Rokia's pov
"Iba talaga kapag inlababo 'no? Nadadamay pa ako," sabi ni Mayuki.
"Sasamahan naman kita kapag gusto mo isurprise si Nate."
"What?!"
Kakagaling lang namin sa isang hotel. I'm planning a surprise for Panget tomorrow. Gusto ko lang, ewan ko sakanya bakit hindi niya ako tinatanong about sa isang tanong. Ako nalang magsasabi sakanya.
Sana naman magulat siya sa surprise at maappreciate niya, dahil kung hindi, babatukan ko talaga siya!
"So, ano pala ang surprise mo kay Ace?" yanong ni Mayuki habang nakahiga sa kama ko.
I'm checking my things para bukas.
"Secret."
"Hala, ang damot!"
"Bakit ba?"
"Sinamahan kita the whole day!"
"Ikwekuwento ko nalang sa'yo sa lunes!"
Nagkibit-balikat lang si Mayuki, tinawanan ko lang siya.
Dumating ang sunday, nandito ako sa dinning table namin kumakain ng breakfast. Kasama namin si Lolo.
"May lakad ka, apo?" tanong ni Lolo.
"Yeah, meron."
"Si Ace kasama mo?"
"Yes," sabay inom ko ng orange juice.
"Kailan ka uuwi?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Bukas pa siguro."
"Enjoy niyo sa date niyo," nilingon niya si Mayuki. "Ikaw, wala ka bang date?"
"Lolo, wala ngang nanliligaw sa akin, ka date pa kaya?"
"Si Nathan?"
"Lolo, bestfriend ko lang po, si Nathan."
"Bestfriend daw."
Tumawa nalang ako dahil sa reaction ni Mayuki. Pagkatapos namin kumain, dumating si Panget.
"Oh, may pa bulaklak si Mayor!" pang-aasat ni Mayuki, habang papunta sa taas.
Hindi namin siya pinansin, naglakad ako papunta kay Panget.
"Good morning, Boss," inabot niya ang bouquet ng pulang rosas habang nakangiti.
"Good morning din, Panget," at ngitian ko siya sabay kuha ng bulaklak. "Kumain ka na ba?" tanong ko.
"Yes, Boss. Kumain na ako."
Tinawag ko muna katulong namin para ayusin ang bulaklak at ilagay sa kwarto ko.
"Tanda! Alis na kami!" paalam ko kay Lolo habang nagbabas ng dyaryo doon sa dinning.
"Ingat kayo, apo. Ace, pakibantay kay Rokia," bilin ni Lolo.
"Opo, Sir Di—Lolo Dizon."
Ngitian lang kami ni Lolo bago umalis. Naglakad kami palabas.
"Boss, saan pala tayo pupunta?"
"Punta tayo sa amusement park."
"Oh?"
"Ayaw mo?"
"Hindi naman," pinagbuksan niya ako ng pinto sa sasakyan.
Sumakay na ako at umikot siya papunta sa driver's seat. Sumakay na rin siya.
"Saang amusement park ba tayo pupunta?"
"May iba pa bang amusement park dito?"
"Uh, merong sa kabilang lungsod."

BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Roman pour AdolescentsYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!