Reminder:
Ang kuwentong ito ay hindi pa na edit at sa bawat mababasa ninyo ay maaaring makakita kayo ng maraming mali. Salamat sa pagbabasa ng unedited story ko. God bless. 🙏😇
Ilang beses akong nagtangkang kausapin so Steffen ngunit sa bawat pagbuka ko ng aking bibig ay nilalaksan niya ang music sa loob ng kotse kaya tuloy mukhang may diskohan sa loob nang kotse namin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya basta ang alam ko lang hindi siya si Steffen na pinsan ko at lalong-lalo na Asawa ko. Ilang beses na kaming nag-away pero never niya akong ginanito yong kausapin ko siya tapos lalaksan niya ang volume nang stereo dati kapag nag-aaway kami sa loob nang kotse pinapatay niya ang stereo para magkarinigan at magkaintindihan kami pero ngayon baliktad. Galit ba siya sa akin? As in galit na galit ba siya sa akin? This is new to me kaya hindi ko alam kong paano nagreact sa attitude niya na pinapakita ngayon. Nagalit ba siya dahil sa iniwan ko siya kanina at nagtago sa kung saan pero gawain ko na ang layasan siya sa party at ang magtago kung saan saan. Ilang party na ang ginanito ko kahit noong sa Spain pa kami lagi akong nawawala sa tabi niya para maghanap nang tahimik at payapa na lugar para na rin makaiwas sa mga kaibigan at kasosyo nitong Espanyol. May tagpo kasing pinahalik siya ng mga kaibigan niya sa akin sa labi at nagulat pa kami pareho noon at oo nagawa nga namin yon pero ang hindi nila alam na nakaharang ang thumb ni Steffen sa lips naming dalawa mabuti nalang at mabilis mag-isip at mabilis gumalaw si Steffen kaya hayun paniwalang-pamlniwala ang mga kaibigan niya sa relationship namin. Steffen is a perfect catch yon nga lang mas gusto niya ang tumandang binata kesa daw magahanap nang babaeng sakit sa ulo. Sakit daw sa ulo ang love life. Talagang masakit kapag babae ang hahanapin niya e pusong babae din siya. Pero kahit bakla siya never ko siyang nakita o narinig na nagjojowa. Nagpiflirt siya minsan pero hanggang doon lang yon. Ewan ko ba Kung bakit siya ganito masyado siyang maingat sa sarili. Maingat nga ba o talagang may tinatago lang o baka naman nasaktan na dati. Naghosting? Hmm.
"Steffen." tawag ko sa kanya nang ihinto na niya sa tapat ng bahay namin ang kotse ngunit hindi niya ako pinansin o nilingon man lang bagkus lumabas ito ng kotse at hindi man lang ako pinagbuksan nang pinto ng kotse at tuloy tuloy lang itong pumasok ng bahay na tila hindi ako narinig. Galit nga talaga siya sa akin. Anak ng patis naman o, ano naman kaya ang kasalanan ko sa kanya? Mabilis akong lumabas nang kotse para habulin siya pero pagpasok ko sa loob kalongkalong na niya si Lian dahilan para maisantabi muna ang problema sa naming dalawa.
"Hi sweetie, how are you?" nakangiti kong bati sa anak ko habang lumalapit sa kanilang dalawa ng daddy Steffen niya. At nang marinig Naman ni Lian ang boses kaagad namang tumingin ito sa direksiyon at kitang-kita ko sa mga mata ang tuwa nang makita ako. Si Lian lang talaga ang tagapawi ng mga nararamdaman ko. Siya talaga ang totoong gamot ko ang vitamins ko sa araw-araw wala ng iba.
"Hola mama." bati naman sa akin ni Lian sabay baba sa braso ni Steffen at lumapit sa akin sabay yakap at halik sa pisngi ko.
"I miss you sweetie babe." ani ko sa anak ko sabay buhat dito at pinogpog ng halik sa pisngi.
"I am fine mama. Abuelo never stop to kulit me and I am tired." kuwento sa akin ng mabait at pogi kong anak habang nakayakap sa akin. Tinignan ko si Lian saka nagsalita.
"You need to rest na mag-uumaga na gising ka parin." ani ko sa kanya.
"Nakatulog na yan nagising lang nang marinig ang pagdating niyong dalawa." sagot Naman ni papa na siyang galing sa kusina at may bitbit na baso ng tubig.
"Good evening papa." nakangiti kong bati kay papa Santino habang si Steffen naman ay tumango lang sa kanyang ama at umakyat na. Palihim kaming nagkatitigan ni papa Santino at suminyas sa akin kong ano ang nangyari kay Steffen at dahil hindi ko alam ang nangyayari kaya nagkibit balikat nalang ako.
BINABASA MO ANG
SU VEGANZA (Ongoing)
RomanceAt first, the only he wants is to get revenge to her but sometimes love is very surprising and instead you want to get your revenge you fell in love to the person who you want to hurt dahil ama nito ang dahilan kongbakit namatay ang kanya sana'y mag...