Chapter 20

102 5 0
                                    

Rokia's pov

Andito kami sa lobby ni Mayuki. Sabi nila bababa na raw si Lola Cass. Hindi ko sinabi kay Panget ang tungkol dito. I'll send him a photo of me doing the photoshoot. Sinabi ko naman kay Mayuki na kunan ako ng picture mamaya.

"Kinakabahan ako," sabi ni Mayuki.

"Bakit ka naman kinakabahan?"

"Baka asarin ako ni Nate mamaya," napairap nalang ako sa sinabi niya.

Napatayo kami ng makita si Lola Cass, nakasunod ang isang babae, probably her secretary. Binati siya ng mga empleyado habang papunta sa amin.

"Good morning girls!" bati niya.

"Good morning po, Lola," bati namin habang nakipagbesohan siya.

"Let's go to the studio, indoor and photoshoot ngayong umaga," sabi niya at naglakad na papunta sa elevator, sumunod naman kami.

"Mamayang hapon, is outdoor photoshoot. Pupunta kayo sa rooftop. Nagbreakfast na ba kayo?"

"Yes po, Lola," sabay naming sagot ni Yuki.

Huminto kami sa 5th floor. Lumabas na kami, lumiko kami patungo sa kanan at pumasok sa pinaka dulo na pinto sa kanan.

"Good morning Mada'am!" bati ng mga empleyado, ngitian niya lang ang mga ito.

Inaayos ang set, may beach na background. Daming lights. Lumapit si Lola Cass doon sa dressing room, binati siya ng mga nasa loob.

"Lumabas muna kayo diyan, meron akong ipapakilala."

May lumabas doon, na limang gays, sila siguro mag-aayos sa amin. Meron ding limang babae, naka-ID for sure staff ni Lola Cass dito at tatlong babae, mukhang kaedad o mas matanda sila sa amin ng dalawang taon.

Ipinakilala kami ni Lola Cass sakanila. Nakipagkamayan kami, hanggang sa itong huling babae.

"Crystal Diaz," masungit niyang sabi.

"Rokia Dizon."

Diaz? Saan ko ba iyon narinig?

"Kayo na bahala nila Rokia at Mayuki. I'll be back," ngitian kami ni Lola Cass. "Enjoy."

Ngumiti rin sakanya. Pinapasok na kami ni Sir Joel at Sir Glenn sa loob para ayusan.

"Ang ganda mo Miss Rokia," komento ni Sir Joel ng umupo ako sa upuan, tiningnan ko siya sa pamamagitan ng vanity mirror.

"Salamat."

"Saan pala kayo nagkakilala ni Mada'am?" tanong niya habang inaayos ang buhok ko.

"Close sila ni Lolo."

"Kaninong apo pala kayo? Magpinsan kayo ni Miss Mayuki, right?"

"Yes, magpinsan kami. Lolo namin si Ray Dizon."

"Oh my, ang may-ari ng Star Academy at Star University? Meron pa siyang ibang businesses, oh my, its an honor to ayos your hair and make-up," natutuwang sabi ni Sir Joel.

"Hoy Joel, tigilan mo na ang pag-interview kay Miss Rokia," sabi ng isang staff.

"Nakikipag-kaibigan ako, stupid."

Nagtawanan lang sila. Inabot ng isang oras ang pag-aayos, hindi sila makadecision kung ano ang bagay na summer dress sa akin. Heto, sinosuot ko ang isang blue na summer dress na may flower designs, kulay violet naman ang suot ni Mayuki. Lima kaming 'model' dito.

Masakit sa mata ang flash ng camera, pero, wala naman tayong right para magreklamo, its natural. So far, so good. Mabuti nalang at hindi ako napagalitan, dahil kung napagalitan ako, ewan ko nalang anong mangyayari. Suot ko ngayon ang suot ko kanina.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon