Dalawang linggo na ang nakaraan nong huling nakontak ko si Steffen at ang sekretarya pa niya ang nakausap ko sa phone ano na kaya ang nangyari sa lalaking yon. Nakakabahala na siya gusto pa yata niyang bigyan ako, kami ng sakit sa puso dahil sa pag-alala sa kanya. Hindi na pwede to paghindi pa siya tumawag ngayong araw na to uuwi ako sa Pilipinas. Baka kong ano na ang nangyayari don sa kanya at wala kaming kaalam-alam. Paano kong ginugutom na naman niya ang sarili niya dahil sa trabaho niya napakaworkaholik pa naman ng taong yon. Paano kong napalaban sa inuman yon hindi pa naman matibay ang sikmura non sa mga hard drinks talo ko pa nga yon sa inuman e.Pinatay ko ang TV na kanina pa umiingay na lalo lang nagpapakaba sa akin lalo na itong napapanood kong kidnap-an naku pangit mang isipin at sabihin pero talamak sa bansa ang ganon lalo na pag-alam nilang mapera ka. Kinakabahan na talaga ako sa taong yon. Tumayo ako at dumiretso na sa aking silid para mag-impake ngunit bago ko pa man ginawa ang pag-impake nagbook muna ako ng ticket papuntang Pilipinas. Direct flight ang kinuha ko dahil sa gahol na sa oras ayoko nga mag-connecting flight pa mas tatagal pa ako doon dahil mag-aantay pa ako ng ilang oras bago umalis. Wala akong pakialam kahit magbabayad pa ako ng isang million makarating lang ng Pinas. Sinalansan ko sa dalawang maleta ko ang mga gamit na kailangan ko pagdating ng Pilipinas kahit doon na ako mamili ng iba ko pang gamit. Kinuha ko ang blue kong backpack normal size lang at ipinasok doon ang personal belongings ko at ang pinaka-importante sa lahat ay ang passport ko ID's at cash kahit sa airport nalang ako magpapalit ng Philippine money. Pagkatapos kong mailigpit lahat ng kakailanganin ko sa aking pag-alis kailangan ko munang magpaalam kay papa at sa baby boy ko kaya mabilis kong pinuntahan ang silid ni papa para kausapin siya at alam ko din na nandon si Lian dahil ang Lolo lang niya ang kalaro niya maghapon dito sa bahay. Hindi kasi pumunta ang dalawa niya kaibigang si Isabella at Marcus. Ang dalawang bata lang na iyon ang kasundo ng anak ko dahil may ugali itong istrikto na mayron din ang dalawang iyon minsan nga may pagkamaarte pa. Halos magkaugali ang tatlong yon e at matanda na kong mag-isip minsan nga nag-uusap ang mga iyon tungkol sa negosyo na akala mo matanda na.
___
Pa, bakit hindi pa tumatawag si Steffen hanggang ngayon?" nag-alalang tanong ko kay papa habang labis ang pag-alalang nararamdaman para Kay Steffen. Hindi kaagad sumagot si papa sa akin bagkus tinitigan niya lang ako saka huminga ng malalim bago sumagot sa akin na may pag-alala ring mababaangan sa boses nito kahit hindi pa niya aminin sa akin na nag-alala din ito sa kanyang anak.
"He's a big man and very responsible person kaya alam na niyang nag-alala ka lalong-lalo na itong si Lian." sagot nito sa akin at bahagyang ngumiti kay Lian sabay gulo ng buhok ng kanyang apo na kaagad namang iningusan ni Lian.
"Don't do that again, abuelo." ani ni Lian sa kanyang lolo na pinaliitan pa ang kanyang mga matang tumingin dito.
"Es demasiado tarde". sagot naman sa kanya ng kanyang lolo at muling ginulo ang buhok ni Lian na siya namang pag-iiwas dito.
"No!" sigaw naman ni Lian sabay takbo palayo sa Lolo niya na tawa ng tawa sa kanya at pati ako napatawa na rin sa kanilang dalawa.
