Chapter 45

61 2 0
                                        

Ace's pov

I saw her sitting at the couch na nandito, as usual masungit pa rin. Nasaan ba ang document na sinasabi ni Alvin? Hays, sa sobrang sipag nagkahalu-halo tuloy mga documento niya. Tinawagan ko si Al para matanong kung saan niya inilagay. Wala dito ang sinasabi niya sa chat.

"Al, saan mo ba nilagay ang pinagsasabing documento, huh?!" inig kong bungad sakanya.

"Nakalimutan ko Kuya, pakiramdam ko nasa stockroom."

"What?! Sa stockroom? Ang tanga mo naman, paano kung masira ang sketch na nandoon?!" sermon ko sakanya.

Lumabas ako ng opisina at naglakad diretso papunta sa stockroom. Binuksan ko ang pinto at binuksan ang ilaw. Saan niya ba inilagay?

"Anong kulay ba ang nilagyan mo?"

"Brown envelope."

Sinuri ko ang buong silid. Damn it. Saan niya ba inilagay?

"Pinaglalaruan mo ata ako, Al!"

"Totoo, Kuya! Naiwan ko talaga diyan sa site. Hays, importante 'yon."

"May copy ka ba nun? Gumawa ka nalang ulit," nakakapagod maghanap.

"E! Ilang linggo ko 'yon ginawa!"

"Edi ulitin mo! Irresponsable na Engineer! Baka mamaya matumba ang mga building na trinatrabaho mo!"

"Kuya, nandiyan nga ang document. Check mo sa shelf."

Ginawa ko sinabi niya, chineck ko ang mga shelf na nandito.

"Bakit mo naman ilalagay sa shelf ang document, Al?"

"Nakalimutan ko nga."

"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa stockroom in the first place, huh?"

Bago ko pa marinig ang sagot ni Alvin sa kabilang linya may narinig akong tumawag sa akin.

"Ace!" napakunot ang noo ko ng makitang tinawag ako ni Rokia.

Nakita kong may tumulak sakanya, nakita kong natapilok siya! Agad akong lumapit para saluhin siya. Ang lakas ng pagkasirado ng pinto, may sumigaw pa. Nakilala ko ang isa sa mga boses.

"Ayos ka lang ba, Rokz?" tanong ko sakanya.

"Wag mo nga akong hawakan!" itinulak niya ako palayo.

"Hindi ba masakit paa mo? Ayos ka lang b-" tanong ko at inalalayan ko siya pero ayaw niya akong lumapit.

"Wag ka ngang mangialam-aray!"

Muntik na siyang matumba, inalalayan ko siya para hindi siya matumba.

"Natapilok ka kanina. Bakit ba kasi ang taas ng heels mo?" sabi ko ng makita ang sandals niya.

"Ano bang paki mo? Let go of me!" saway niya sa akin.

"Natapilok ka na at lahat. Ang sungit mo pa rin, Boss," hindi ko mapigilan sabihin iyon.

"Don't you dare call me that you, asshole!"

"Ouch," sabi ko at napahawak sa parte kung nasaan ang puso ko. Totoo naman talagang masakit sinabi niya, she called me an asshole.

"Bitawan mo ako sabi!"

"Malapit lang ako, you can keep your voice down," saway ko sakanya, bawat kita namin kung hindi niya ako sinusungitan, sinisigawan niya ako. Mabibingi na ako sa kagagawan niya, hindi ba siya mapapaos?

"Shut up! I'll speak in any tone I want! Bitawan mo ako! Hey! Put me down! Saan mo ba ako dadalhin?!"

I carried her towards the table at pinaupo doon. Walang upuan dito dahil ginamit na sa office. Lumuhod ako at tinanggal ang sandal niya.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon