Mayuki's Pov
"What?! Nandito yung Justine?!" tanong ko ulit kay Rokia.
"Yes, nagtransfer siya," sagot niya habang kumakain.
Nandito kami sa dinning table kumakain ng hapunan. Nagpapahinga na si Lol sa kwarto niya kaya kaming dalawa lang ang kumakain.
"Stalker mo ata ang lalaking 'yon."
"Mabait naman 'yon."
I frowned because of what she said. Mabait?! Totoo?! E, nagkakilala lang sila sa resort noong nagalit siya sa amin nila Bea. Tapos, oh my gosh, bakit ba siya nagtitiwala sa lalaking 'yon?
"Alam mo ba kung anong sinasabi mo?"
"Hindi naman masamang tao si Justine, ah."
"Hindi magsasabi ang isang tao na siya ay masama, kaya nandiyan ang word na nagbabalat-kayo," sabi ko sakanya in-a-matter-of-fact tone.
"Sumama ka na lang sa akin bukas."
"What? Saan?"
"Lunch. Niyaya ako ni Justine, e."
"Wag ka ng sumipot!"
"Ano bang problema? Kakain lang naman. Sumama ka na lang kasi."
"Kahit gusto kitang samahan, I can't may laboratory kami bukas."
"Geez," sabay irap.
Aba, bakit parang kasalanan ko pa na maglalaboratory kami bukas?!
"Wag ka nalang sumipot kasi."
"Mayuki, its just lunch, tsaka, may mga itatanong ako sakanya kung bakit lumipat siya sa university."
"Magpasama ka nila Bea o Cath."
"Cath is busy, pati si Bea may laboratory sila bukas."
"Importante kasi laboratory namin, e."
"Whatever."
"Alam mo naman na gusto kong magdoctor at gusto kong makaproceed next semester, diba?"
"Blablabla, patayin ka ng konsensya mo," at tumayo na. Tapos na siyang kumain, umakyat na siya sa taas.
Tinapos ko na rin ang pagkain at umakyat na sa kwarto ko. May gagawin pa akong assignment, essay to be exact. Ang hirap pa naman, parang hindi na gumagana ang braincells ko.
Kinabukasan ay nalate ako sa first subject ko at hindi na ako pumasok. Tumambay nalang ako sa library, may report kasi ako ngayon para sa third subject. Nakalimutan kong ireview kagabi! Hays, laban lang tayo, Mayuki. Para sa kinabukasan!
Biglang tumunog ang cellphone ko, mabuti mahina lang. Agad kong sinilent, baka palabasin ako ng nagbabantay dito.
From: Nate.
Saan ka? Wala ka sa room niyo.Nanlaki mata ko dahil sa text niya. Nandoon siya malapit sa room namin?! Anong ginagawa niya sa department namin?!
To: Nate.
Absent ako first subject. Masyado akong late.From: Nate.
Nasaan ka?To: Nate.
Library.From: Nate.
Which?To: Nate.
Library sa dept. namin.Yes, each department dito ay may sariling library sa building nila. Matatagpuan sa second floor. Ilang saglit ay may umupo sa harapan ko, si Nate pala.
"Ang bilis mo atang dumating," komento ko, parang tumakbo pa siya.
"Wala lang. Bakit? May ginagawa ka ba?"
BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Teen FictionYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!