"Origin of our Sun na 'yung irereport natin 'pag natapos 'tong pair na 'to," banggit ni ma'am habang naghahanda sila Courtney.
Teka lang, origin of our sun? Sa amin 'yun ah.
Bigla akong napatingin kay Steven at halata sa mukha niya na nagulat siya. Agad niyang hinalungkat 'yung bag niya. Tumayo ako para lumipat sa tabi niya.
"Adi, palit na muna tayo ng upuan, kakausapin ko lang si Steven."
"Sige, sige," sabi niya at lumipat siya do'n sa puwesto ko.
"Okay, ready na ba tayo?" tanong ko kay Steven at humarap sa kaniya. Ngumiti ako pero hindi niya ako pinansin.
"Wala dito 'yung flash drive eh, shit."
"Ha?" gulat na tanong ko sa kaniya.
Nagkamali lang ako ng rinig, 'di ba? O baka naman niloloko lang niya ako. Pero hindi magandang joke 'yon, grades namin ang nakasalalay dito.
"Hakdog. 'Yung flash drive kung sa'n ko sinave 'yung ppt natin."
"Sa'n mo ba nilagay?"
"Agh, hiniram ni mama 'yun eh. Teka ite-text ko," sabi niya at pasimpleng kinuha 'yung cellphone niya.
Bumukas na ang projector at nagsimula na mag-discuss sina Courtney. Nakinig ako ng bahagya pero naririnig ko ring nagmumura na ng paulit-ulit si Steven sa tabi ko. Hindi naman ako kinakabahan, hindi talaga.
"Shit, wala na akong load."
"Meron ako," sabi ko at binigay sa kaniya 'yung cellphone ko. Kinuha niya 'yon at tinuon ko ang pansin sa mga nagrereport.
Sana tagalan nila 'yung pagrereport, wala pa sa amin ang report namin.
Huminga ako at napatingin sa katabi ko, si Kenji. Bigla akong nagkaro'n ng ideya at alam kong matutulungan niya ako.
"Uy, Kenji," bulong ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin.
"Bakit?"
"Magtanong ka ng magtanong mamaya ha? Para tumagal 'yung report nila. Please?"
"Eh? 'Yun lang pala. Akala ko naman kung ano na. Ngayon pa nga lang 'di ko na maintindihan sinasabi nila eh, english kasi."
'Di ko alam kung matatawa ba ako o ano sa sinabi niya pero pinabayaan ko na lang siyang makinig. Kung nakikinig ba talaga siya. Muli akong huminga at tumingin kay Steven.
"Ayan, pupunta raw si mama at dadalhin niya 'yung flash drive," sabi niya sa akin.
Buti naman.
"Okay, ngayon naman paki-explain 'yung process," sabi ni ma'am kela Courtney at muli silang nagpaliwanag.
Pinilit kong makinig pero may mga panahon lang talaga na nawawala ako. Kahit na gusto kong magfocus parang ayaw talaga. Hindi nagsi-sink in sa utak ko.
"Paki-ulit nga, 'di ko magets eh," biglang sabi ni Kenji.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ito na ba 'yung sinasabi ko sa kaniya o talagang hindi lang niya maintindihan 'yung lesson. Ewan ko, mahirap basahin si Kenji. Pero kahit ano man 'yon tumatagal pa rin naman ang pagrereport nila at nawawalan na ng oras.
Inulit ni Courtney 'yung sinabi niyang paliwanag kanina. Pasimple akong tumingin sa relo ko, five minutes na lang time na.
Nakahinga ako ng maluwag at umayos ang takbo ang utak ko.
"Thank you for your report, bukas na lang 'yung sa origin of our Sun," paliwanag ni ma'am. Napangiti ako kay Steven at binigay na niya sa akin 'yung cellphone ko. Nagpaalam na si ma'am at lunch na namin.
BINABASA MO ANG
Sana Akin Ka (completed)
ContoSimple lang naman 'to. Gusto kita, gusto mo ako. Tapos na sana ang usapan, kaso nandiyan siya. Siya na nagmamay-ari sa'yo, siya na mahal ka at naiwan ako rito. "Mahal kita, mahal na mahal pero mahal mo pa rin pala siya." wraithlike_ 2020.