PAALAM

39 3 1
                                    


Ang tanging gusto ko lang ay ang makasama ka
Wala na akong hangad kundi ang mahalin ka
Sa umpisa pa lang alam kong ikaw lang at Wala ng iba
Alam ko sa puso ko sayo lang ito titibok ng walang pangamba

Sa bawat pagbigkas ko ng iyong pangalan puso ko ay sumasaya
Sa kunting pagkislap ng iyong mga Maya batid ko'y ika'y masaya
Sa bawat pagkibot ng iyong bibig ako'y natutulala
Dahil araw-araw kong naiisip ang mahalikan ka

Hindi mo man batid kong gaank kita kamahal
Pero sa araw-araw ito'y aking pinagdarasal
Ang masilayan ang iyong ngiti at ang matikman ang iyong matamis na labi
Puso ko'y tumatalon sa tuwa at may ngiti sa labi
Dahil alam ko ako ang dahilan kong bakit ka ngumingiti

Ang pagmamahal na alay ko sa'yo ay walang kapantay
Kapalit man ay buhay
Hinding-hindi ako mag-aatubili
Dahil mahal kita at walang halong pagkumunwari

Aabutin man tayo sa pagkatanda
Ako'y nangangakong hindi ka mag-iisa
Dahil sasamahan kita hangga't sa makakaya
Sabihin man nilang ako'y isang tanga
Dahil ako'y tanga na umibig sa iyo aking sinta.

Dadaan man ang maraming bagyo
Hindi ako susuko
Dahil alam ko ikaw ang sandalan ko
At Hindi ako magpapatalo

Kong ang buhay ko ay hindi magtatapos sa tayo
Mas nanaisin kong tapusin nalang ito sa maghihintay ako
At nananisin ko ang salitang pursue kaysa maghihintay ako
Dahil ang pursue ay may possible pang maging tayo

Nang sinabi ko ang pursue ay pinursue nga kita
Pero bakit bigla kang nawala
Iniwan mo ako na parang bula
At hindi kana nagpakita

Nagdaan ang ilang taon
Batid ko sa puso ko ika'y nakabaon
Pangalan mo'y nakaukit sa aking isipan
At hindi kayang ipagpalit kanino man

Nagdaan ang ang ilang taon
At isang araw bigla nalang tayo magkasalubong
Ako ay napatulala ngunit ako sayo ay balewala
Ako'y labis na nasaktan dahil sa iyong pinakita
Kaya heto ako ngayon umiiyak ng walang luha

Akala ko dahil sa iyong ginawa
Ang nararamdaman ko para sa'yo ay mawala
Ngunit mali iyon sa aking inaalala
Dahil mas lalong nasaktan ako sa mga narinig kong balita
Ikaw pala ay may iba ng jowa

Paano mo ako nakalimutan
Paano mo ako napalitan sa iyong puso at isipan
Paano mo ako nagawang talikuran
Habang ako ay iyong pinangakuan
Nang habambuhay na pag-iibigan

Kong maibabalik ko lamang ang mga panahon
Ikaw ay aking iiwasan para ako'y hindi iyong masaktan
Ngunit hindi ko na maibabalik ang araw na iyon
sapagakat ang nangyayari ay ang sa ngayon

Katotohanan ay pilit winawaglit
Sa puso at isip ko ay pilit kong pinagkait
Ang katotohanan na ako'y iyong pinagpalit
Ang katotohana na pilit kong tinatanggi
Dahil alam ko sa puso ko ikaw lang ang tinatangi

Aking mahal ako'y magpapaalam na
Marahil hindi mo alam ako'y mawawala
Ako man ay mawawala ngunit pagmahahal ko sa iyo ay maiiwan
Sa pagpatak ng ulan
Sa pagtuyo ng mga dahon
Katawan ko'y ihihimlay
Sa lugar kong saan tayo ay nangako sa isa't Isa
Hindi ako mangangakong babalik sa iyo
Dahil alam kong sasaktan mo lang ako
Ngunit hindi ako nagsisisi na misa'y minahal ka
Dahil dahil sayo ako ay sumaya

Huwag mo akong iyakan
Huwag mo akong hihinayangan
Huwag mo akong yayakapin
Dahil ayokong maaaalala ang huling yakap at pamamaalam mo sa akin

Hawakan mo lang ang kamay ko
Sabihin mo lang na minsan ay minahal mo ako
Hagkan mo lang ako
Para mapalaya ko na ang aking puso

Sa paglaya ng aking puso hangad ko ang maging masaya ka
Mas masaya pa kesa nasa mga bisig kita

Paalam

     SU VEGANZA (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon