Chapter 2

242 10 0
                                    

Mayuki's pov

Narinig ko nalang ang alarm ko. I turned it off. Bakit ba ako nagpa-alarm? Hays. Nainis ako kay Nate kahapon, pinitik ba naman ang noo ko!

Bumangon na ako at inayos ang kama ko. May lakad kami ni Nate mamaya. Lakad nalang ang tawag natin. Medyo awkward para sa akin ang date. Naghilamos muna ako sa banyo at lumabas ako ng kwarto ko, well, 8am na naman, e.

Kumatok ako sa kwarto ni Rokia. Natutulog pa kaya siya? Binuksan ko ng kaunti ang kwarto niya at pumasok. Lumapit ako sa kama niya.

Tulog pa siya. Hay nako, may good news pa naman ako sa'yo! Nakalimutan ko kasing e sabi sakanya kahapon. Pinitik kasi ni Nate ang noo ko.

"Rokia?" napalingon ako sa may pinto. Si Lolo pala.

"Gising na ba 'yan, Mayuki?" tanong ni Lolo.

"Hindi pa. Gigisingin ko ba?"

"Gisingin mo. Handa na ang breakfast sa baba. Sabihin mo sakanya nagluto ng ham."

"Okay, po."

Umalis na si Lolo. Mahina kong niyugyog si Rokia.

"Rokia," tawag ko.

"Hmmm.."

"Breakfast is ready."

"Paki ko. Busog pa ako," sabay talukbong ng kumot.

See? Kahit ako sinusungitan niya.

"Nagluto sila ng favorite mo. Ham!"

Bumangon siya at tiningnan ako. Kinukusot niya mata niya. Hays, sana bumalik na yung Rokia na less masungit.

"Anong araw ngayon?"

"Bakit? Its April 5."

Tumingin siya sa labas, nakita kong huminga siya ng malalim.

"Its been.. Ilang taon nga ba.. Three? Four? Nakakainis."

"Babalik din 'yon."

I know she misses Ace. Tagal nilang magkasama kahit bodyguard niya lang si Ace noon. Nakatatak kasi 'yon sa puso, malapit sila sa isa't-isa. Memories nila together.

"Hindi man lang gumawang komontak sa atin. Bwiset," malungkot niyang sabi.

Walang contact si Ace. Hindi namin alam kung kamusta siya doon. As far as I know, merong cellphone si Ace. Pero, feel ko, wala siyang facebook. Kasi, kahit anong search ko sa ngalan niya, wala, e.

"Nakakapagod. Gusto kong bumitaw pero, ayaw bumitaw ng puso ko."

"Mahal mo talaga siya, no?"

"Halata naman diba?"

Barang-bara ako doon. Napansin kong may tatlong bondpaper doon malapit sa bedside table niya. Kinuha ko 'yon at tiningnan. Nanlaki ang mata ko ng mapansin kung ano 'yon.

"Hey, ibalik mo 'yan."

"Teka lang, basahin ko muna."

"Ibigay mo."

"Hindi naman kita aasarin."

Humiga siya ulit sa kama niya at pumikit.

Dear Rokia Dizon,
Musta? Ang lamig dito sa America. Nag-aadjust pa ako hanggang ngayon. I'm sorry kung hindi ko nagawang sabihin sa'yo ang nararamdaman ko noong wala na kayo ni Shawn. Alam kong nasasaktan ka sa panahon na 'yon at wala ka pang balak buksan ang puso mo. Sana hindi ka galit sa akin dahil sa pag-alis ko. Sana maintindihan mo ako, Rokz. Ano, baka sa susunod na taon makauwi ako at diyan magbakasyon.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon