Rokia's pov
"Gusto ko kayong ihatid pauwi," sabi ni Panget habang nasa gilid ko.
Palabas na kami ng mansion, tapos na kasi ang party. Kumain lang ng dinner at kwentuhan. Nasa unahan si Lolo kausap si Ma'am Cass, ewan ko kung nasaan si Mayuki. Baka kasama si Nate, mukhang ayos na yung dalawa.
"Text or chat me pagdating mo sa bahay," bilin niya sa akin.
"Ayaw ko nga," pang-aasar ko, pinanliitan niya ako ng mata.
"Oo na, I'll chat you later."
"Apo, wala pa si Mayuki?" tanong ni Lolo.
"Wala pa," sagot ko.
"Ace, pakihanap si Mayuki," utos ni Ma'am Cass.
"Tatawagan ko nalang po si Nate, Lola," at inilabas kaagad ni Panget ang cellphone at dinial kaagad ang numero ni Nate.
"Uuwi na raw sila... Huh?.." napasulyap siya kay Lolo at lumapit. "Sir Dizon, gustong makigusap ni Nate sa inyo," sabay abot ng cellphone.
"Hay nako, Ace, tawagin mo nalang akong Lolo wag ng Sir," sabi ni Lolo at inilagay ang cellphone sa tenga. "Hello... Ikaw maghahatid kay Mayuki?.. Sige, sige. Ingat kayo. Hatid mo siya wala pang alas dose, hijo. Salamat," at inabot na kay Panget ang cellphone.
"Anong sabi?" tanong ko kay Lolo.
"May pag-uusapan daw sila ni Mayuki. Siya na maghahatid sa pinsan mo."
Humanda ka sa akin mamaya, Mayuki.
"Sumakay ka na," bulong ni Panget, sumakay na kasi si Lolo.
Nagpasalamat ako kay Ma'am Cass sa pag-imbita.
"I told you, Tita o Lola na lang tawag niyo sa akin, ingat kayo sa byahe," sabi niya ng sumakay na ako.
Nagpaalam na kami at umalis na. Kumaway pa si Tita Cass sa amin. Nakita kong nagflying kiss pa si Panget. Tumawa naman si Lolo.
"Wag mo nga akong tawanan, Tanda!"
"Asus, kinikilig naman ang apo ko," pang-aasar niya.
"Ano naman kung kinikilig ako? Duh!"
"Gusto mo talaga si Ace, Rokia?" seryosong tanong ni Tanda, dahilan para mapatingin ako sakanya.
"Bakit mo naman natanong?"
"Sa loob ng tatlong taon ng umalis siya, hindi ka na ngumingiti at tumatawa gaya ngayon," natahimik ako dahil sa sinabi ni Lolo. "Gusto ko si Ace para sa'yo, Rokia," dagdag niya.
"Bakit mo sinasabi sa akin 'to, Lolo?"
"Kasi, gusto kong magdrama. Bakit?" at tumawa, napairap nalang ako.
"Tanda!"
"Gusto ko lang sabihin sa'yo. Kitang-kita ko kasi sa kilos niya na seryoso siya sa'yo. He is a good man, Rokia. Panatag ang loob ko kapag siya ang makakasama mo sa huli."
"Alam mo Lolo, hindi bagay ang drama sa inyo," tumawa lang siya dahil sa sinabi ko. "Pero, salamat."
"Basta nandito lang ako para sa iyo, hija."
Dumating na kami sa mansion. Hinatid ko si Lolo sa kwarto niya, pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis. Dumapa na ako sa kama ko at chinat si Panget.
Ace: You should sleep. Its already late.
Nakapag-aral lang sa ibang bansa, umeenglish na talaga siya. Ibang-iba!
BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Teen FictionYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!