Chapter 32

75 5 3
                                    

Rokia's pov

"Miss Rokia, may meeting po kayo this afternoon—"

"What the fuck did you just say?!" tanong ko at hinarap ang secretary ko, nakita kong napalunok siya dahil sa taas ng boses ko.

"M-May me-me---mee-meet—"

"Kambing ka ba?! As far as I remember I did not hire a fucking goat! You know how I hate people stammering when telling important things, Emma!"

"May meeting po kayo this afternoon with the board of members!" nakapikit niyang sabi habang mahigpit ang hawak sa clipboard.

"At bakit hindi mo sinabi kaagad kaninang umaga?! Anong oras?" tanong ko at inayos ang blazer ko, kinuha ko ang suklay at inayos ang buhok ko.

"Sorry, po. Urgent kasi, ngayon lang pumasok. Uhm, in five minutes?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ka sigurado?"

"Three minutes?"

Napairap nalang ako, damn it. Bakit ko ba siya naging secretary? Nakakainis. Stressed na ako, I was signing papers a while ago tungkol sa mga bagong plano sa kompanya. Ano na namang meeting 'to? Noong lunes nagpameeting tapos ngayon na naman, akala ko pa naman makarelax ako! Tch.

"Which conference room?"

"Sa main, po."

Lumabas na ako sa office, nakasunod si Emma sa likuran ko. Pumasok na ako sa conference ko, nandoon na ang ibang board of members. Umupo ako sa upuan ko. Ano naman ang pagmemeetingan?!

"You're late, Miss Dizon," sabi ng isa sa board of members, Mrs. Petra Delgado. She hates my guts, well, the feeling is mutual, I hate her.

"My secretary forgot to remind me about this meeting."

"Magpalit ka na ng secretary, simple."

Duh, si Emma na nga lang ang natitirang matibay. Madalas akong nagpapalit ng secretary sa loob ng limang taon. So far, si Emma lang ang nakakatagal. She's been my secretary for eight months. My passed secretaries can't stand my attitude at hanggang three months lang ang pasensya nila.

"I don't think the company will sink if I'll be late for three minutes. Anyway, what is the agenda of this meeting?"

Nagkatinginan sila, present naman ang lahat, ano pa ba ang hinihintay, nagsimula na ang meeting.

"We want you to cancel the partnership with Claudius Architectural Company," sabi ni Mister Rupert Balwarte.

"Why? Maayos naman ang trabaho ng groupo nila."

"Mada'am Ro—"

"Its Miss Dizon," pagtatama ko sa isa sa mga board of members.

Ang pinaka ayoko sa lahat ang tinatawag akong Mada'am, pakiramdam ko ang tanda ko na, I'm still on my twenties!

"Miss Dizon, maraming kumakalat na negative feedback galing sa ibang kompanya na nakapartnership ang Claudius Architectural Company. We don't want to stain the name of this company because of them."

"Maayos naman ang projects na ginawa nila for the past years. Anong mga issue na nasagap niyo?"

As far as I know wala akong naririnig na masamang balita tungkol sa Claudius Architectural Company, maganda nga ang projects na ginawa nila. That's why sila ang napili ko na gagawa sa upcoming project ng companya.

Tinanong ko pa si Lolo kung anong opinion niya at nagustuhan niya, iyon din ang napagmeetingan noong lunes. 

"We heard they are using smuggled materials!" sagot ni Mrs. Delgado.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon