2

223 12 0
                                        

"I love you."

"I love you nga eh," banggit niya sa akin. Ayan na naman siya, nang-aasar na naman. Wala ba talagang magawa sa buhay 'to?

"Uy Mavi, I love you."

'Wag mo na lang siya pansinin, titigil din 'yan.

"Pst, pst," tuloy pa rin ang pangungulit niya sa akin. Isa na lang, isa na lang talaga at papatulan ko na 'to.

"Uy, I love you na kasi."

"Oo na nga, sige na. I love you too," banggit ko at napatahimik siya. Halata ang gulat sa mukha niya at bigla akong napangisi.

Tignan mo, titigil ka rin pala.

"Sabi ko na nga ba eh, mahal mo na ako," asar niya sa akin at sinundot-sundot pa ako sa tagiliran. Ito talagang lalaking 'to, ang daming kalokohan.

"Mahal ko naman talaga kayong lahat 'no," dipensa ko.

Totoo naman kasi, pamilya na ang turing ko sa kanila. Magmula no'ng magsimula 'tong school year na 'to, parang naging kapatid ko na ang mga kaklase ko. Sobrang close ko na sa kanila.

"Ba't kami? Dapat ako lang," sambit niya na ikinagulat ko. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ano'ng kalokohan na naman 'to?

Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya?

"Ano?"

"Wala, ang sabi ko dapat ako lang, okay? Seloso ako eh," pagpapatuloy niya. Nang-aasar na naman ba siya? Pero bakit gan'to ang nararamdaman ko?

"Hay nako, tigilan mo ako ha. Akala mo naman talaga—"

"Bakit Mavi? Gusto mo bang totohanin ko 'to? Puwede naman eh," napatigil ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kaniya at napalunok. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na sabihin.

Ano bang ginagawa mo sa akin?

"Ano'ng pinagsasabi mo? Umayos ka nga."

"Bakit? Baka lang naman gusto mong totohanin natin 'to. Baka—"

"Good morning class," biglang bati ng subject teacher namin.

Napatigil si Steven sa pinagsasabi niya at sabay-sabay naming binati ang teacher namin. Nakahinga ako ng maluwag.

Buti na lang.

***

Lumipas ang buong araw na halos nakatunganga lang ako at inaantay na lumipas ang oras. Inayos ko na ang mga gamit ko at pilit na inaalala kung may mga dapat bang gawin o dapat tapusin.

"Merienda tayo?" tanong sa akin ni Mira. Nakaligpit na siya ng mga gamit niya at handa na umalis.

"Magtinapay na tayo, tara. Dalian mo Mavi," pag-aaya ni Courtney. Itong dalawa talaga. Nilagay ko na sa bag ko ang mga bagay na sa tingin ko kailangan ko at umalis na kami. Sinarado ko ang pinto at nilock 'yon.

Naglakad na kami papunta sa bakery na malapit sa school. No'ng makarating kami, pumili na kami ng tinapay na bibilhin at nag-ambagan sa isang bote ng soft drinks. Nanghingi kami ng tatlong supot at hinati 'yon sa amin. Mas makakatipid sa ganito eh.

"Maraming salamat po," sabay-sabay naming banggit matapos naming mabalik ang bote ng soft drinks.

Naglakad na ulit kami pabalik sa school. Kinain namin ang mga binili namin habang nagkukuwentuhan. Tuwing hapon, tuwing uwian, ganito palagi.

"Oo, tapos 'yung sa personal development? Grabe."

"Pero maganda naman 'yung mga quotes na binibigay ni ma'am, 'di ba?" sabi ko.

Sana Akin Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon