Chapter 1

538 8 0
                                    

Mayuki's pov

Naglalakad ako ngayon sa park. May na receive akong text galing kay Nate may pag-uusapan daw kami.

Sa mga nakalimot sa akin, its me! Mayuki Dizon, pinsan ni Rokia! Well, its been three years noong umalis si Ace. Maraming nagbago, well, I think lumala ang ugali ni Rokia.

I mean, alam naman natin na dumaan siya ng heartbreak dahil kay Shawn tapos, noong malapit na siyang ma-fall kay Ace, umalis din si Ace at nag-aral sa ibang bansa.

Ewan ko sa author diyan. Tagal-tagal simulan ang season 2, nagtatampo kami lahat sakanya.

[a/n: Magpapaliwanag naman ako sainyo, e! ]

Hayaan nalang natin. Just like what I have said earlier, lumala ang ugali ni Rokia. Mas madalas na siyang magmura, mas masungit na siya ngayon. Parang galit siya kahit anong oras.

We're in college na. Grabe, ang hirap, last year, umiiyak nga ako dahil sa isang subject namin dahil sa sobrang hirap. I'm taking bachelor of science major in biology. Prepatory course ko, I want to be a doctor.

Bea is taking HRM, she plans to open a restaurant. Si Elric naman I think business administration ang kinukuha niyang course, he is going to manage their company someday.

Cath is taking education, she wants to be a teacher. I think english ang major niya. Hindi ako sure. Si Jhake naman, marine engineering kinuha nun. Gusto raw niya gumuwa ng mga cruise ship. Taas ng pangarap.

Well, if you're wondering kung anong nangyari kina Ate at Shawn, Ate is not studying. She's taking care of their son Emmanuel. Yeah, may anak na sila ni Shawn. Unbelievable. I think 3 years old na ang pamangkin ko. Well, pinilit naman siya ni Lolo na mag-aral dahil susuppotahan naman siya nina Mama at Papa. Pero, siya na rin tumanggi, aalagaan daw muna niya si Emmanuel. Binibigyan naman siya nila Mama at Papa ng monthly allowance. They still care about Ate kahit na ganun ang nangyari sakanya. Its like a lesson to her. Nabago rin ang ugali niya simula ng magkaanak siya.

Well, I heard Shawn is taking civil engineering. Binigyan pala sila ni Lolo ng bahay malapit sa university para hindi mahihirapan si Shawn sa pag-uwi.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtext.

From: Nate.
Where r u? Andito ako sa swing.

Agad akong naglakad papunta sa swing. Nakita ko siyang nakatalikod, nakacheckered polo siya at black jeans. Para talaga siyang si Ace kapag nakatalikod, well, magpinsan naman sila. May similarities talaga 'yan.

"Hey," sabay tapik ko sa balikat niya, dahilan para lumingon siya sa akin.

"Kanina ka pa?" tanong niya at umupo sa swing.

"Nope. Ano palang pag-uusapan natin?"

"Ang atat mo naman."

"Nag-aaral kasi ako."

"Ginawa mo nalang sana 'yan kanina or kahapon."

"Wow, makautos wagas."

"Its about Ace."

Napatitig ako sakanya. Anong tungkol ka Ace?!

"Anong ibig mong sabihin? Uuwi siya?!"

Nakita kong sumeryoso ang mukha niya.

"Nagkaroon siya ng amnesia—"

"ANONG SABI MO?!?!"

"Chill, joke lang. Seryoso mo naman."

"E, kung sasakalin kita diyan! Don't talk like that about Ace. Wala nga dito yung tao. Nag joke ka pa ng ganyan."

"Seryoso kasi ang mukha mo."

Binatukan ko siya kaya napaaray. Bakit ko ba siya naging bestfriend? (—3—)

"I heard Lola and Aunty Hannah talking to each other kahapon sa mansion."

"Chismoso."

"No, I'm not. Narinig ko lang. Kasalanan ko bang may tenga ako?"

"Sabihin mo na anong narinig mo."

"Sabi ni Lola maayos naman ang kalagayan ni Ace doon. His doing good on his studies. Sinabi naman ni Aunty Hannah na kung pwede magbakasyon si Ace dito. Wala namang klase doon, summer pa nila."

"Tapos, anong sagot ni Ma'am Cassandra?"

"Sabi ni Lola titingnan niya raw ang situation."

"Eh? Sana pumayag Lola mo na umuwi si Ace dito."

"May lakad ka ba bukas?" tanong niya.

"Bakit?"

"Date tayo."

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tiningnan ko siya ng masama. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong pinagsasabi mong date?!"

"Friendly date. Kung ayaw mo sa term na date, sige, hmmm. Tawagin nalang natin.. Foodtrip and sine."

Napairap nalang ako sa sinabi niya.

"Libre mo?"

"Sige, pero ikaw bahala sa tickets sa sine."

"Fine. Anong oras?"

"1pm. Susunduin kita bukas."

"Sabi mo 'yan."

"Snack muna tayo. Nagugutom ako," sabay tayo.

"Kain tayo ng burger."

Pumunta kami ng Mcdonald's para bumili ng burger. Si Nate ang nag-order while ako, nandito nakaupo sa isang table for two.

Hindi kami in a relationship. Okay? Bestfriend ko si Nate. Simula kasi ng umalis si Ace, naging close kami ni Nate. Dahil siguro 'yon sa mga panahon na accidentally kaming pinagsalubong ni tadhana.

First kaming nagkita yung nagsuntukan sina Ace at Shawn. Second, yung sa grocery, hindi ko kasi maabot yung gusto kong bilhin kaya siya na ang nag-abot nun sa akin. After nung pangyayaring iyon, sa school na kami sunod nagkita.

Sa Star University din siya pumapasok. Architecture ang kinukuha niya kurso. Noong first day, sabay kaming pumasok sa gate. Nawawala pa nga siya, e. Hindi niya alam kung nasaan ang building nila. Tinuruan ko kung nasaan, nakalimutan daw kasi niya kung saan dadaan.

"Here's the burger and drinks," sabi ni Nate at umupo na sa harapan ko.

Kinuha ko ang burger ko at nagsimula ng kumain.

"Kamusta pala si Rokia?" tanong niya pagkatapos uminom ng coke.

"Ayun, nandoon lang sa kwarto niya. Wala atang planong lumabas buong bakasyon."

Alam ni Nate kung anong nangyari between Rokia and Ace. Chismoso, e. Tsaka, kapag may barkada hang-out sumasama siya sa amin. Ayaw niya rin sumama sa iba niyang kaklase, hindi raw niya feel.

Pagkatapos naming kumain, inihatid na niya ako. Naglakad lang kami, malapit lang naman ang mansion, e.

"Salamat sa paghatid."

"Anything for you, Yuki," sabay kindat. Binatukan ko naman siya.

"Aray, masakit."

"Kumikindat ka kasi."

"Swerte ka nga kasi kasama mo ako," sabay ngiti.

Lumakas ang hangin banda dito.

"Papasok na ako."

"Teka, may ibibigay ako."

"Ano naman 'yon?" tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Pikit muna."

"Tsk, ayoko nga."

"Please."

Inirapan ko siya bago pumikit. Ewan ko, anong pakulo nitong lalaking 'to.

Naramdaman ko nalang pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako sa noo ko.

"Aray! Masakit!"

Susuntikin ko sana si Nate sa braso kaso nakatakbo na papunta sa malayo. Tsk. Humanda siya sa akin bukas.

Pumasok na ako sa mansion.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon