Rokia's pov
"Kailan ba ang kasal? Bakit hindi kaagad sinabi sa amin?!" tanong ko.
"Hehehe," tanging sagot ni Bea at kumapit kay Elric na napakamot sa batok niya.
"Teka, kailan ka ba nagpropose? Bakit wala akong alam?" yanong ni Ace. "Jhake, may alam ka?" Umiiling lang si Jhake.
We are having breakfast, I'm shocked by the news that my bestfriend is already engaged! At hindi niya sinabi sa akin! Pati si Cath at Mayuki walang alam!
"Actually, we kept it a secret. Gusto kasi namin ma surpise kayo, diba? Nasurprise kayo?" at napahagikik si Bea.
"Bakit hindi mo suot ang engagement ring?" tanong ni Mayuki.
"Oh," sabay taas ng kamay niya at ipinakita sa amin ang singsing. "Suot ko na ngayon," sabi niya na may malapad na ngiti.
"Kailan ka nagpropose?" tanong ko kay Elric.
"Uh, last month pa, Miss Rokia. Hehehe."
"Talagang hindi niyo sinabi, huh!"
"E, kasi naman, ang busy ninyong lahat! Mabuti nalang at nagkareunion tayo ng ganito," sabi naman ni Bea.
Napatawa nalang kami. Grabe, I can't believe it. She's engaged! They said the wedding will be next month. Kaya pala tinanong niya sa akin ang bagay na 'yon noong bumisita siya sa company. Psh, todo tanggi pa siya.
Since pagod ang iba dahil sa kaganapan kagabi sa club nandoon sila sa room namin at nagmomovie marathon. I'm here at the rooftop, nakaupo ako sa bench na nandito. Ang sarap ng hangin, hindi rin mainit ang panahon.
"I'm just removing your lipstick."
Argh! Walang hiya siya! Kaya pala grabe kung humalik kagabi! Chansing! Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng bench at ipinikit ang mata ko.
Bakit hindi mo tinulak?
Ikaw kaya halikan ng ganun at biglaan. Idagdag mo pa ang alcohol na nasa systema ko kagabi! Anong akala niya? Dahil noong hapon na iyon, noong hinalikan niya ako, akala niya good na kami?! Heh! No way!
Kapal ng mukha niya, sino siya sa akala niya, heh—
"Enjoying the breeze, Boss?"
Iminulat ko ang mata ko. Nanlaki mata ko dahil sa nakita ko. Agad akong napaayos ng upo.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko at lumayo.
"Binabantayan ka?"
"Ano ka? Bodyguard?! Paano mo nalaman na nandito ako?!"
"Bodyguard mo noon," sabay tawa. "Sabi nila Mayuki patungo ka ss rooftop."
"Tss."
Hindi ko naramdaman ang presensya niya kanina. Akala ko hangin lang! Shit! I need to maintain my distance!
"Gusto kitang samahan dito," sabay upo sa tabi ko.
"Hmp," tumayo ako lumayo.
"Boss, naman," naramdaman kong sumunod siya.
"Wag ka ngang lumapit sa akin!"
Tiningnan ko siya ng masama. He blinked twice at lumapit. Itinaas ko ang kamay ko.
"Diyan ka lang! Wag kang lumapit!"
Nakita ko ang pagkalungkot niya. Heh! Hindi 'yan tatalab sa akin!
"Galit ka ba sa akin dahil kagabi?"
"Tss."
"I'm sorry," sabay lapit.
BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Teen FictionYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!