Chapter 35

69 3 2
                                    

Rokia's pov

Naguguluhan ako sa sinabi ni Lorenzo. Anong mental disease? May sakit si Ace? Mental disease, mental, mentally, may connection sa utak. Disease, sakit, may karamdaman. Sumasakit ata ang ulo ko kakaisip tungkol doon.

"Miss Dizon, ayos lang po ba kayo?" napatingin ako kay Emma, nandito kami sa opisina. "Masama po ba pakiramdam niyo?"

"Ayos lang ako, Emma."

"Parang dalawang linggo na po kayong ganyan."

Natigilan ako sa sinabi niya. Yeah, its been weeks mula ng marinig ang salitang iyon galing kay Lorenzo. Hindi na kami ulit nagkita ni Ace mula ng araw na iyon. I'm not worried or concern, curious lang ako, duh.

Curious, like, kailan pa? Noong iniwan ko siya? At bakit naman siya nagkakamental disease? Psh. Pero, si Lorenzo kasi ang nagsabi, alam ko noon pa na ayaw niya kay Ace pero hindi tama ang ganun. Pero, totoo kaya?

Tss.

"Gusto niyo po ba ng coffee?"

"Pwede na rin."

Lumabas siya ng opisina, nagsimula na ang project. Gaya ng sinabi ni Ace five to eight years ang duration. Well, ayos lang iyon basta matatapos na maayos at matibay.

Hindi pa rin umaalis sa isipan ko ang tungkol sa sinabi ni Lorenzo. Tss, nakakastress na 'to, bakit ko ba kasi palaging iniisip iyon? Argh!

Nakamove on na ako kaya wala akong paki kahit mamatay pa siya! Ihatid ko pa siya sa libingan niya, e! Pero, kasi, gusto ko siyang makausap. Argh! At bakit naman? Baka sabihib niyang hinahabol ko siya kaya magtatanong ako, heh!

"Miss Dizon, here's your coffee," sabay lapag sa mesa ko. "Nga pala Miss Dizon, kakapasok lang ng email mula sa SGC, hinihingi nila ang financial budget para sa project."

"Oh, sabihin mo sa head ng financial department ang tungkol diyan. Sabihin mo sakanila na I want it asap, as much as possible early in the morning."

"Okay po," sabay labas ng opisina.

Puntahan ko kaya ang university? In the next few weeks ay e heheld na ang event na hinahanda nila. Gusto ko lang e check ang university. Dadalawin ko rin si Mayuki, wala na atang oras 'yon para lumabas ng kwarto niya.

The university is just the same. Mas lalo atang dumami ang estudyante ngayon. Tinext ko si Mayuki, pababa na siya kaya hinintay ko siya sa baba ng department nila. May tumatawag sa cellphone ko. Oh, si Emma.

"Miss Dizon, umuwi na po kayo?!"

"Wala na ako diyan, diba?"

"Oo nga po, wala ka dito, wala rin po ang sasakyan niyo."

"Natural, wala nga ako diyan."

"So, umuwi na kayo?"

"Hindi nagcr lang, tss. Emma, anong oras na ba?"

"Ay, hehehe, pasensya na po, ingat sa pag-uwi!"

Binaba ko na ang tawag, napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Mayuki, kakalabas niya lang sa elevator. Nagmadali siyang lumapit sa akin.

"Mabuti nalang at tapos na ang exams."

"Saan mo gusto kumain?"

"Oh, libre mo? Wala akong pera."

"Tokyo tokyo?"

"Chowking."

"Fine, chowking."

Pagdating namin sa mall agad kaming pumunta sa chowking. Nag-order kami at umupo na sa isang table.

"Parang ilang taon kong hindi natitikman ang siopao nila."

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon