Chapter 31

85 4 3
                                        

Rokia's pov

Months passed, December na ngayon, ang bilis ng panahon. Naging busy na rin ako kasi sa on the job training namin, minsan nalang kami nagkikita nila Bea. Nagkikita naman kami ni Mayuki sa bahay pero masyadong busy din 'yon.

Humiga na ako sa kama at kinuha ang cellphone. Sa wakas, may isang week kaming bakasyon, sabi ng employee na naghandle sa amin. Malapit na rin ang pasko. Binuksan ko ang messenger ko, magmemessage ako kay Panget.

Its been months since naging kami ni Panget. Minsan hindi kami nagkakaintindihan dahilan para mag-away kami, pero, he always do everything para maging okay kami. Nilalambing niya ako, minsan nakokonsensya ako.

Pakiramdam ko sobrang spoiled ako sakanya. May one time nga na hindi talaga siya natulog para lang makausap ako ag dumiretso na sa klase nila. Pinagalitan ko dahil masama 'yon sa kalusugan!

Sabi nila busy daw ang mga architect, himala na raw ang makatulog ng lagpas apat na oras. Proof nun si Nate, binisita niya si Mayuki, mukhang walang tulog yung tao, kapal ng eyebags. Ewan ko ba sa dalawang 'yon walang improvement label nila.

( - 3 -)

Si Panget din nagkakaeyebags pero gwapo pa rin. Mawawala rin naman 'yan in the future. Tamang oras ng tulog ayos na 'yan.

Ace: Boss, may ginagawa kami ngayon, may event kasi sa university at pinapatulong ang architect department.

An hour ago pa 'to, hmmm, okay. Naiintidihan ko naman, kahit ako ng may event sa school busy din kami at minsan lang ako nakachat nun kay Panget.

May one week akong bakasyon. Bisitahin ko kaya si Panget? Tamang-tama! Pasko na this week! Papayagan naman siguro ako ni Lolo?

Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa office ni Lolo. Walang katok-katok pumasok ako kaagad. Naabutan kong tumayo si Lolo, mukhang pupunta na siya sa kwarto niya.

"Oh, anong meron, apo?" sabay upo ulit sa swivel chair.

"Gusto kong bisitahin si Panget."

"Panget? Sino naman 'yon?"

Napakamot ako sa batok ko dahil sa tanong ni Tanda, nakakahiya!

"Si A-Ace!"

"Iba talaga ang kabataan ngayon. Ang panget ng tawagan niyo. Among tawag niya sa'yo? Ganda?"

"Hindi! Boss tawag niya sa akin!"

"Ang gwapo ni Ace tapos tatawagin mong panget, where's your brain, apo?" tch, nang-aasar pa talaga!

"Tanda, may plano akong pumunta sa America."

"Ano naman gagawin mo doon?"

"Bibisitahin ko nga si Panget, paulit-ulit?"

Tumawa lang siya, I just sighed and smiled. Dahil sa schedule ko minsan lang kami nagkakausap ni Lolo ng ganito.

"Sino naman kasama mo?"

"Ako lang? Masyadong busy si Mayuki. Tsaka, may gagawin din kayo sa company, diba?"

"Sasabihin ko kay Mayuki na sasama siya sa'yo sa pag-alis papunta doon. Hindi ako mapakali na wala kang kasama."

"Lolo, malaki na ako. Malapit na ako sa pagtatapos, I'll graduate this march."

"Oh? Gragraduate ka? Sure ka?"

"Tch."

"Papasa ka kaya?"

"Tanda!"

"Hahaha, sasabihin ko kay Mayuki. Kailan ba alis niyo?"

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon