Mayuki's pov
Naramdaman ko nalang na huminto ang motor ni Nate. Andito na pala kami sa parking kot dito sa mall. Bumaba ako kaagad at tinanggal ang helmet. Nahihilo talaga ako! Peste! Makamaneho ng motor wagas!
"Ayos ka lang ba?"
"Nahihilo ako," sabay abot ko ng helmet.
"Hali ka nga dito," hinila niya ako at hinilot ang sentido ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"Ayos na?"
"Medyo."
"Tara na gutom na ako. Saan ba tayo kakain?"
"KFC."
"Ehhhh? Chowking nalang tayo."
"Ikaw 'tong nanghihingi ng opinion," binatukan ko siya.
"Aray, para saan 'yon?"
"Para 'yon sa pagpitik ng noo ko kahapon! Nakakainis ka!"
"Hehehe, sorry na. Tara sa loob."
Pumasok na kami sa mall. Saan ba kami pupunta—chowking?! Tiningnan ko si Nate.
"Chowking nalang tayo kakain. Nandito naman tayo, e."
"Libre mo. Ikaw nagyaya dito kumain."
"Hala... Fine. Sige na nga. Maghanap ka nalang ng upuan. Ako na mag-oorder."
Hahaha! Nakasave ako ng lunch ngayon. May nahanap akong table doon sa sulok, umupo na ako doon. Kinuha ko ang cellphone ko, facebook lang ako, mahaba kasi ang pila. Matatagalan pa yung Nate na 'yon.
"Pssst."
Hindi ko pinansin yung nanitsit, may narinig akong nagtawanan sa kabilang table. Tsk, tsk. Biglang may umupo sa harapan ko, isang lalaking hindi ko kilala. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hehehe, Hi miss. Alam mo ang ganda mo ngayon."
Hindi ko siya pinansin at ibinalik ang tingin sa cellphone ko.
"Miss, pwede ba humingi ng number mo?"
Nagcompose ako ng message para kay Nate. Tagal kasi niya! Ayan may nakikipag-usap sa akin na hindi ko kilala.
"Ako pala si William and you are?"
Tiningnan ko siya. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Leave."
"L--Leave pangalan mo, Miss?"
Napapikit ako sa inis. Hindi ba niya naintindihan ang sinabi ko?
"Umalis ka."
"Gusto ko lang naman makipagfriends sa'yo."
"I have enough friends. Wag ka ng dumagdag."
Malay ko ba kung sino ka! Sumbong kita kay Lolo!
"Textmate nalang."
Wtf?
"Bro, pwede umalis ka? You're making my girlfriend uncomfortable," sabi ng lalaking naglagay ng tray sa table. Napatingin ako sa kanya.
Si Nate pala..
Ano?! GIRLFRIEND?!
Hala, kailan pa siya nanligaw? Teka, wala akong naaalala na sinagot ko siya!
"Uh, s-sorry," sabay tayo at bumalik sa table nila.
Umupo na si Nate sa harapan ko. Binilihan niya ako ng fried chicken at sa kanya naman chowking lauriat. Halatang gutom.
BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Teen FictionYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!