Emma's pov
"Hey, ano ba kasing nakita mo?"
"Wag ka na nga lang magtanong!"
"E, curious ako."
"Tanungin mo Kuya mo mamaya. Duh."
Lumabas kami ng elevator. Hays, wala akong pera ngayon dahil nandoon sa kwarto. Tapos naglabing-labing sina Miss Rokia doon. Ilang beses ko na ba silang nahuli?
"Hermes, pautang," sabi ko sakanya.
"Oh? Magkano naman?" at tinaasan ako ng kilay.
"200 pesos. May bibilhin akong pagkain, may waffles na nakadisplay sa restaurant nila."
Pumunta kami sa restaurant, bumili rin siya ng snack niya. Ipinalagay ni Hermes iyon sa isang paperbag. Kinaladkad niya ako patungo sa labas.
"Nagugutom na ako, saan mo pa ba ako dadalhin?"
"Doon tayo," sabay nguso sa dalampasigan.
Nakahawak siya sa wrist ko habang naglakad kami patungo doon. Tumigil siya sa paglakad at pinagmasadan ang dagat. Its sunset, ang ganda tingnan ng langit. Kukunin ko sana ang cellphone ko ng makita kong nakahawak siya sa kamay ko.
"Engineer, chansing mo ata ngayon, ah."
Tiningnan niya ako at tiningnan ang kamay namin. Agad siyang bumitaw at umupo sa buhangin.
"Feeler."
"Hoy! Nakita kong hawak mo kamay ko. Ako pa ang feeler?!" sabi ko sakanya at umupo na rin sa buhangin. "Akin na waffles ko."
"Wow, pera mo?"
"Babayaran naman kita mamaya, nasa loob kasi ng bag ko wallet ko. Naglabing-labing kasi sina Miss Rokia," sabi ko at kumagat ng waffle, oh, may chocolate ang loob.
Inilabas ko cellphone ko at kumuha ng litrato sa magandang tanawin. My day ko 'yan mamaya.
"Ano ba kasing nakita mo?" tanong na naman niya.
"Kuya mo nalang tanungin mo."
"Tss."
Napasulyap ako sakanya, kumakain din siya. Nabalot kami ng katahimikan. Ang awkward kaya! Nakita kong palapit ang mukha ni Architect kay Miss Dizon, tapos, uwaaaah! Nagkiss kaya sila?! Hala, panira talaga ako sa moment. Galit ba siya?
"Hoy, galit ka ba?"
"Hmmm."
"Hala, wala naman akong nakita kanina, e."
"Hmmm," sabay kibit-balikat. Aba!
"Fine!" hinawakan ko balikat niya, lumingon ako sa paligid. Baka may makarinig, patay ako nito.
Lumapit ako sakanya para bumulong.
"Ganito kasi 'yon.."
"Ano?"
Hinampas ko siya ng mahina, tinaasan niya ako ng kilay.
"Wag kang epal, magpapaliwanag na nga!"
Huminga ako ng malalim at nagsalita.
"Nakita kong muntik na silang magkiss," sabay layo ko at umayos ng upo.
"Ano? Ang hina ng boses mo."
"Tss," lumapit ako at bumulong ulit. "Muntik silang magkiss."
"Gusto mo ng kiss?"
( O.O) (>_> )
"H-Huh?! Bingi ka ba?!"
"Your voice is too low," sabi niya habang nakapoker face.
"Sabi ko muntik na silang magkiss, bingi mo naman. Ewan ko sa'yo, Hermes. Linisin mo tenga mo."
BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Teen FictionYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!