Chapter 60 other half

79 7 0
                                    

Ace's pov

"No way!" napalingon kami ni Mama sa kusina dahil sa pagsigaw ni Alvin.

"Tumahimik ka nga, oa mo naman," saway ni Ate Helia kay Alvin.

"Kuya!" lumapit siya sa amin ni Mama. "Totoo bang magpopropose ka kay Miss Rokia?!"

"Hmmm, pero baka sa susunod pa na mga buwan," sagot ko.

"Nagplaplano pa Kuya mo, kaya wag mong disturbuhin 'yan," sabi ni Mom.

Nang maluto na ang pagkain ay kumain na kami. Si Alvin naman ay parang hindi pa nadadigest ang nalaman niya. Naku, sana wala siyang sabihin kay Emma.

"Kailan ka ba magpopropose, Kuya? Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Alvin.

"Al, wag mo ngang e pressure si Ace," saway ni Ate.

"Nagtatanong lang, excited ako! Ikakasal na si Kuya!"
Alam kong ilang buwan pa lumipas mula ng magkabalilan kami, and I'm very happy. Ang sarap ma-inlove ng ganito. Kahit anong pagod ko, kapag nakikita ko siya, mawawala lahat ng pagod na nararamdaman ko.

"You gonna plan it all out, Ace," sabi ni Ate Helia habang pinupunasan ang mga plato na tapos kong hugasan.

"Kinakabahan ako, Ate."

"Bakit? Takot kang 'no' isasagot niya?"

"Hmmm."

"Hindi ka naman ngayon magpropose, diba? Let her feel your love for her. Well, hindi mo na kailangan ng advice para diyan. You know what you're doing, malaki ka na," sabay tawa.

"Ate naman... Baka.. Hays.. Nakakatakot."

"Seriously, Ace, kaya mo 'yan. Sa lahat ng pinagdaanan mo, simple lang 'yan. You can do it. Just take things slow, don't rush."

"Ikaw, may lovelife ka ba, Ate? Galing mo mag-advice, pero, bakit wala?"

"Wala! Tatanda na akong dalaga!" natatawa niyang sagot.

"Diba, may boyfriend ka noong college?"

"Hindi kami nagtagal nun, duh," sabay irap.

Well, just like Ate said, take things slow. I really want to propose to her, kahit na sa susunod pa kami na mga taon ikakasal. I want to tell everybody that she's my fiancé.

I have enough savings to buy a lot and build a house. Ilang taon akong nag-ipon, I'm planning to build a house for her. I'm an architect, my brother is an engineer, may pera naman ako. Sa ngayon, I need to know the details of her dream house.

"In the future, gaano kalaki ang gusto mong bahay?" tanong ko sakanya habang kumakain.

Napakunot noo niya dahil sa tanong ko.

"Bakit mo tinatanong? Bibigyan mo ako ng bahay?" sabay taas ng kilay.

I chuckled, kinakabahan ako! Naku, baka magduda siya. Uminom ako ng tubig.

"Wala pa akong sapat na pera, Boss. Pero, I'll make sure to give you one."

Yes, I'm sure to give you one.

"Gusto ko e drawing mo, Boss."

"Anong tingin mo sa akin? Architect na katulad mo?"

"Gusto ko lang makita dream house mo."

"I'll search nalang some designs sa internet. I'm bad at drawing."

Sana hindi siya maghinala. Sabi ni Emma na masyadong busy si Rokia dahil sa mga trabaho. Ako, well, totoo naman na may client ako na nagpagawa ng mansion at hindi naman masama ugali nun, I just lied a little bit.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon