CAPITULO BIENTE TRES

18 0 0
                                    


Salamat nga pala sa mga nagbasa at nagbabasa nang HIS REVENGE naka-1k na po siya. Sa mga babasa pa lang, advance Salamat po.🙂 Leave comments and like please.🤟🤟🤟

Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting binubuksan ang envelope nang bigla nalang tumunog ang telepono kaya hindi ko natuloy ang pagbukas nang envelope which is ayaw ko ring buksan dahil natatakot ako sa kung ano ang aking nakikita o mababasa. Hindi pa ako handa sa malalaman ko baka hindi ko mapigil ang sarili ko. Ayoko nang bumalik sa dati pero parang ang tadhana ang pilit akong ibalik sa nakaraan. Dati naniniwala ako sa tadhana pero ngayon ay hindi ako dahil narealized ko na ang mga desisyon natin ang siyang gagawa nang dahilan para sa ating kasiyahan at kalungkutan. Kung gusto mong manatili sa nakaraan sa tingin yon ang nakaset sa utak mo pero Kung na set ang utak mo for moving on then magagawa mo. Hindi si tadhana ang may akda o may gawa sa mga nangyayari sa buhay natin kundi ang pagawa natin nang desisyon. Kaya nga laging sinasabi sa atin o tinatanong sa atin kung sure na ba tayo sa desisyon natin kung tama ba ang desisyon natin dahil sa bawat pagpili natin ng desisyon nakaakibat don ang sakit, pait, pagsuko, pagbangon at pagpili nang sa tingin mo ay tama. Noong mga panahong umalis ako sa buhay ni Alejandro ay natuto akong ngumiti, tumawa at sumaya. Pero sumaya nga ba ako? Sa tingin ko oo dahil nong mga panahong iyon ay limot ko ang aking nakaraan at hindi ako nakaramdam ng kulang pero may mga gabi talaga na binabangungot ako at iyon dati ko alam at hindi ko maintindihan pero yon pala ay ang aking nakaraan. Minsan mas pinipili nating masaktan kasi doon tayo masaya pero ang tanong masaya nga ba talaga tayo sa pinipili nating desisyon o nasasaktan ka pero pilit mo lang tinatanggi sa sarili mo dahil sa gusto mo siya, mahal mo siya at kaya pa. Gusto mo siya pero gusto ka ba niya? Mahal mo siya pero mahal kaba niya? Pinaglaban kaba o ikaw lang ang lumaban at lumalaban? Pinakamasakit yong lumalaban ka pero siya hindi ka pinaglaban. Yong lumalaban ka pero siya matagal nang huminto na ilaban ka. Bakit ko nga ba sinasabi ang ipaglaban niya ako e sa una palang binitawan niya na ako? Paano ko nga ba masabi na mahal niya e sa una palang sinabi niya na sa akin na hindi niya ako mahal at pinagmukha pa niya na kahit kailan hindi niya ako mahal o mimahal. Masakit diba? Tanga lang diba? Pero nagmahal lang ako diba? Sana katulad din ng ibang love story may happy ending pero bakit pakiramdam ko hanggang pangarap nalang yon? Ang hirap diba? Ang sakit diba? Ramdam niyo rin ba? Isa rin ba kayo sa akin na handang maging tanga dahil sa pag-ibig? Mahirap talaga umibig no? Kung may happy ending Lang sana ang lahat siguro masaya. Siguro walang away. Siguro walang masasaktan. Siguro walang Analia na umiiyak. Siguro hindi ako nasaktan at hanggang ngayon nasasaktan parin. Pero ang tanong pinagsisihan ko ba? Pinagsisihan ko ba na nakilala ko si Alejandro? Pinagsisihan ko ba e ikinasal ako sa kanya? Pinagsisihan ko ba mimahal ko siya? Alam niyo Kong ano ang sagot ng puso ko? Ang sagot ng puso ko ay hindi pero ang sagot ng utak ko minsan ay oo. Pero alam ko naman na mas pakikinggan ko ang puso ko at isang nakapamalaking mali para sa akin ang sabihin kong nagsisisi ako. Bakit? Bakit ako magsisisi kong nabigyan namn ako ng anak? Bakit ko naman pagsisisihan na nakilala ko si Alejandro? Bakit ko naman siya sisisihin sa nangyari sa akin kong alam ko una palang na mahal ko siya at kung alam ko una palang blessing na siya. Dahil sa kanya nagkaroon ulit ako ng pamilya dahil sa kanya natuto akong pumili ng mga rason para sabihin sa lahat na I am blessed. I am bless to have him in my life that's because he give me my Lian. Lian is not a mistake, my Lian is my blessing. Siguro ang pagkakamali ko kung sakasakali ay yong hindi pagtiis kay Alejandro kasi kung nilayasan ko siya kaagad e di sana hindi kami nakagawa ng Lian ko.

Napabalik ako sa aking sarili nang muling tumunog ang telepono hindi ko namalayan na ilang beses na pala itong tumutunog at walang may sumasagot. Mabilis akong lumapit sa telepono at sinagot ito.

"Saunders residence good evening." sagot ko sa telepono.

"H-hello. Hello nandiyan ba si Analia?" anang boses ng babae na halatang umiiyak dahil sa garalgal ito. Napatingin ako sa telepono na hawak ko habang nagtataka at pilit inaalala kong kaninong boses ito parang pamilyar kasi ang boses niya.

"Hello. Hello." ana ulit ng babaeng umiiyak mula sa kabilang linya. Wait. Is this nanay Mildred?

"Nanay Mildred ikaw ba to?" kunot noo kong tanong sa babae na nasa kabilang linya.

"Diyos ko anak. Ikaw ba to? Please anak pumunta ka dito sa bahay si Alejandro. Bilisan mo." umiiyak pa rin na wika sa akin ni nanay Mildred at kasunod non ay ang paghagulgol nito. "Please anak pumunta kana dito nagmamakaawa ako." punung-puno ng pagmamakaawang wika ni nanay na nagpakaba sa akin.

"What happened? Anong nangyari kay Alejandro? Is Agatha still there? What should I do?" natataranta kong tanong kay nanay Mildred. "Nanay do I need to come there? Oh wait. I am going. Bye." ani ko sabay baba ng telepono sa cradle at natataranta kong ano ang aking gagawin. Mabilis kong kinuha ang akong bag na ginamit kanina at kinuha ko sa loob ang aking wallet at cellphone pati ang susi ng kotse at inilipat ito sa maliit na puti kong sling bag at isinukbit na ito sa aking balikat. Tatakbo na sana ako palabas ng napansin ko ang aking suot na kulay gray na pantulog at wala pa pala akong suit na bra. Mabilis kong tinanggal ang aking maliit na sling bag at sinunod na tinanggal ang aking suot na pantulog. Kumuha ako ng isang bra at hinugot ko ang isang plain white T-shirt at isang walking short. Pagkatapos kong magbihis kaagad kong isinukbit ulit ang aking sling bag saka tumakbo na palabas ng aking kuwarto at palabas ng bahay. Mabilis kong pinaandar ang aking kotse at bumosena ng malakas para mabuksan kaagad nang guard ang gate. At nang mabuksan na ng guard ang gate ay mabilis kong minaneho ang kotse habang ang kaba sa aking dibdib ay mas mabilis sa takbo ng aking kotse at sa lakas nang ugong ng aking sasakyan. I don't know what happened pero feeling ko may masamang nangyayari. Feeling ko sasabog na ang puso ko sa kaba at sasabog na ang utak ko sa sobrang dami ng iniisip. Hindi ko alam ang nangyayari kasalanan ko rin dahil hindi ko naman tinanong si nanay Mildred basta ko nalang siya binabaan ng telepono kanina. What happened Alejandro? Okay ka lang ba? Is there anything wrong with you and Agatha?

"Oh shit. Nakalimutan kong magpaalam kay Steffen. Putik." ani ko sa sarili nang maalaala kong lumayas lang ako kaagad at hindi nagpaalam. Kinuha ko ang aking cellphone sa akong bag timing dahil nagred light kaya pwede akong humawak ng cp. Mabilis kong binuksan ang aking inbox at nagtype nf message kay Steffen.

"Outside. Sorry for not informing I'm in a hurry. Please take care my baby." send. At muli kong hinarap ang manibela. Mabilis lang naman ang 35 seconds na pag-aantay.

"Wait me there Alejandro."

___

My Welder Lady.

     SU VEGANZA (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon