Natatawa ako kasi pareho tayong tinitinignan or basehan kung maganda, tapos na o kaya kung may sequel ang kwento. Alam mo yon? Yong titignan natin ang last page or ending. Hehehe. Ganon din kasi ako. Sa iba diyan baka naman may suggestion kayo diyan, comments and like lang po kung feel niyo lang.😁🤟Halos babanggain ko ang gate ng bahay ni Alejandro dahil sa pagmamadali ko. Hindi ko na inantay pang mapagbuksan ng gate at inakyat ko na ito. Hindi ko alam kong nasaan na ang dalawang guard dito na dapat nagbabantay sa harap. Paano nalang kung may mga loko-lokong pumasok sa bahay na to hindi man lang nila magampanan ng maayos ang obligasiyon nila. Mabilis kong naakyat ang 6ft. na bakod nila ni Alejandro at ngayon nhihirapan ako bumaba putcha naman o. Dahil sa no choice na talaga ako at kailangan ko nang makapasok sa loob kaya tinalon ko lang para mas mabilis. Mabuti nalang at hindi pangit ang aking paglanding at hindi ako nabalian pero ramdam ko ang sakit ng aking mga paa. Hindi muna agad ako tumayo at pinakiramdaman ko ang aking mga paa ng isang minuto at nang medyo okay na tumayo na ako at tinakbo ang pinto. Labis ang pasasalamat ko at bukas ang pinto at nang makapasok na ako sa loob doon ko nakita ang dalawang guard na pababa ng hagdan. Nagkagulatan pa kami mabuti nalang at kilala nila ako. Well, ang tungkol diyan ay hindi ko pa alam.
"Ma'am mabuti naman at mabuksan niyo ang gate may susi po ba kayo ma'am?" tanong sa akin ng isang guard.
"Wala. Inakyat ko lang ang gate. Sino ba ang marunong magmaneho sa inyo drive my car in." ani ko sa kanila sabay tapon sa kanila ang susi bahala na sila kong sino ang makasalo sa kanila basta makita ko lang si Alejandro. Kahit pag-akyat ko ng hagdan ay takbo parin ako di naman ako mahuhulog dahil nakahawak naman ako sa gilid. Mabilis akong umikot sa aking kanan pagkaakyat ko ng hagdan nasa kanan kasi ang kuwarto ni Alejandro at kabisadong-kabisado ko iyon. Ngunit ang pinagtataka ko lang bakit maingay ang dito sa bandang kaliwa ko kong saan naroroon ang dati kong kuwarto. Mabilis akong naglakad pakaliwa at kinalimutan ko na ang kuwarto ni Alejandro. Hindi ko alam kong bakit sa bawat paghakbang ko ay tumatambol ng malakas ang puso ko dahil ba sa habang papalapit ako narinig ko ang iyak ng dalawang babae? Hindi ko alam kong ano ang nangyayari pero sa bawat pag-iyak ng mga ito ay tila pinipiga ang aking puso. Napahinto ng mapagtanto ko na talagang sa dating kuwarto ko nanggagaling ang iyakan ang kanina na sabi ay parang ngayon Isa nang katotohanan. Nakatayo ako sa labas ng pinto ng dati kong kuwarto at hindi ko mapigil ang pagtulo ng mga luha ko habang unti-unting bumabalik sa akin ang nakaraan. Bumabalik sa akin ang sakit ng dati. Ang lungkot ng nakaraan at ang pagtawa ko sa nakaraan ang pagmamahal ko sa taong aking naging nakaraan ay bumalik din. Nakikita ko ang aking sarili na nasa ilalim ng mga bisig ni Alejandro nang minsan siyang natulog sa tabi ko, ng minsan kami nagharang ngbmga unan sa pagitan namin ngunit kalaunan ay nauwi sa sahig. Ang nakaraan, ang gabi na may nangyari sa amin at si Lian. Hilam sa luha ang mga matang kong naglakad paloob ngunit bigla din akong napahinto ng makita ko si Agatha na nakayakap kay Alejandro. Muling nanumbalik ang mga tagpo nila noon sa aking isipan. Mga tagpong paulit-paulit akong nasasaktan at pinapatay ang mga tagpong akala ko ay isa sa paghihiganti lang pero sa kalaunan ay naging totoo na. Naalala ko pa noon kong paano halikan ni Agatha si Alejandro. Kung paano siya alagaan at protektahan ni Alejandro laban sa akin. Naalala ko pa noon, yong mga panahong natutulog silang dalawa na magkatabi sa kama. Ang sakit. Ang sakit sakit hanggang ba sa ngayon ay masasaktan pa rin ako? Nasasaktan parin ako. Habang nanood ako sa kanilang tagpo ay pumasok sa ko ang umalis nalang ngunit kaya napaatras ako ng isang beses ngunit natigil ito ng magtagpo ang aming paningin ni Alejandro. Nakita ko ang pagkagulat niya na nagpagulat din sa akin. Nakita ko ang tila walang buhay niyang mga mata na nagpakirot ng aking dibdib. Nakita ko ang paghihirap sa mga mata niya kahit hindi siya nagsasalita. Nakita ko sa mga mata niya ang pagsisisi at higit sa lahat nakita ko sa mga mata niya ang pangungulila at pagmamahal. Bakit ganon? Diba kasama niya si Agatha palagi bakit siya malulungkot? Bakit siya mangungulila bakit siya nahihirapan? Napakurap ako ng ilang beses ng makita kong pilit na ngumiti sa akin si Alejandro. Hindi ko alam kong ano ang nangyayari bakit sila umiiyak kay Alejandro? Si Nanay Mildred umiiyak habang hawak-hawak ang isang kamay ni Alejandro pareho silang nakatalikod sa akin kaya hindi nila alam ang aking pagdating ni hindi nga nila ramdam ang aking presensiya dahil busy ang mga ito sa pag-iyak kay Alejandro. Napanganga ako kasabay ng paghinto ng pagtibok ng aking puso ang pagpikit ng mga mata ni Alejandro kasabay ng paglakas ng iyak ni Nanay Mildred at Agatha.
