sa akin. Kumunot ang noo ko, naguluhan ako.
"Ha? Para saan?"
"Na 'di na ako nagparamdaman sa'yo magmula no'ng graduation day natin. Na wala man lang akong text o chat o kahit ano," paliwanag niya.
Ngumiti ako sa kaniya. Mukhang sorry lang pala niya ang kailangan kong marinig sa mga taon na dumaan. Kahit na napatawad ko na siya, mas gumaan ang pakiramdam ko sa narinig ko.
BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
القصة القصيرةSimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.