"He's afraid when I'm messing his hair." papa said while holding his tummy and laughing that hard and as I am.
"He's cute." ani ko naman habang nakangiti pa rin ng malaki.
"Yeah. Very." sagot naman sa akin ni papa saka sumeryoso ang mukhang tumingin sa akin.
"Thank you for coming into our lives--seryosong wika niya sa akin at medyo lumungkot ang mukha.---if you and Lian aren't here siguro nag-iisa na naman ako kasama ng katulong natin. Alam mo bang binigyan mo ng kulay ang bahay na ito lalo na ng dumating si Lian sumaya ang buhay ko at ang buhay ni Steffen. Mas nabigyan ng buhay si Steffen at ang bahay na ito. Lalo na ako dahil sa nagkaroon ako ng apo." mahabang wika nito sa akin na nagpapintig nang puso ko ng malakas dahil sa tuwa.
"Thank you. And I promise that I am always here when it comes to you and my grandson." ani niya ulit sa akin na naantig ang aking puso saka siya tumayo at bago pa man siya tuluyang umalis tinapik tapik pa niya ng dalawang beses ang aking balikat saka tuluyang umalis sa tabi ko ngunit bago pa man siya lumayo ng tuluyan ay nagsalita na ako.
"Thank you, papa." taos puso kong pasalamat kay papa.
"Thank you very much."
"Don't mention it. I know you are wanted to follow Steffen in the Philippines---lumingon sa akin si papa at tuwid na tumayo---go and don't mind Lian I can handle him for a while." ani sa akin ni papa sabay wink sa akin at iniwan na ako ng tuluyan sa sala. Haha. He knows what's on my mind.
"Thank you papa." pahabol kong sigaw kay papa sabay takbo ko paakyat sa aking silid at walang pakundangan sa pagkuha ng mga damit kong nakahanger at inilapag ito sa ibabaw ng aking kama. Kinuha ko ang dalawang maleta ko na nakatago sa ilalim ng aking kama at mabilis binuksan ang mga ito at isinalansan sa loob ng maleta at muling isinara ang dalawang maleta. Pagkatapos kong maayos ang lahat na gamit ko kinuha ko ang aking blue backpack at inilagay doon ang aking mga personal na gamit. Pagkatapos kong mailigpit lahat ng gamit ko kinuha ko ang aking cellphone ng tumunog ang aking SMS ringtone. Binuksan ko ang text at laking tuwa ko ng mabasa ko ito.
From Papa:
"Get your ticket in your door steps. And, please make us dish before you leave. Thank you." anang text ni papa sa akin. Ang matandang talagang to maraming pakulo napakadali naman sanang i-abot sa akin ang ticket may pa lagay-lagay pa siya sa pintong nalalaman. Nakangiti akong lumapit ng pinto at binuksan ko ito ng mabuksan ko na ang pintuan nakita ko ang isang envelope na nasa sahig kaya pinulot ko ito at tinignan isa-isa. Nakita ko ang aking pangalan.
"Analia Perez Saunders, 30 years old. And, wow, nakaprivate suit ako. Mas gusto ko nga sanang mag-economy para makipagsalamuha sa maraming tao. Hayst. I-cancel ko na nga lang Ang ticket kong pinabook malakas kasi ang radar ni papa. "
______
"Stop!" Lian shouted out habang pilit pinipigilan ang pangingiliti ng Lolo niya sa kanya.
"N-no ne-necesitas m-mivida."
(Huwag mo akong kilitiin) tumatawa at paputo-putol na wika ni Lian sa kanyang Lolo Santino.At iyon ang huling narinig ko bago ako lumabas ng bahay para puntahan si Steffen sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
SU VEGANZA (Ongoing)
RomanceAt first, the only he wants is to get revenge to her but sometimes love is very surprising and instead you want to get your revenge you fell in love to the person who you want to hurt dahil ama nito ang dahilan kongbakit namatay ang kanya sana'y mag...