"W-what happened?" bahaw kong tanong sa kanila ni nanay Mildred at Agatha ng makalapit na ako sa kanila. Kapwa silang napatingin sa akin ngunit ang hindi ko inaasahan sa lahat ay ang pagyakap sa akin no Agatha at umiyak ng umiyak sa aking balikat habang ako naman ay naguguluhan at hindi ko alam ang aking gagawin. Kung gagantihan ko ba ang pagyakap sa akin ni Agatha o itutulak ito. Nawala ang lahat ng iyon sa isip ko ng bigla ding yumakap sa amin si nanay Mildred habang nagsasalita habang umiiyak.
"M-mabuti at dumating ka anak. M-matagal kana naming inaantay na umuwi." wika nito sa akin habang umiiyak parin. "Namimiss kana namin, namimiss kana no Alejandro." wika ulit nito dahilan para mapatingin ako sa natutulog na si Alejandro.
Kumalas si Agatha sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Pinunasan muna nito ang mga luhang nagpapalabo sa paningin nito at muli akong hinarap.
"Let's bring Alejandro in the hospital." ani nito sa akin saka umalis sa harapan ko at kumuha ng travel bag saka binuksan ang kabinet. Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang laman ng kabinet na dati ay mga damit ko ang nakalagay pero ngayon mga damit na ni Alejandro ang mga nakasabit. Mabilis akong lumapit sa kabinet at binuksan ang isang pa at napatigil ako ng makita ko ang dati kong mga gamit na nandon parin nakalagay at kitang-kita ko ang malinis na hitsura nito. Napatingin ako sa isang kulay green na gown na nakasabit at nakabalot sa plastic.
'That's my gown.' ani ko sa sarili ko at napatingin ako kay Agatha na hindi ko alam na nakatingin din pala sa akin.
"He loves you." ani nito na may ngiti sa labi. "He loves you very much." ulit nito saka humagolgol sa pag-iyak. "He loves you since then but because of me hindi niy ito nasabi sayo. Hindi niya ito naiparamdam sayo. I'm sorry." umiiyak na wika sa akin ni Agatha.
"Anna, Agatha bilisan niyo diyan." natatarantang wika sa amin ni nanay Mildred. "Kailangan na natin dalhin si Alejandro sa hospital." si Nanay Mildred ulit. Nang marinig kong kailangan dalhin sa hospital si Alejandro ay mabilis akong lumapit sa kanya at hinipo ang noo nito ngunit isang malakas na sigaw mula Kay Agatha ang narinig ko.
"Don't touch his head!" sigaw nito sa akin na nagpatigil sa akin.
"Why?" nagtataka kong tanong kay Agatha at Nanay Mildred.
"He has a bullet in his head na kailangan ng tanggalin para mabuhay siya pero nakapakaliit ng tiyansang iyon." wika sa akin ni Agatha na nagpatigil ng aking mundo at nagpahina ng aking mga tuhod dahilan para bumigay ito.
"Bullet? Maliit ang chance? Mabuhay?" wika ko habang nangangapa sa sahig.
"He's dying."
______
Not edited.😭😭😭
BINABASA MO ANG
SU VEGANZA (Ongoing)
RomansaAt first, the only he wants is to get revenge to her but sometimes love is very surprising and instead you want to get your revenge you fell in love to the person who you want to hurt dahil ama nito ang dahilan kongbakit namatay ang kanya sana'y mag...